THIS IS TROUBLE (2)

19 0 0
                                    

GEEZ! Nakakainis! Bakit ba kasi hindi pa namin sinamahan sina Madam Chair sa stock room bago sila umuwi o pumunta sa pupuntahan nila?

Wala na sa stock room sina Madam Chair ngayon, at hindi pa bumabalik sina Kuya Ian hanggang ngayon. Wala naman yatang traces na pumasok sila dito.

"Hindi pa ba tumatawag sina Kuya Ian mo?" Tanong ni Papa sa akin. Wala namang tumatawag sa phone ko, baka sa kanya.

May bluetooth earpiece kasi sa kaliwang tenga ko kaya, inaasahan ni Papa na tatawag sa akin sina Kuya Ian. Pero, sa palagay ko, kay Papa na tatawag 'yon.

"Eh, ibalik ko po ang tanong ninyo sa akin. Tumawag na nga po ba sina Kuya sa inyo?"

At tama nga ako ng gut, kay Papa nga sila tatawag.

Sa monitor ng ospital, wala sila sa mga posibleng dadaanan nila.

"Ano?! Risky masyado 'yang ginawa ninyo, Ian! Nasaan na kayo?"

KUYA IAN: Sa bypass po, papuntang Fort Magsaysay.

Letse, mahihirapan kami nito! Matarik ang daan doon!

"Anong sasakyan ang sakay ninyo nina Fourth?"

KUYA IAN: 'Yong Bison po ni Fourth. Saka po 'yong Land Rover ni Pitou (ate Macey).

"Tumawag na lang kayo sa akin, aalis pa lang kami rito sa ospital. Mahirap pa namang maghanap ng signal at ang daan diyan sa kampo. Ingat kayo."

Papa talaga. Paano kaya kami makakapunta sa Fort Magsaysay nito, matarik masyado ang daan? Mukhang susugal yata siya sa dating niya ngayon.

Nakakainis naman kasi, eh!

May isa pa yatang dinadial ngayon si Papa.

"Clou, uuwi kami ni Van diyan, paki-ayos saglit si Max at may aasikasuhin lang kami sa Fort Magsaysay."

CLOU: Master?

"No buts. Ikaw na muna ang maghahatid-sundo kina Baby Dams sa CIC. Pakigayak na."

Ang narinig ko na lang ay ang pag-aalburoto ni Clou at bandang huli, pumayag din siya.

Ano ba kasi ang nangyari at nalusutan kami?!

[De Guzman mansion]

MALAPIT nang matapos ayusin ni Clou si Max, ang customized Ford Raptor ni Papa. Hindi ko alam kung kasama ako sa aksyon.

Tumawag sa akin si Kuya Ian at sinabi nilang natunton na nila kung saan dinala ang grupo nina Madam Chair. Pero, kumakain na muna pala sila bago ang espiya portion nila sa boundary ng Laur at Gabaldon.

"Seryoso kayo, Kuya Ian? Doon ninyo sila natunton?"

KUYA IAN: Sina Pitou ang nakasunod sa kanila. Doon nga nila dinala sina Madam Chair. I-se-send ko na lang sa Messenger mo 'yong picture.

Ano?! Layo naman ng narating nila!

"Sige, Kuya, kumakatok na si Papa sa kwarto ko. Magtext o tumawag na lang kayo sa amin. Ba-bush!"

Naigayak ko na nga ang mga panlaban ko, habang nakikipag-usap ako kay Kuya Ian. Ewan ko lang si Papa.

"'Nak—"

"Papa, problema po natin 'to. At hindi pwedeng kayo lang mag-isa sa lakad na 'to. Sasama po ako. Literal nga po tayong pinapahirapan ng kapatid ni Ate Choice, pati ba naman sina Madam, dinamay pa talaga?! Hindi po tayo basta-basta susuko." Pagmamatigas ko.

"'Yan na nga ang sasabihin ko sa 'yo kanina, inunahan mo na naman ako! Tara na, magpapaalam pa tayo sa Mama mo." At eto na naman kami sa akbay portion ni Papa. "Dami naman yata niyang gamit na dala mo, 'nak."

Code GRAY : Part IWhere stories live. Discover now