PRACTICE MATCH: INTRODUCTION

38 0 0
                                    

Insert song: Doomed [Bring Me The Horizon]

A/N: PART 1 OF 2
Happy Birthday, Doc Ronnie De Guzman! Magkasabay pa kayo ni Mother Mary ng birthday! Hahaha!

Enjoy your day, Doc! (In real life kasi, siya ang nagtanggal ng gall bladder ko kasi may gall stones ako last year. Peace)

Try kong ipublish today ang karugtong nito.
-----------------------

NANG matapos ang meeting nina Van sa control room kanina, pinag-iisipan nila ang tungkol sa sinabi ni Ma'am Aizel na palitan o punuan ni Jennifer ang iniwan ni Thunder sa kanilang grupo. Hindi maisip ni Van kung tatanggapin ba nila o hindi si Jennifer sa grupo nila.

"Kung ako kasi ang masusunod, ayokong may papalit kay Thunder. Pero na kay Papa ang huling desisyon para ipasok siya sa grupo." Walang ganang saad ni Van sa dalawa.

"Wala akong alam d'yan, until such time na nalaman kong bumuo kayo ng grupo, mag-aapat na taon ang nakakaraan. Ayokong manghimasok sa problema ng grupo ninyo pero kung ako man talaga 'yon, try natin." Suhestyon ni Clouread kay Van.

"Ang iniisip ko, imbes na makatulong, baka makagulo lang siya. Taga-police force siya, baka mabulilyaso ang mga imbestigasyon na ginagawa natin. Hindi tulad ng mga pulis na kilala ni Papa sa Cabanatuan. At isa pa, baka hindi siya maging open sa atin kapag may mga nangyayari nang hindi tama sa paligid natin. Paiiralin no'n ang pagiging pulis niya." Mahabang paliwanag ni Van kay Clouread.

"Isa pa, ayaw mo lang din madamay ang mga malalapit sa kanya." Dugtong ni Alexius sa kanya.

"Oo nga, 'yon din ang iniisip ko. Hindi tulad ni Ma'am Aizel na matigas na pagdating sa mga problemang ganito." Punto ng isang nagugutom na.

"Mas maganda, kumain na tayo. Gutom lang 'yan, Van." Inaya na sila ni Clouread sa service nila na si Gajeel.

Nang nakapasok na silang tatlo sa service nila, sina Gray at Dylan, pumasok sa control room para samahan si Yuuji sa loob nito at doon na rin kumain.

Nang kumakain na ang tatlo sa control room, nag-umpisang magtanong si Gray kay Yuuji, pero hindi naman mapalagay ang kausap ng nakatatandang kapatid ni Van.

"Anong palagay mo sa akin, kakainin kita? Magtatanong lang naman ako kung hanggang saan o gaano mo talaga kakilala ang kapatid ko." Pagsisiguro ni Gray sa kanya. Mukhang napanatag na ang loob ni Yuuji sa sinabi ni Gray sa kanya.

"Mula noong second year siya hanggang dumating sa puntong nawalan na kami ng kontak sa isa't isa. Nagpupunta pa nga ako kasama sina Ma'am Aizel sa kanila, lalo na noong hinahatid pa namin siya kasama sina Clouread. Pero three years after nang nawalan ako ng kontak sa kanya, nang hinahanap niya kayo nina Tito Ronnie, hindi pa kami nagkakausap nang kami lang. Last week lang naulit na kaming dalawa lang ang nagkakausap, nang umuwi sila sa San Antonio para sa set-up sa street dance sa amin at pagsundo na rin sa akin, kuya Gray." Paliwanag ni Yuuji kay Gray.

"Baka naman may ginawa kang hindi nagustuhan ni Van kaya hanggang ngayon, malamig pa rin ang pakikitungo niya sa 'yo." Singit ni Dylan.

Hindi na nakapagsalita si Yuuji nang sinabi ni Dylan 'yon sa kanya.

Sa ospital kung saan nagtatrabaho si Doc Ronnie bilang surgeon, natanggap na niya ang file na kailangan niya para makilala ang papalit kay Thunder sa grupo nila. Saktong tapos na siyang kumain nang natanggap na niya 'yon mula kay Ma'am Aizel.

"Ang bata pa niya sa mga interrogational duties. Lalo na sa detective works. Legendary officer." Saad niya kay Ma'am Aizel. Video call ang ginagawa nila ngayon.

"Sa kanya po ako natutong magdetonate ng bomba kaya noong may training kami nina Yuuji, hindi po kasama si Van." Pagmamalaki niya sa dati niyang estudyante.

Code GRAY : Part IWhere stories live. Discover now