11. Ice Cream

20 1 0
                                    

Arthur's POV

"Hey Hannah, Okay ka lang?"

Agad namang lumingon si Hannah sa kinatatayuan ko ngayon.

"Arthur..."

Kumunot ang noo niya matapos sabihin ang pangalan ko.

"A-andyan ka pala, uhhhh. P-paano mo nalamang nandito ako?"

Pinagmasdan ko ang itsura niyang mukhang kaka-iyak lang.

Ano nanaman bang nangyari sa kaniya?

"Hellooo?? May kausap ba ako?" (Insert sarcasm.)

"Ahh, Sorry sorry, natulala lang ako.
I don't mean to pry, pero...

By chance, nag-away ba kayo ni Lucas?"

Mukhang nag-hehesitate si Hannah na sabihin sa akin kung nag-away nga talaga sila o hindi, kaya...

"Okay lang kung hindi mo sagutin yung tanong ko, I'll respect your choice if you don't want to talk about it."

"No no no, hindi naman sa ayokong sabihin sayo kasi actually, Oo, nag-away nga kami ni Lucas.

Pero, its nothing to worry about, just a little misunderstanding."

Oh no..

Huwag mong sabihing-

$#**! You idiot, Arthur Clark Villaverde!!

And that my friends is when I knew that I messed up puu~retty badly.

"Hala! Dahil ba sa ginawa ko kahapon kaya kayo nag-away??

I am so so sorry dahil sa ginawa ko kahapon, I swear hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa.

I-it's like my body had a mind of its own that time, pangako hindi ko iyon sinasadya!"

Napa-luhod na ako sa parking lot sa harap ni Hannah habang nagso-sorry sa kanya.

"Huy! Tumayo ka nga dyan! Tumayo ka nga Arthur, tinititigan ka ng mga tao..."

Itinayo ako ni Hannah habang sinesermonan at sabay hila sa kamay ko papalapit sa kanya.

"Loko-loko ka dyan, mamaya akalain ng mga tao nag-popropose ka sa akin or some-"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Hannah ng marealiza niya na ang lapit ng pagitan ng mukha namin sa isa't isa.

Agad naman akong marahang itinulak niya papalayo, habang ako naman ay tumatawa dahil ang cute ni Hannah pag nahihiya at nagbublush.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

And not to mention pag nag-susungit siya.

"W-wala. Hahahahaha! Kakaiba ka talaga Hannah!"

"Halika na nga, ingay-ingay mo diyan."

Sabay kaladkad sa akin ni Hannah papa-layo ng parking lot.

"H-huy, easy lang. Wag ka namang agad-agad mainitin ang ulo."

"Eh, sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa pag-iiskandalo mo dun kanina.

Pasalamat ka nga inilayo na kita bago pa man kunan ka ng video ng mga tao dun at i-post sa social media."

"Grabe, pag-iiskandalo agad? Tsaka chill ka muna, kulang nalang may lumabas nang steam sa tenga mo oh!"

"Che! Dyan ka na nga. Mauna na ako!"

"Wait! Tell you what, babawi nalang ako sayo ngayon through ice cream.

Ano? Game ka?"

Lumingon si Hannah sa akin at lumapit.

"Libre mo???"

"Oo naman!"

Pumunta kami sa pinakamalapit na convenience store at doon bumili ng ice cream.

Umupo kami sa labas sa may mga malapit na bench.

"Chocolate nanaman?" Tanong ko kay Hannah na binubuksan ang balot ng kanyang ice cream.

"Oo. Bakit?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

"Hindi ka ba nag-sasawa diyan?"

"Hindi, bakit? Masarap naman eh."

Pinag-mamasdan ko ang mukha ni Hannah.

Kahit naka-sideview pa ito alam mo parin na magandang-maganda siya lalo na sa paningin ko kahit marami na ang nagbago sa itsura niya.

At tungkol sa maliit na away bata namin ni Hannah at yung pagluhod-luhod ko pa sa harap niya,

Ehhh. Totoo lahat ng sinabi ko.

Oo, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kahapon.

Kasi para bang sinapian ako o kung ano at gaya ng sinabi ko it was like my body had a mind of its own...

"Alam kong maganda ako, kaya tigilan mo na yang pagtitig sa akin. Sige ka, mamaya matunaw ako dito mismo."

Okay, bumalik na ako sa realidad.

"H-ha? Uy hindi ah! Akala mo lang noh!"

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa aming dalawa bago may itinanong sa akin si Hannah.

"Si Veronica nga pala kamusta na siya?"

"Ha? Uhhm. Okay naman siya, bakit mo pala natanong?"

"W-wala naman. By the way, since nakita ko naman yung mga posts mo sa instagram, by far ano ang favorite mong destination sa travels mo?"

"Siguro masasabi ko sa Japan. Actually its quite a funny story kaya yun ang favorite ko.

Kasi nung first time naming dalawa ni Veronica doon muntikan na siyang maligaw buti na ngalang at-"

"Hey, Hannah. You look spaced out, is something wrong?"

"Ah wala wala! Tuloy ka lang"

"Sigurado ka ha."

Tumango nalang si Hannah.

"Ok, so muntikan na ngang maligaw si Veronica noon at buti na nga lang..."

"Hey, Arthur. Can I ask a question?"

Ano nanaman ba tong babaeng 'to, sinasadya ba ni Hannah na hindi ako patapusin sa sinasabi ko?

Di bale na nga!

"Oo naman, sige lang."





































































































"Do you believe in
love at first sight?"











4 days a lover, 3 days a friend (Discontinued)Where stories live. Discover now