Truth 9

40 5 0
                                    

Ashira

7pm na at nandito parin kami sa hospital, tulog ngayon si Rhaine, ganun din si Woojin, at sina tita naman ay binabantayan si Rhaine. Since 7pm na ay nagprisinta ako na bibili ako ng dinner nila, pero sabi nila mamaya na daw, nauna na lang ako kasi gutom na ako. Bumaba na ako para pumunta sa pinaka malapit na fast food chain dito.

Nakatagil ako sa tapat ng highway, ang hirap tumawid talaga naiirita ako ha! Tumingin tingin ako sa left at right ko para masigurong wala nang masyadong dumadaang sasakyan, tatawid na sana ako pero natigilan ako. Bigla ako kinabahan.

I saw the person whose wearing a white mask again...

Di ako makaalis sa kintatayuan ko, Di ko maialis ang tingin ko sa kanya. Feeling ko lalapit sya sa akin at papatayin ako, but he's not even moving. Nakatingin lang din sya sa akin.

Nagulat ako nag biglang may dalawang makasunod na bus ang dumaan sa gitna, at pagkaalis non ay nanlaki ang mga mata ko nang wala na ang taong iyon.

Wala ako sa sarili habang naglalakad papunta sa McDonald's.

Bakit sya nandito malapit sa hospital? Alam nya kayang naka survive si Rhaine? Will that person is planning to kill one of us? O tutuluyan nya si Rhaine? Natatakot ako sa mga mangyayari.

Bumalik ako sa katinuan ng may makabanggan ako, at hindi sinasadyang pangyayari ay napaupo ako at tumama yung braso ko sa ground at nagasgasan ako.

"Aray!" Daing ko. Lumapit sa akin yung nakabangga ko at tinulungan akong tumayo.

"Oh! I'm sorry, Ashira." Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang taong hindi ko inaasahang makita.

"Cloud!" Gulat kong sabi, ngumiti lang sya ng konti at ganun din ako.

"Okay ka lang ba? Sorry ha. Busy kasi ako sa phone ko kaya di kaagad kita nakita." Cloud said.

"A-ah it's okay. Nagasgasan lang ako." Sabi ko naman.

"Tara." Bigla nyang sabi saka hinila ako at naglakad kami.

"T-teka, s-san tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

Hindi nya ako sinagot at dire-diretso lang kami sa paglalakad. Maya maya pa ay tumigil kami sa isang drug store.

"Stay here." Sabi nya sa akin at pinaupo ako sa isang bench na malapit doon.

Lumapit sya sa doon at may binibili. Bakit nay ba ako isinama dito?

Ilang minuto ang lumipas at bumalik na sya na may dalang supot atsaka tumabi sa akin.

Inilapag nya sa gitna namin yung supot at inilabas nya ang bulak, alcohol at band aid kaya nagtaka ako bigla.

Binuksan nya yung bulak tapos kumuha sya ng kaunti, pagkatpos non ay binuksan nya naman ang alcohol at nilagyan yung bulak saka kinuha yung braso.

So, kaya nya ako isinama dito is because lilinisin nya yung gasgas ko?

Dinampian nya yung part ng braso ko na merong gasgas, I flinched a little bit kaya napatingin sya sakin.

Undelivered TruthWhere stories live. Discover now