PRACTICE MATCH - RIVALRY

31 0 0
                                    

A/N: Happy Birthday, Clouread Hirano! [09/11]

MA'AM AIZEL

NANINIBAGO ako sa nakikita ko, linesmen at umpire ang mga kabarkada ko?! Sino ba kasi may sabing pumayag sila? Ang alam ko, may sinabi sila na dadalawin lang sila pero ayun, umekstra sila sa practice match ng block A at block C. Anong nangyari? Mukhang hindi ako nasabihan ukol dito ah.

Kinausap kasi ako ni Mareng Novell kanina, ang sabi, may pupuntahan silang dating estudyante dati pero hindi naman nila sinabi kung sino kaya hindi na ako sumama. Kung alam ko lang na pupunta sila dito, nakigulo na lang ako sa practice game nina Van ngayon. Nakakainip namang maging audience dito. Oo nga at katabi ko si Efer ngayon, nangangati ang kamay ko na maglaro.

"Tutal nagkalinawan na, toss coin na para malaman kung sino ang mauuna." Saad ni Sir Aries sa kanila.

"Head po, Sir Aries." Saad ng representante ng block A.

"Tails po, Sir." Sina Clouread naman ang nagsalita.

Nangangamoy tensyon sa covered court. Buti na lang at hindi literal na mainit dito, kung hindi, baka nabuhusan na ng tubig ngayon.

Nag-umpisa nang magtoss si Sir Aries, pare-pareho kaming kinakabahan. All boys pa naman.

"Okay, heads. Mauuna ang block A magserve." Hindi ko makita kung heads nga dahil malayo ako sa bench ng players, siguro, 2 row ang layo ko sa court. Kailangan, nasa block C agad ang momentum, kung hindi, magmamalaki ang block A sa kanila.

Parehong nagpunta sa designated seats ang first 12 ng bawat block. Nagkatinginan pa nga ang parehong sentro ng bawat block. Magiging mainit ito.

(A/N: para malaman kung sino ang sentro ng bawat block, blue ang t-shirt ng kapitan ng block A samantalang black ang kulay ng t-shirt ng kapitan sa block ni Van. Sa libero naman, arm band.)

Masuwerte ako at sa nasa bench ako kung nasaan ang block C ako napunta. Samantalang sina Doc Ronnie, kanina pa nakatingin sa akin, ewan ko ba sa mga ito.

"Sino nga pala ang starting 7 natin?" Tanong ni Ma'am Jen sa kanila. Si Ma'am Nerie naman, nakatingin sa sentro nila na si Clouread.

"Ma'am Jen, nakaset na po ang starting line-up nila. Kaya nga po pinili ko po muna ang mga elite sa volleyball ng block ninyo, dahil kahit practice match lang po ito, morale ng bawat block ang nakataya dito, lalo na ng advisory class ninyo." Paliwanag ni Ma'am Nerie sa kanya. Tumayo na ang starting 7 ng block A kaya gumayak na rin ang block C.

"Galingan ninyo, nang mawala ang angas ng mga taga-block A. Ang sama ng mga tingin nila sa inyo." Singit ko.

"Ma'am Aizel naman, bigla na lang kayo lumitaw! Oo nga po, ang sama ng tingin nila sa atin, ewan po ba namin." Si Ma'am Nerie naman ang nagsalita. Kanina ko pa napapansin 'yan.

Tumayo na si Sir Jerry para papuntahin ang block A at block C sa gitna ng court.

"Block A at C, anong hinihintay ninyo, pasko? Pumunta na kayo sa gitna!" Sigaw nina Van at Sir Jerry sa court.

Mukhang magiging mainit ang practice match na ito. I swear.

————

MA'AM NOVELL

"BLOCK A AT C, anong hinihintay ninyo, pasko? Pumunta na kayo sa gitna!" Sigaw nina Van sa court.

Susme, ang dami kong naririnig na hindi maganda dito. Hindi na ako magtatakang maraming nabubuwisit kina Van, mayaman na nga, authoritative pa.

"Hay naku, ang epal na estudyante ni Ma'am Jen. Nakakairita." Saad ng magaling na estudyante ni Gray. Ang sentro yata nila ang backstabber.

"Hoy, lalake, hindi pa nag-uumpisa ang laro, gusto mo yatang ma-eject. Yellow card for disrespecting the game officials." Nagtaas ng yellow card si Van sa kanya at nagreklamo pa.

Code GRAY : Part ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon