CHAPTER 3

321 8 0
                                    

•The Other Side•


AEVA's P.O.V.

'The killer is inside."

Pulit-ulit yang tumatakbo sa utak ko. Isa sa mga classmates ko. Isa sa mga kaklase ko ang gumawa nun kay Trixie. Pero bakit? Atsaka ako daw yung pakay.

What's happening to my life?

Nung nag lunch, gusto kong mapag-isa kaya pumunta ako sa rooftop. Little did I know na nasa likod lang siya ng tank.

"Lumabas ka na jan James." Sabi ko ng hindi ko siya nililingon.

Si James ay isang trainee sa police. Pinadala sya dito sakin para magsilbing guard atsaka mag obserba ng mga kilos ng kaklase ko kung sakali man.

*Flashback*

"The killer is inside."

"P-po? Pero... Bakit.. anong... S-sino?" Naguguluhan na ako sa nangyayari.

"Tinetrace pa lang namin at kelangan pa ng ebidensiya. Mas matibay na ebidensiya para matukoy namin kung sino talaga siya." Pagpapaliwanag ni Officer Kanlaon.

"Wait.. teka lang po. So ibig sabihin hindi niyo pa kilala? Eh papano niyo nasabing andito siya sa loob?"

May kinuha si Officer Kanlaon sa isang pouch at binigay yun sakin. Isa itong voice recorder.
"No one can hurt you so i killed her for you Aeva. I can't take her, shouting at your face." Sabi dun sa Voice Recorder.

"Walo kayo sa Bahay noon ng sinasabi mong kay Trinity. Nabanggit mo na nagtatalo kayo dahil sa paglilinis lang diba? Nagsigawan ba kayo dun? Gusto lang naming ma confirm." Tanong ni Chief.

"O-opo Chief." Sagot ko.

All the time nung sinabi pa lang ni Trixie na ako yung maglilinis sinisigawan ko na siya pero mas matingil yung boses niya. Sinigawan niya nga ako nun.

"So, ang suspect ay maalin man sa anim." Chief concluded

"Pero wag kang mag-alala. May ipapadala kaming officer para bantayan ka at, at the same time, imbestigahan ang kahina-hinala sa paligid mo." Paliwanag ni Officer Kanlaon.

"Ms. Castillo. Ang pinag-usapan natin ngayon ay hindi mo pwedeng banggitin sa kahit na sinuman, kahit sa kaibigan mo lalo na at nasa loob siya ng anim."

(Anim, excluded na kami ni Bellatrix.)

Aalis na sana sila ng may pahabol pang mensahe si Chief.

"Oh, and one last thing Ms. Castillo. DON'T. TRUST. ANYONE." Then they went off.

*End of flashback*

Before lunch dumating si James. He's undecover and pretending to be our classmates. Hindi naman halata kasi mukang bata pa siya atsaka maputi siya at.... Oona... Gwapo. More like, baby face siya.

Naisip ko nga eh, nung nag tetraining sila or nagpapa-init, natatablahan kaya balat nito? Ang puti niya kasi eh.

Actually he's already 22 but he looks 17 or 19.

Tumabi siya sakin. At nag hi kay Kit. Si Kit kasi nasa kanan ko while si James nasa kaliwa ko. Si Adrian naman nasa likod ko at si Stephen nasa harap ko. Ok. Napapalibutan ako ng mga gwapo.

Nung pagka "hi" ni James kay Kit, nakita kong ang sama ng tingin niya kay James. Ok? What's the matter? Magkakilala ba sila?

Hindi ko na lang pinansin yun kasi dumating na si Sir. Aba, malay ko bang tinotopak lang pala to?

Lunch na. Sabi ko sa kanila, gusto kong mapag-isa pero nag iinsist pa rin si Trinity na samahan niya ko. Pero sabi ko sa kanya ok lang. Gusto ko lang mag nilay-nilay. Ayun, pumayag naman siya.

Yun nga, andito na kami sa rooftop ni James. Ever wonder why I'm calling him "James" instead of "Kuya James"?

Well, it's part of his undercover-thingy.

"Ba't ka nandito?" Tanong niya.

"Eh bakit ikaw?"

"Tamo to. Tama bang sagutin ng tanong ang isa pang tanong." Nag pout na lang siya.

Naiinis kasi ako sa kanya eh. Ang ayoko sa lahat may nag-babantay ng kada kilos ko. Feeling ko tuloy isa akong kahina-hinalang tao. Tsk.

"Ikaw, alam mo ang sungit mo." Sabi pa niya. Di ko na lang siya pinansin at kinain ko na yung tinapay na may nutella. Favorite ko to eh. Minsan lang to kaya nanamnamin ko na.

Tapos naramdaman kong may nakatitig sakin. Sino pa ba edi siya na naman.

"Bakit ba?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at tumingin sa mga puno.

"No wonder he badly wants to capture you." May ngiti sa labi niya habang sinasabi niya yun.

Wait. May nalalaman ba siya?

"Wait... Are you up to something? You sounds like..." Unti-unti na akong umuusog sa upuan ko. Parang iba kasi ang dating nung linyang yun eh.

"Tsh. Don't be stupid. Ba't ka ba lumalayo? Kung ano man yang iniisip mo, wag mo ng isipin. That's just the line from my favorite book. The most scariest line i ever read." Nung pagkasabi niya dun sa huling line, tumawa agad siya.

Balingag din pala to eh. Inirapan ko na lang siya at pumunta sa may dulo. Ang ganda ng school namin. Tanaw na tanaw dito. Malamang rooftop. -_-

Rinig ko pa din yung tawa niya. Tss. Kita ngala-ngala labas gilagid kung tumawa. Hindi niya ba alam yung salitang poise?

"Diba, pati ikaw natakot. HAHAHAHA." Ahhh. Takotan pala ang laro natin dito.

"Eh kung isumbong kita kay Chief at sabihin kong isesante ka dahil diyan sa kalokohan mo?" Biglang nag-iba ang itsura niya at nataranta.

"A-ah.. hehe. Wag naman. Hehehe di na mauulit bunso." What the!

"Wag mo nga kong tawaging bunso! Si kuya lang ang pwedeng tumawag sakin niyan!"

"Eh bakit, kuya mo naman na ako ah?"

"Kapatid ba kita?" Total, tapos na din naman akong kainin yung tinapay ko, umalis na ko at pinabayaan ko na siya. Bahala siya diyan. Nakakainis eh.

JAMES' P.O.V.

Napatawa na lang ako nung iniwan niya ako dito. Ang pikon din pala ng babaeng yun.

Ring.... Ring...

Stepbrother Calling.....

"Hello?" Ano na naman kayang plano nito?

"May info kana ba sa kanya?"

"Wala pa. Ang sungit eh."

"Siguraduhin mo lang na hindi ka mabubuking dahil kapag nangyari yun, igagaya din kita kay Bellatrix."

"Wow ha takot ako."

"O baka naman gusto mong ilaglag kita? Sabihin ko ang karumaldumal na ginawa mo sa mga mag--"

"Oonga diba?! Inaayos ko naman ang trabaho ko ah!" Pinatay ko na ang tawag at nag buntong-hininga.

My Maniac step-brother always order me around. Nakakatawa lang kasi mas napapasunod pa ako ng 18 years old kong kapatid kesa sakin na 22 years old. Diba parang baliktad?

Well, the reason is  gruesome. You don't wanna know about it.

And I'm clearly sure, when you already know it, you can't undone it...

Abangan.....

~~~~~~~•

Ano ba talagang side ni James, good or bad? Abangan.

||••||

Votes and comments po. I'm open for any criticism, opinions and feelings about the story. Pwede din kayong ma direct message sakin about the story. :)

Happy reading:)

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon