Chapter 11

18 1 0
                                    



It's been two weeks since Chad confessed his feelings for me. He's being serious na liligawan niya ako at nalaman na rin nina mom and dad. Palagi si Chad dumadalaw sa bahay at may dalang flowers, chocolates and teddy bear. Minsan pinapaldahan niya ako ng chocolate chip cookies o di kaya iba't ibang klaseng pagkain. Patatabain ata ako nito eh.


"Mukhang seryoso ata sa panliligaw si Chad mo ah." Ahia teased me. "Chad mo" talaga eh. I glared at him. Simula nang manligaw si Chad sakin, Ahia Travis is being over protective. Alam ko naman na ayaw niya lang ako masaktan pero may something talaga eh. "You know what Ahia, maybe he is. Kahit wala naman akong may sinabing ligawan niya ako." I just shrugged.


Ang bilis ng panahon at October na. Today is Monday. Busy-busihan naman to dahil malapit na ang exam week. Aral dito at doon na naman. While I was on my way to the classroom, I saw Pia and Cat studying. Nilapitan ko silang dalawa. "Good Morning mga beks!" I laughed a little. "Aba aba! Blooming ka ata ngayon ah?" Pia said. I rolled my eyes. Alam din nila ang tungkol sa ligawan moments ni Chad.


Classes went well. May training ako ngayon dahil malapit na ang semi-finals. While I was on my way to the gym, may humawak sa kamay ko. "Huy anong ginagawa mo?" Hindi niya ako pinansin instead we just walk together holding hands. Hinatid niya ako sa gym at malamang ang daming tumitingin sa amin but I didn't mind. "Ikaw alam mo, hindi pa naman kita sinasagot ha! May pa hawak hawak ka pang nalalaman." Sabi ko sabay tawa. He messed up my hair. Sarap niyang upakan eh!

"Thank you sa paghatid. Hindi mo naman kailangan gawin yon." I said. "Hayaan mo na lang ako. Sige na, you take care okay?" He suddenly pull me and kissed my forehead. Oh madam bertud... Susuka ata ako ng rainbow waterfalls. *Leche ka Lia, umayos ka. Dapat dalagang Filipina lang.* Umalis na siya at pumasok na ako ng locker room para magbihis.

"Ay ang haba ng hair! Oh siya, nasayo na ang corona!" Ria teased me. I shook my head. "Dapat lang ingatan ka niya Thalia. Dahil uupakan talaga namin yun pag pinaiyak ka niya." Kyle said. Sumangayon naman ang ibang boys. Pero tiningnan ko si Jacob at hindi siya umiimik. May problema kaya siya? "Ay grabe talaga! Si Thalia na talaga ang prinsesa ng magaganda. May nagseselos eh." Alanna said at tumawa ng bongga si Ria. Tristan elbowed me. I shifted my gaze towards Jacob. Napatayo siya at umalis papuntang pool. *Ano bang problema non?* "Nagseselos yan. Hahaha" Tristan said. *Si Jacob? Nagseselos? Kanino?* Tatanungin ko na lang siya mamaya after training.

After ng nakakapagod na training, naisipan kong magpahinga muna sa bench. I feel like my heart is tormenting. It's been 5 months since the last time I went to my doctor. Nanghihina ang aking hininga. Hindi ko alam kong anong kasunod na nangyari but everything just went black.

Nagising ako na puro puti ang aking paligid. I heard many voices talking. "Oh my precious baby is awake." I heard mom. I saw a tear fell from her eyes. "Baby how are you feeling? May masakit ba?" I shook my head. Worry is written all over their faces especially Ahia Travis. "I was so worried Lia! It's good that Jacob called us. Yung teammate mo sa training." Dad said. "You lost consciousness after your training. *Si Jacob? Nakita ako ni Jacob na nawalan ng malay?*

Napagisipan ni mommy mag stay muna. Dad and Kuya Travis left already. I heard someone entered the room pero I didn't mind. Nanghihina pa rin ako kaya parang gusto kong matulog ng isang taon. Pinikit ko ang aking mata pero may naririnig akong nag-uusap. "Tita how is she?"Jacob asked. I can sense the concern in his tone. "She's okay na hijo. Hay kung pwede lang sana sa bahay na lang yan. I know how she wants to have a normal life. Pero hindi basta basta ang condition niya knowing that mahina talaga ang kapit ng puso niya." Kahit nakapikit ako, I can still hear mom and Jacob talking.

I noticed that tears fell under my eyes kaya pinahiran ko agad yun para hindi nila mapansin. I know that I am not okay physically. Gusto kong sabihin ito kay Chad pero parang may tumutulak sa akin na huwag. Konti lang ang nakaka alam ng condition ko. Sina Pia, Cat and my family. Now, alam na ni Jacob ang tungkol dito. Ang dami ko ng utang sa kanya. I sighed heavily.


I heard someone shut the door. Maybe it was mom. Nakapikit pa rin ako. Napansin kong umupo si Jacob sa tabi ko. I can sense that he's staring at me right now. I heard him sighed heavily. "Hindi mo ba alam na tinakot mo ako kanina? You are fragile. You are tough outside but very soft inside. I will always be here for you Thalia. Always." Even though my eyes are closed, ramdam ko ang lungkot ni Jacob. Hinawakan niya ang kamay ko. Hinayaan ko lang sarili kong nakapikit ang mata.


What would be Chad's reaction pagnalaman niya ang condition ko? Masasaktan din ba siya? Is he going to worry this much? That's why I decided not to tell anyone except for Pia and Cat. Dahil alam na rin ni Jacob ang tungkol dito, kakausapin ko na lang siya pag okay na ako.







Life is not going to be easy always. And there will be days that you feel like giving up. But keep your head up, and always remember that tomorrow is another day and it can always get better.

Finally Found SomeoneWhere stories live. Discover now