Truth 8

44 3 0
                                    

Rhaine

"Hindi wag na, madaling lang talaga ako. Kaya ko naman na e" pagtanggi ko kay Woojin. Nagpaalam kasi ako na may imemeet akong friend sa mall saka may binilihin ako.

"Okay, ingat ka ha. Yabyu" sabi naman si Ashi saka ako niyakap. Tsk ano bang problema ng babaeng to?

"Oo na, tsk kadiri ka Ashi" saway ko sa kanya, saka sya pinalayo sa akin. Nang lalambing na naman, sinabi nang ayaw ko nga ng masyadong clingy. Hilig din mang asar ng isang to e.

"Uwi ka agad ha. Ingat" paalala naman nitong isa. Tumango na lang ako saka naglakad na papuntang mall.

Pagkarating ko, my friend named Ellaine already greet me. We smiled at each other and hugged.

Ellaine is my friend from NY but she's also a Filipina, I met her because she's always eating at my restaurant there. As in every day, hindi lumilipas ang isang araw na hindi sya kumain sa restaurant ko. Dahil na curious ako kung bakit sa balik na balik sa restau ko, I approached her. She said that she really love my recipes so she's always keep on coming back. And then we became friends. Waah I miss my restau!

Umuwi sya dito sa Philippines kahapon dahil daw sa pinatayo nyang restau dito. Naisioan nyang i-meet ako para manghingi ng tips. Nainspired daw kasi sya sa akin haha.

Pumunta kami sa isang fast food at doon kami nag usap at dun na rin nag dinner.

Nag usap kami about sa business.

After that, we say goodbye to each other. I looked at my watch. Shit 8:30pm na pala! Lagot ako dun sa dalawa lalo na kay Woojin!

Dali dali akong pumunta sa store na sinadya ko dito which is yung BT21 store. Bago lang yata tong store na to. Ang cute kasi ng mga stuff toys e, mahilig pa naman ako mag collect ng mga ganito. Nakita ko na to kanina kaso pabalik na kami nun sa company kaya naisapan kong balikan na lang.

I bought 8 stuff toys and it's really cute. They have their own names!Cute na nga sila pati names nila ang cute din!

I looked at my watch again and it's 9pm. Jusko aasahan ko na ang sermon ni Woojin pagdating ko.

Lumabas ako ng mall at nag abang ng taxi. Ilang minutes akong nag antay pero walang dumadaan. May dumadaan pero may pasahero naman. Late night na ba? Di pa naman ah. Ano ba yan. Mag jeep na ba ako? Yuck! Ayoko nga ever since hindi talaga ako sumasakay sa jeep. No way! Maya maya may kasakay akong holdaper noh!

Magpapasundo na lang ako kay Woojin, tinext ko sya at sa kamalas malasan nga naman bakit ngayon ako nawalan ng load!

Naglakad ako ng konti at naghanap ng spot kung saan may dumadaan na taxi.

But when I was walking, I feel like someone's following me.

I looked back, and I saw a man. He's wearing a black hoodie and he's looking down while walking.

Ang creepy nya actually!

Hindi ko sya pinansin at naglakad na lang ulit.

Pero shit! Kinakabahan talaga ako sa lalaking nasa likod ko. Binilisan ko ang hakbang ko at binilisan din nya yung kanya.

Hala fuck! What am I gonna do? Is he following me?

Undelivered TruthDonde viven las historias. Descúbrelo ahora