Truth 2

107 3 1
                                    

"Ashira! Ashira! Lil sis!" Naririnig kong boses ng isang lalaki habang tinatapik tapik yung balikat ko. Tsk!

"Hmm!" I whimpered, ih natutulog pa ako oh! Gaaad it's 7 am! Ang aga aga!

"You need to get up lil sis!" Dagdag pa nito saka hinila yung paa ko dahilan para bumagsak ako sa sahig. Kaya tuluyan na ako nagising.

"What the f*ck is your problem kuya Ash?!" Naiirita kong sigaw sa kanya. Ang sakit ah!

"Awww!"daing ko saka hinawakan yung ulo ko, shet ang sakit, ulo kaya yung unang tumama sa sahig! Kainis kasi e!

"Kailangan na nating umuwi sa pinas" sabi pa nya sa akin. Whut?! Agad? 1 week pa lang kami dito ah, usapan 2 weeks bat naging ganun? Oo naka 1 week na kami dito, mabilis talaga ang oras!

"But why?!" Sabi ko tapos umupo sa kama ko, tsk!

"You know Mr. Lee right? Yung friend ni Dad na may ari ng biggest company sa Manila? invited ang family natin sa party ng nya, because of his birthday. " pagapapaliwanag nya. Ugh! Humiga ulit ako sa kama. Bakit di sya magcelebrate mga isa? Sariling birthday nya naman yun oh di kaya sila na lang ng family nya! Naalala ko wala nga palang family yun tapos nasa 20's lang yata yun, pero kahit na! Bat kailangan buong family pa namin?! Pwede naman si Dad na lang kasi sya lang yung kaibigan, ano yun pati kami bestfriends? My gosh! Hello, nasa vacation kami tapos mang iistorbo dahil sa birthday party!

"Di ba pwedeng hindi sumama?" Reklamo ko sabay taklob ng unan sa mukha ko.

"Family nga e diba! Sabi ko invited yung FAMILY natin so malamang kasama ka" He sarcastically answered. Tapos kinuha yung unan ko sa mukha ko. "Fix yourself now! Bukas yung party kaya ngayon ang alis natin. 10 am yung flight natin. Faster!" Utos nya pa saka lumabas ng kwarto ko

Tamad na tamad akong bumangon saka nag ayos ng sarili. Sarap tuktukan ng Mr. Lee na yun!

Nung ayos na kaming lahat pati gamit namin, sumakay na kami sa kotse para pumunta ng airport, nakasakay na lahat di pa rin umaandar, problema? Tapos biglang pumasok sa loob ng sasakyan namin si Woojin tapos tumabi sa akin. Ano ginagawa nya dito? Ihahatid kami?

"Ginagawa mo dito tukmol?" Tanong ko na nakataas ang isang kilay.

"Bakit invited din kami dun sa party ni Mr. Lee. Masama sumabay?" Sagot nya saka inirapan ako, sya nga lang pala ang nandito sa New York tapos yung family nya nasa Manila.

"Bat di ka mag commute? Makikisakay ka pa" reklamo ko ulit.

"Bakit ba ang laki ng problema mo sa pagsabay ko? Kaibigan ba talaga kita?!" Naiinis nyang sagot haha pikon!

Dahil sa mukha nyang naka simangot natawa ako saka hinampas braso nya. "Ikaw pa may gana manghampas dyan!" Sabi nya pa hahaha!

After a very very long ride, nakabalik na kami ng pilipinas. Naiinis parin talaga ako e! Baka pagdating namin sa party bukas e di ako makapagpigil at makutusan ko yang Mr. Lee na yan! Gosh di ko pa na-enjoy yung NY! 3 beses lang ako nakapag club with my friends at hindi sapat sakin yon! Bitin na bitin yun paasa kasi sabi 2 weeks daw! Naku nako talaga nanggigil ako sa hinayupak na Mr. Lee na yan!

Palabas na kami ng airport dito sa pinas nasa likod kami nina Mom at Dad saka yung dalawa kong kapatid. Magkatabi kami ni Woojin habang naglalakad tapos kabibili nya lang cup of coffee, malamig daw kasi dito, sus kahit gabi ngayon mainit parin dito sa pilipinas noh!

Habang naglalakad kami, bigla na lang may babaeng kumakaripas ng takbo tapos nabangga nya si Woojin na umiinom ng kape, tapos yun ang saya kasi natapunan ako ng mainit na kape sa braso tapos naka sweater ko so diba mahaba ang manggas nun, ayun natapunan.

Undelivered TruthHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin