CHAPTER 9

150 9 0
                                    

•The Envelope•

AEVA's P.O.V.

I am currently walking papasok sa school pero sa labas pa lang ang dami ng nag kakagulo. May ambulansiya na at mga pulis.

What's happening?

Dumeretso agad ako sa mga tao at tinabi sila. Nakisiksik ako hangga't makakaya. I have a bad feeling about this.

At biglang gumuho ang mundo ko nang makita ko kung sino ang binubuhat nila sa stretcher.

"Trinityyyy!!!!" Tumakbo na agad ako papunta sa kanya.

Nooo... Please. Hindi ka pa pwedeng mamatay...

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. I lose another friend... Again.

"Anong nangyari?! Anong... Sir... Ano pong nangyariii!!" Humahagulgol na ako at ewan ko kung naintindihan pa nila ang sinasabi ko.

"Attempted murder." Sabi ng isang pulis.

"11 stab wounds. And we found this in her bag Ms. Castillo." Lumapit sakin si Officer Kanlaon at may binigay na sobre.

Aeva. Don't let anyone get this. Don't trust THEM.

Yan yung nakasulat sa sobre.

Huh? Ano to? Bubuksan ko na sana nang marinig kong tinawag ako ni Adrian. Sumunod sina Stephen, Jeydon at Grindell.

Niyakap agad ako ni Adrian at napa-iyak ulit ako.

Lumayo kaming Abanse sa crime scene at pumunta sa may bench.

"Bullshit! This is bullshit! Who ever killed Trinity will be killed too! At ako! Ako ang papatay sa kanya! Ha-hayop siya!"  Napa-upo siya at umiyak na din.

Pinuntahan siya ni Stephen at niyakap.

"Shhh. Shh. Malalaman din natin kung sino yun. Andito lang ako, kami." Napayakap na lang din siya kay Stephen.

Tahimik lang kami at umiiyak pa din si Dell. Nakatulala lang ako at inisip ang nangyari kahapon.

*Flashback*

"A-Aeva... I.. i... I know who killed Bella." Nanginginig niyang sabi.

"What?! H-how--Who?!" I swear I'll put him or her in justice!

"Trin. Sabihin mo sakin. Sino? Sino ang pumatay kay Bella." Tapos tumingin siya sa likod.

There i saw a scared face of her. Napatingin ako sa likod.

"K-Kit? Akala ko umuwi ka na?" Nasa likod namin siya.

At ayun, ngumiti siya. Maaliwalas na ngiti.

"Sorry. Nag palamig lang." Tumingin siya kay Trin at nakita niya itong umiiyak. Hinawakan niya si Trinity sa balikat at tinanong kung ok lang siya.

"O-okay lang naman." Pilit siyang ngumiti pero halatang pilit at takot na takot.

"Ba't ka umiiyak. Nag-aalala na kami sayo." Sabi naman ni Kit.

Tumingin sakin si Trinity. There's something in her eyes na parang may pinapahiwatig siya. May kakaiba akong nararamdaman sa mga tingin niya. It's like she's screaming "help" through her eyes.

"Trin. Gusto mo bang umuwi muna? Masama ba ang pakiramdam mo? Mag pahinga ka na lang kaya?" Tanong ko sa kanya.

She's a bit odd today. What's with her?

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon