Chapter 6

24 0 0
                                    

Marco's POV

Siguro, magtataka kayo kung bakit ko binigyan si Amry ng chocolates. Ang tanging maisasagot ko lang ay parang naging crush at first sight ko siya. Ang corny man tignan pero parang gusto ko iparamdam sa kanya kung gaano ako kasaya kapag nakikita siya ngumiti. Kung gaano din ako nakakaramdam ng kakaibang tibok ng puso ko.

Gusto ko rin siya ligawan kahit na may iba siyang gustong tao. Alam kong si Gio ang gusto niya dahil sinabi ni Chloe at Stephen na gusto ni Amry si Gio. Pero di alam ni Gio na gusto siya ni Amry. Gusto ko sumubok na sumugal na ligawan at mahalin siya. Hihintayin ko ang tamang panahon na magugustuhan niya ako, na matatanggap niya ako. Gagawin ko na palagi kami magkakadate, pasasayahin pag siya ay malungkot o kaya kapag siya ay umiyak.

Nung inabot ko ang chocolates na yun ang tanging first step ko siguro para suyuin siya or kaya ligawan. Nasa moment ako na nag iisip ng sagot ay nagulat ako na nagsalita si Crush este si Master pala.

"Uhm.. Marco, pwede ba tayo magusap pagkatapos mo jan sa exam natin?"  - Amry

"Ahh.. sige sige Master. Teka mahalaga ba yang sasabihin mo or kaya pag uusapan natin?" - Ako

"Uhm. Hindi naman. Sige wait kita mo ko sa eco park. May dadaanan lang ako sa cafeteria saglit." - Amry

"Okay sige sige Master!!"  -Ako

Kaya after nun tinapos ko nalang yung essay part ng exam. Alam ko naman natapos na si Master sa exam ii. Halata sa kanya na nireview niya yung subject na yun kasi about sa physics yung discussion. Alam ko naman na ayaw niya ay yung math subject kasi lagi sila nagpapaturo nina Stephen kay Gio. Si Gio naman kasi ang top 1 sa amin at laging ilalaban sa mga quiz bee contest. Di ko din maiintindihan kung bakit nagustuhan siya ni Amry. Kasi pansin ko kay Gio, isa siyang cool - cold person. Pero alam kong magbest friends sila ni Amry. Pero naiinggit ako sa closeness nila.

Napansin ko sa lalim ng iniisip ko, nakita ko sina Amry at Chloe na para yatang pupunta ng Cafeteria. Kaya pinilit ko bilisan yung pagsagot dahil may ilang numero pa din ay blangko sa mga sagot.

After a decade siguro natapos na ako kaya ayun pinasa ko na sa instructor namin at nagpunta na ako pa eco park para hintayin si Master.

Amry's POV

Sa pagtataka ko kung bakit nagkaganoon si Gio sa akin, yung cold ang pakikitungo ay tinanong ko at humingi ng advise kay Chloe at Stephen. At agad ko tinawag ang atesyon nila habang nasa cafeteria ako. Kasi naman after nung exam namin sa physics umalis naman itong si Gio. Kaya pinapalipas ko ang ilang araw para kausapin ko si Gio ng personal kung ano ang problema.

" Guys, kailangan ko ang tulong niyo! Or kaya ng advise niyo"  - sabi ko

" hahahaha luh.. wag mong sabihin ang laki ng problema mo sa math. Dahil panigurado bagsak tayo.! Di bale magkaklase naman tayo sa remedial classes eh"  -Stephen

Napa pout naman ako sa sinabi nitong sira ulong to eh. Pero binalaan ko siya with matching my hierarchy fist joke lang.

"Aray naman. Masakit yun Chloe ko.. kahit kailan amazona ka talaga. Parehas kayo ni Amry Chen eh."  -Stephen

"Yan ang dapat sayo, dahil alam mo na may problema yung tao. Lolokohin mo pang bagsak sa Math exam natin si Amry. Tssk..." - Chloe

Natatawa ako sa cute na asaran nina Chloe at Stephen. After nun ay bumalik ang realidad na atensyon ko, nang tawagin ako ni Chloe.

"Amry.. bakit ano ba ang problema? Huh, sabihin mo sa akin?"  - Chloe

"Uhm Chloe, kasi yung tungkol sa binigay ni Marco na Chocolate eh. Nakakapagtataka kasi, baka may maadvise ka kung ano ang gagawin mo. Kasi pansin ko na parang galit si Gio eh. Sa di ko malaman na dahilan. "  malungkot kong sabi kay Chloe.

Dear My Childhood Crush Where stories live. Discover now