THIS IS TROUBLE (1)

15 0 0
                                    

A/N: Real update na 'to. Balik na sa original time line. Hehehe.

Insert song: Baddest Presentiment [Shirō Sagisu

----

DAKILANG grumpy si Papa ngayon. Iniisip ko nga kung ano ang nangyari at natatakot makipag-usap ang mga tao dito sa mansyon pagdating sa kanya.

Tinatanong ko naman sina Tito Luis kung anong nangyari kay Papa, pero, wala naman silang masabi sa akin.

Pero hindi dapat ako kainin ng takot ngayong si Papa naman ang nasa lugar ko. Kailangan ko siyang pagpasensyahan ngayon.

"Papa? Can we talk po, kung pwede po sana?" Tanong ko. Sana, makisama ang mood niya ngayon.

"Okay, pumasok ka na rito." Plain lang niyang saad sa akin.

Nasa labas ako ng Blue Room niya, malapit lang ng bahagya sa kwarto ko.

Pagpasok ko, may nakita kong may mga papel siyang inaayos ngayon. Palagay ko, nag-a-audit siya.

"'Pa, hindi pa rin po ba tapos 'yang pag-a-audit ninyo?" Tanong ko. Busy pa rin siya sa nga papel na hawak niya.

Still busy.

Kay Papa ko lang nalaman na kulang ang stock ng PPEs sa stock room. Dahil hirap ma-trace ng ospital kung sino ang salarin, nakiusap na ang board of trustees kay Papa na siya na lang ang mag-imbestiga, alone.

Hurisdiksyon kasi ni Papa ang buong ospital pero, dahil walang nakuhang ebidensya ang staff department kung sino ang salarin sa nawawalang stocks ng medical supplies ng ospital, it leaves the investigation to him.

Naupo na lang ako sa duvan at nanonood ako ng isang episode ng D.Gray Man Hallow sa phone ko. Busy masyado si Papa sa paper works.

Tama na muna ang pang-i-istorbo at hintayin mo munang matapos ang Papa mo, Van.

Naiinis tuloy ako sa episode na pinapanood ko ngayon. Letse talaga 'tong epal na inspector general na 'to. Gusto ko tuloy pumasok sa series at patayin ang lintik.

Buwisit na Inspector General Malcolm Lvellie.

Tinitingnan ko si Papa kung tapos na ba siya sa ginagawa niya. At sa huling tingin ko, natapos na rin.

"Sakto, tapos na po ang pinapanood kong episode ng D.Gray Man. Anyare po sa in-a-audit ninyo, 'Pa?" Tanong ko, matapos kong i-close 'yung phone ko.

"Hay, wala pa rin, 'nak. Hindi ako masyadong makakilos, ayaw umayos ng non-medical staff department. Naiinis na nga ako, naiipit pa dahil may deadline pang binigay si Madam Chair sa akin!" Aburidong saad ni Papa sa akin. Problema ng trustees kay Papa? Bakit may deadline?!

Kapag minadali ang imbestigasyon sa nawawalang medical stocks sa ospital, malaking problema 'yan. At mas malaking problema kung, siya lang mag-isa ang kikilos.

"Kailan po ang 'dead-line', 'Pa?"

"Bago bumalik si Tita Rachelle mo."

Two weeks from now. Letse.

Hindi kaya kami pwedeng manghimasok sa problema ni Papa sa ospital? Ipit na masyado kung two weeks ang hinihinging oras nina Madam Chair sa kanya.

"'Pa, may duty po ba kayo sa Wesleyan at PJG bukas?" Biglang tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing sumamang magmanmam bukas.

"Wala, sasama ka bang magmanman bukas?" Nalaman niya agad ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Sana po, kung papayag kayo. Ipit na kasi kayong masyado sa deadline na binigay nina Madam Chair sa inyo. Hindi pwedeng kayo lang po ang kikilos, mahihirapan lang kayo." Sana, pumayag.

Code GRAY : Part IUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum