Chapter 3

37 0 0
                                    

Gio's POV

Nung nagdecide si Amry na sumama nalang kay Chloe para makipag basag ulo. Nainis ako at napansin ko nung pinigilan ko siya ay napaka lungkot niya na parang ang bigat ng problema niya. Hayy sumasakit talaga ang ulo ko sa bestfriend kong yun. Di ko malaman kung kailan kaya siya makikinig sa akin.

Graduating na kami dapat tinigilan niya ang makipag away sa mga gangsters sa labas ng campus.

Sa pamuni muni ng isip ko di ko namalayan na lumapit sa akin si Stephen at ayun parehas kaming problemado. Dahil gusto naman niya pigilan din si Chloe. " pre, bakit yung dalawang yun, pag partner sa awayan parang di mapigilan ang init ng ulo nila. Kailan kaya mapapagod na makipag away yung mga yun?" Tanong sa akin ni Stephen.

Malalim na buntong hininga ang ginawa ko at nagsalita; " Ang mabuti pa tara na puntahan na natin ang dalawa para pigilan." At yun umalis na kaming pareho sa classroom para habulin ang dalawang babae pampasakit ng ulo namin.

Tumatakbo kami na habulin ang dalawa buti nalang wala na si dean Zhang kundi mag gagawa kami ng explanation letter kung bat kami nagtatakbo sa corridor.

Nang makarating kami sa pinaparoonan namin nakita namin dalawa ni Stephen na mga hilo na ang mga naupakan nila Amry at Chloe. Mga amazona talaga sila. Kaya si stephen takot na takot sa tuwing magpapansin siya kay Chloe. Si Amry, di ko masabi pero naranasan ko na kapag masama ang loob nito. Hindi ka iimikin nito at tatahimik nalang ng di mo malaman ang dahilan.

Naranasan ko yun isang beses nung elementary kami dahil may bumubuntot sa akin na babae na si Hannah, ang babaeng may crush sa akin at hanggang ngayon ay kaklase namin ni Amry. Di ko alam kung dahil ba sa nagseselos siya or kaya ano pero grabe ang paghingi ko ng sorry sa kanya noon. Pero iniwasan niya ako. Kinatakutan ko yun dahil siya ang isa sa pinaka mahalaga kong kaibigan.

Nagkabati rin kami afterwards nun. Dahil di ko siya tinigilan, hanggang sa mapansin niya ako. Sa kakakulit ko na magbati kami napapayag ko din.

Nawala ako sa pagmoment ko ng biglang nagsalita si Stephen. "Mga Amazonas ano ayos ba kayo napatumba niyo yang dalawa ah." Nag nod nalang si Amry pero si Chloe nagtaray nanaman kay Stephen; "Bakit gusto mo rin ba na mapatumba kasama naman ng mga to?" Biglang nalang natakot si stephen at nagtago sa likod ko.

Nagtawanan nalang kaming apat at umalis na. At nagkayayaan kumain sa convenient store.

Habang naglalakad kaming apat. Di ko maiwasan lihim tignan si Amry. Nang makarating kami sa convenient store, bumili kami ng makakain at tumambay, nag usap usap tungkol sa ganap kanina. Kiniwento rin ni Chloe ang nangyari sa pagbugbog nila kaganina sa mga taong humarang kay Amry.

Sa totoo lang sa mga di nakakaalam, marunong magtaekwondo si Amry. Black belter siya since nasa gradeschool palang kami. Kaya nung tumutong na kami ng highschool. Di na ako magtataka na yung pagiging karate master niya ay naapply niya sa away. Ay mali, hindi pala. Kundi na apply niya simula nung grade 1 kami. Dahil may katabi siyang nambubully sa kanya. Saksi ako nun at nagulat nalang na sipain niya yung nambully sa kanya at dumugo ang ilong at yung ngipin nung taong nasipa niya ay nawala at nalaglag nalang sa desk.

Nung mga oras na yun napasugod ang teacher namin at sinermunan si Amry. At natakot din siya ng malaman na pupunta ang nanay ng sinipa niya. Kaya dali dali siya linapitan ako at sinabihan na itago siya para di siya makita nina maam at nung magulang nung kaklase namin na sinipa niya.

Kasalukuyan ako nagmumuni - muni. Nang bigla nalang ako nagtaka na nakatingin sa akin silang apat na kinagulat ko naman. Kaya nagtaka ako at sinabi na; "bakit ganyan kayo makatingin? May dumi ba ako sa mukha?"

Sumabat si stephen nung mga oras na yun at sabay sabi ng; "hindi kasi kanina pa kami tawag ng tawag sa atensyon mo pero ni hindi mo kami pinapansin kasi tulala ka jan at parang ang lalim ng iniisip mo. Teka.. teka.. sino ba yang iniisip mo huh Gio?"

"Ahh.. ako ba. Wala ang iniisip ko yung review para sa long quiz next week at need na natin mag review at need din natin na mag prepared para sa darating na Gaokao Exams natin."  Paliwanag ko sa kanila at sabay pa sina Amry at Stephen na tumango habang si Chloe ay napapa iling nalang, hanggang sa nagsalita si Amry; " Oo nga pala mag rereview na ako, Gio tara na umuwi na tayo. Magpapaturo pa ako sayo sa math. Uhmm.. Stephen at Chloe, una na kami sa inyo ni Gio. Gio tara na bilisan mo"

Hinila nalang ako Amry at nagpaalam na din sa kanila. Sumakay na kami ng bisekleta dahil 6pm na ng gabi at dahil sa sinabi ko na magrereview ayun natakot na yata. Takot bumagsak si Amry sa mga subjects dahil lagot siya kay Uncle Rico at Auntie Anne.

Tahimik kami na nagbibisikleta papauna na sa amin na di ko matiis ang katahimikan namin dalawa. At kinausap ko na si Amry; "Amry!!" - tawag ko sa kanya.

Nagpreno siya ng bike, dahilan para tumigil ako at tumapat sa kanya, sabay nagsalita at sabi; "hmmm... oh!? Bakit Gio?"

Di ako sanay na di siya maingay. Kilala ko to alam kong badtrip pa din to sa akin eh; "Amry, may problema ba, bakit ang tahimik mo? Hanggang ngayon pa ba ay mainit ang ulo mo sa kanila? (Sa kaaway niya kaganina ni Amry sa prev. Chappy)
Oh may problema ka ba dahil may sinabi ako at di mo kinatuwa?"

Agad siya lumingon sa akin at napaisip ng sasabihin, after mga 2 minutes ay muli siya nagsalita at nagsabi na; "Wala naman akong problema eh, at tsaka tapos na yung nabugbog na namin ni Chloe yung 2 bullies sa other school eh. Alam mo Gio, nakakaloka ka rin eh."

"Huh? Ako teka bakit?" - takang pagtatanong ko. Na bigla nalang siya napangiti at sabay nagsabi nang; "Wala, tara na di ba magrereview na tayo!"

Di na ako sumakay ng bike, bagkus pinaandar ko ang bike ko pero naglalakad. Nagulat na lamang ako  na bigla siya tumigil at muli nagsalita; "Alam mo best friend, salamat, kasi lagi kang anjan! Ano tara na! Gabi na din oh!"

Na bigla ako sa sinabi, pero may part na medyo masakit, talaga bang bestfriend lang ba talaga ang tawag niya. Medyo tulala ako at nagulat na muling lumapit sa akin ang mukha ni Amry at sinabi ulit na; "Gio, tara na tulala ka nanaman eh!" Tinap niya ang balikat ko at bumalik ako sa huwisyo at nagmamadali na umalis kasama ang babaeng pinakamamahal ko.

Nakauwi na kami ng bahay after 10 minutes. Pagdating ko sa bahay, agad kong binaba ang bag ko sa sofa, at iniisip ang sinabi ni Amry. Sa pagmumuni muni ko ng matagal, agad akong naligo at nagpunta sa kuwarto, tinitigan ko ang katapat kong kuwarto ni Amry na nakapatay ang ilaw at napaisip na baka tulog na ito ng mga oras na yun.

Kaya nag decide akong itext siya.

To: Amry Chen

Amry... ang aga mo naman natulog, natapos ka na ba sa assignments natin? I checheck ko nalang bukas yung assignment mo sa math, baka mali nanaman ang mga sagot mo!"

Sent!!!

Pagka sent ko deretsong review na ako, at hinintay ko ang reply ni Amry. After half hour wala pa din ang reply hanggang sa nag decide na akong hindi na hintayin ang reply ni Amry. Kahit kailan talaga tulog mantika ang babaeng yun. Kaya yun ang gusto ko doon eh.

Hanggang sa nag decide ako na matulog na. Pero bago ako natulog biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang video call ni kuya Ken. Sinagot ko yun at nag usap kami.

~ to be continue

Dear My Childhood Crush Where stories live. Discover now