CHAPTER 14

136 10 0
                                    

•Presence•




AEVA's P.O.V.

Dalawang buwan na din ang nakalipas simula nang mawala si Grindell, at mga revelation na nangyari. Iba na ang turing sakin ni Kit. Nagbago na siya. He's totally changed.

Hindi na rin pumapasok sina Adrian at James. Tumigil na din ang mga pag patay. Nagkaroon na din ako ng peace. Pero hanggang ngayon fresh pa rin ang sakit, sugat, na mawalan ng kaibigan. Kaibigan na malalapit sayo. Hindi ko kaya pero kinakaya ko. Ang gulo ba?

Pumunta ako sa locker ko para ilagay ang mga books ko don. May narinig akong footsteps at napatingin ako sa likod ko. Nag tama ang paningin namin at umiwas agad ako. Sinarado ko ang locker ko at akmang aalis nang hinarangan niya ang dadaanan ko ng kaliwa niyang braso. Lumiko ako sa kanan pero ganon din yung ginawa niya.

Tumingin ako sa kanya at nag smirk lang siya. Hindi na si Kit to... Ibang-iba na siya.

"Kit... Please. Ilang ulit---"

"Oh please! I'm tired of hearing that Aeva!"

"Kit. Naappreciate ko yung nararamdaman mo para sakin. Pero Kit, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mahalin ka ng higit pa sa kaibigan. Alam kong napakasama ko pero kung hindi mo yun marerespeto, then maybe you don't deserve my love." Bumagsak ang mga braso niya at sinamantala ko na ang pagkakataon na yon para makatakas.

Pero bigo ako. He grabbed my arm and pulls me towards him. His eyes, his smiles, had changed. Nakakatakot na. Nakakapangilabot na. Parang may masama siyang balak at anytime pwede niya yung gawin. Simula nung araw na nagbago siya, yun din ang simula nang pag distansiya ko sa kanya. Iba to eh. Iba na ang aura na nakapalibot sa kanya ngayon. I never imagined this side of him. I never knew na meron siyang ganitong side. Alam ko naman na all of us have dark side, but his dark side? Dark is not enough to describe it.

"You're mine, Aeva. No one can have you but me. I will make you mine, even in a selfish way i know." He said those with a smile on his face. More like a grin.

Now tell me, hindi ba yon kataka-taka? And again, naiwan na naman akong tulala.

Inayos ko muna ang sarili ko at pumunta na sa parking lot para hintayin si kuya. Maya-maya, nakita ko na din si kuya. Nilagay ko sa likod yung gamit ko at pumasok na. Sinandal ko na alng ang ulo ko.

"Masyado ka atang pagod bunso?" Tanong ni kuya. Hindi ko siya hinarap, instead, pumikit na lang ako.

"Yeah. Too much paperworks." Then i sighed.

"I know what will make you happy." Napatingin ako sa kanya at nakita kong tumigil siya sa may mall. Tinaasan ko siya ng kilay. Really?

"Kuya, sorry pero wala akong ganang mag shopping ngayon eh." Tapos, ngumisi lang siya.

"Nope. Gutom lang yan." Lumaki agad ang mata ko sa tuwa.

"Jollibee?!" Ngumiti lang si kuya at hinawakan ang kamay ko. Sa sobrang tuwa ko, napayakap na lang ako sa braso niya. I surely have the best brother in the world!

Habang nag lalakad, nakarinig kami ng bulungan. Para lang mga tanga kasi masyadong halata. -_- seriously? Like, mas tanga pa sila sa tanga.

Magbubulungan na nga lang, rinig ko pa. Tss.

"Grabe, makayakap si ate gurl. Landi!" Girl 1

"Di naman sila bagay." Hipokrita 2

"Ang chararat. Lapitan mo kaya steff. Agawin mo si kuya guy. Mukha naman yang ewan eh." Bratinela 3

Susugurin sana ako ni steff, kuno, pero binitawan ako ni kuya. Support siya kasi gusto din niya makitang mapahiya yung mga gaga.

"Excuse me." I show them my wide smile. Sige mairita lang kayo para mas lalo kayong mag mukang katawa-tawa.

"Oh? It speaks." Sabi nung bratinelang gaga.

"Yes, i speak. Pwede, kung mag bubulungan lang din naman kayo, yung hindi ko maririnig ha? Nagmumuka kasi kayong bubuyog eh." Tinaasan ako ng kilay nung bratinelang gaga. Si kuya naman narinig ko na muntikan ng matawa.

"Kung bubuyog lang din naman, duuh, obviously, we're Queens. Tsaka, di kayo bagay ni kuya guy no." Tumawa ako which makes them wonder.

"You really all are stupid, aren't you?" Then i saw the face of Bratinelang gaga twitched. Nainis siguro. HAHAHA.

"What did you just call us?" Tanong ni Steff.

"You. Are. All. Stupid. Why? You're all making stories, gossiping and making stuff that aren't true. First of all, wag kang sumagot na hindi ko alam ang pinag-uusapan niyo ha, because i can clearly tell that i am the one you are pertaining to. Second, hindi kami magkasintahan dahil kapatid ko siya. And third, ngayong na reakize niyo na magkapatid kami napahiya kayo." Sabi ko. Tumawa lang sila. Pero yung tawa nila, pilit lang.

"Hahaha bitch. Who told you na napahiya kami? Sa speech mo na yun 'LANG', mapapahiya kami?" In-emphasized talaga ha. HAHAHA wait till you know what i mean mga bratinelang gaga.

Lumapit sakin si kuya tapos umakbay. Medyo pinipigilan niya yung tawa niya tapos nung nakapag seryoso siya nagsalita na siya.

"Uhmm.. excuse me lang ha. Sorry sa ugali ng kapatid kong to ha?" Wait for it you dummy.

"Ok lang kuya kahit masyadong chaka yan." Aba't inirapan pa ko ni girl 1.  Sinaway ako ni kuya.

"Ikaw naman bunso. Diba sinabi ko sayo wag na wag kang makikipag-away?!" Medyo tumaas ang boses ni kuya. Sumulyap sa kin yung bratinelang gaga tapos nag taas kilay at nag smirk. Parang sinasabi niya sakin na "buti nga sayo".

"Paulit-ulit ki bang sasabihin sayo na be kind to animals?" Nagulat yung mga gaga tapos kami ni kuya tumatawang umalis sa pwesto nain don kanina.

"HAHAHA ang bad mo bunso ha!" Tawa ni kuya.

"Woy hindi ah! Mabait pa kaya ako nang lagay na yun. HAHAHA ikaw kaya tong bad!" Nagtawanan kami tapos nung makadating kami sa jollibee, umorder na si kuya.

Habang naghihintay, nakaramdam ako ng nakakaalibadbarang pakiramdam na may nakatingin sakin. Tumingin ako sa paligid tapos nakita ko si Adrian sa medyo di kalayuan. Natulala ako sa kanya nung nakita kong nag smirk siya. Lumabas na siya at umalis. Susunadan ko sana siya pero dumating na si kuya.

"Oh? San ka pupunta?" Tanong ni kuya habang nilagay yung number namin sa table.

"Ahh. Maghuhugas lang ng kamay kuya. Sandali lang ha?" Hindi ko na siya pinag salita pa at dumeretso ako sa may likod. Dalawa kasi ang pwedeng daanan dito. Meron sa likod at yung main entrance. Tapos si Adrian, dun sa may likod galing.

Binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya pero wala na, d ko na siya naabutan.

After two months, he showed up.

What's he up to now?






Abangan.....

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Sorry kung ito muna sa hinaba-haba ng panahong wala ako. Naging busy sa thesis eh. Sa mga nakakaintindi at nakakatiis, salamat.

Salamat din sa mga nagbabasa pa.

Salamat. Thank you. Kamsahamnida. Komawo.

I love you all saranghae  ich liebe dich

Stay with me until the end😘💕

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon