Truth 10

47 3 0
                                    

7 am palang ay nandito na agad kami sa trabaho, usually kasi 9 am talaga ang time ng work namin but then nakatanggap si Woojin ng tawag kagabi na kailagan namin pumasok ng maaga dahil marami kaming gagawin. Kaya naman mga bangag kaming pumasok dahil halos midnight na rin kami natulog!

At as usual ang tambak na naman ang mga librong irerecheck ko hays. Habang nagrerecheck ako kay nag ring yung telephone sa tabi ng table ko kaya agad kong sinagot yun

It's Woojin. Pinapapunta nya ako sa office nya dahil may ipapakiusap daw sya sa akin.

Ano naman kaya yun?

Tumayo ako lumabas ng office ko saka pumunta sa office ni Woojin, tutok na tutok sya sa mga papeles na nasa harapan nya, nakahawak ito sa kanyang sintido, hays pag ikaw ba naman kasi ang namamahala sa kompanya ay stressing talaga. Kawawa naman 'tong koreano kong kaibigan tsk tsk!

Napansin nya sigurong pumasok na ako kay napatingin sya sa akin. Lumapit ako at saka umupo sa upuan na nasa gilid ng desk nya.

"Ano yung ipapakiusap mo?" Tanong agad sa kanya

"Ahm, ano kase Ashi" sabi nya na medyo nahihiya while rubbing the back of his neck.

"Ano?" Tanong ko pa, aha! Mukhang alam ko na 'to!

"P-pwede bang ikaw na muna yung gumawa ng trabaho na naiwan ni Rhaine? Di pa kasi kami nakakahanap ng kapalit nya, e kailangan ma-recheck agad yung mga soft copies dahil natatambakan na tayo, kailangan lahat yan maipublish in two weeks at kulang na tayo sa workers." Pagpapaliwanag nya. I knew it. Jusko baka naman magkanda duling duling ako kakarecheck ng libro ha!

"Ilan bali yung mga irerecheck ko?" Medyo nag aalinlangan kong tanong, baka kasi sandamakmak din yun, 10 yung nirerecheck ko e!

"A-ah fi-fifteen sets.." he said and chuckled awkwardly.

HA?! 15?! AS IN?! Agad naman nanlaki ang mata ko at saka napanganga! So bali 25 sets yung irerecheck in one day?! Fuck, kakayanin ko ba yon? Pero hindi ko naman sya pwedeng tanggihan dahil kahit naman magkaibigan kami e nagtatrabaho parin ako kaya kailangan kong gawin ang pinapagawa nya dahil isa pa, boss ko sya.

Kaya kahit napipilitan ay pumayag na lang ako. "A-ah, hahahaha fifteen sets? Easy! Kaya ko yon! Okay lang!" I said awkwardly

"Salamaaaaaaaaaat!" Masaya nyang sabi pagakatapos hinila pa ako at niyakap ako ng pagkahigpit higpit! Lintik 'tong isang to, papatayin na nga ako sa napakaraming books na ipaparecheck nya tapos papatayin pa ako sa yakap nya hays!

"W-wait! O-oo welcome! Welcome! Saglit gago hindi ako makahinga!" Halos naghihingalo kong sigaw, habang hinahampas yung likod nya! Kasi naman e!

Humiwalay naman sya saka ngumiti ng malapad sa akin at nag peace sign, at ako naman ay huminga ng malalim nung humiwalay sya.

Pagkatapos non ay bumalik na ako sa office ko, maya maya pa ay dumating na yung fifteen books na kinakatakutan ko! Huhulaan ko, hindi ako makakapag lunch dahil dito I swear!

Ilang oras pa ang lumipas at kagaya nga ng inaasahan ko ay hindi parin kami nakakapag lunch dahil sa sobrang busy ng lahat sa trabaho. 3PM na at tanging isang biskwit pa lang ang nakakain ko, kahit nagmamakaawa na ang tyan ko na bigyan ko sya ng laman ay hindi ko yon pinapansin. Ini-annouce pa kanina na mag o-over time kami.

Kayo ko 'to!

Nang matapos ang lahat ay nagsipag uwian na kami, mag co-commute lang kami ni Woojin dahil hindi nya nadala yung sasakyan nya, at habang nag- aabang kami ng taxi ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahilan para tumakbo kami at lumusong sa ulan para maghanap ng masisilungan! Edi ayun nabasa kami ng bongga!

Undelivered TruthWhere stories live. Discover now