CHAPTER 17: Tag Along

2.8K 79 0
                                    

MARY'S POV

Uwian na at kanina pa naunang umalis si She dahil may lakad pa sila ni Peter. Hindi ako sumama kahit niyaya nila ako sa dalawang dahilan. Una, ayokong maging third wheel sa date nila. Pangalawa, kailangan ko pang pumunta ng library para gawin ang assignment namin sa accounting subject.

Palabas na sana ako ng aming silid-aralan ngunit agad akong natigilan dahil sa tilian ng mga kaklase kong nakaharang sa mismong pintuan na parang naiihi at natatae na ewan sa mga itsura nila habang nakatingin sa labas.

Rinig na rinig ko mula sa kinatatayuan ko ang malalanding tanong ng mga kaklase kong nakaharang sa pintuan sa kung sino mang nasa labas na pinagkakaguluhan nila. Pero sa halip na alamin pa kung anong pinagkakaguluhan nila ay ipinagkibit-balikat ko na lang ito at hindi na pinagtuunan pa ng pansin.

"Excuse me," pagkuha ko sa atensiyon ng mga kaklase ko para makadaan ako at makaalis na.

Agad namang nagsitabi ang mga kaklase kong nakaharang sa pintuan kaya malaya akong nakalabas ng classroom. Ngunit sa halip na tumuloy ako sa pag-alis ko ay naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang isang hindi kaaya-ayang nilalang ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng classroom.

"Pauwi ka na ba, Mary? Do you mind if I give you a ride?" tila nang-aakit na tanong ni Christopher na siya palang pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko.

Awtomatiko namang umangat ang isang kilay ko sa tanong ni Christopher.

"Girls, did you hear that?"

"Why is he asking her instead of us?"

"Nag-iba na ba ang taste niya?"

Malinaw kong narinig ang mga dismayadong komento ng tatlo sa mga kaklase kong nasa gilid ng pinto at pinagpapantasyahan ang asungot na kaharap ko. Marami pa akong narinig na kung ano-anong hindi magandang komento pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad ko para pumunta ng library. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Christopher pero hindi ko na inabala pa ang sarili kong muli siyang kausapin o kahit lingunin man lamang siya mula sa aking tabi.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya habang sumasabay sa aking maglakad.

"It's none of your business," mataray kong sagot at inirapan siya.

Hindi ko alam kung anong mayroon kay Christopher pero ang bigat ng loob ko sa kaniya at hindi ko mapigilan ang sarili kong magtaray kapag malapit siya. Hindi naman ako ganito dati.

Panay ang tanong niya ng kung ano-ano kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko.

"Hey! Wait!" pagtawag niya sa 'kin.

Mas pinili kong magbingi-bingihan na lang at magtuloy-tuloy sa paglalakad ko sa halip na lingunin pa siya mula sa likuran.

Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko huwag niya lang akong maabutan. Ngunit hanggang makarating ako ng library ay nakasunod pa rin siya.

"Hey! Don't ignore me!" sigaw niya.

"Silence please," pagsaway sa kaniya ng librarian na lihim kong ikinangisi.

Nakita na ngang library 'to. Kung makasigaw, akala mo naman ay nasa ikapitong bundok ang kausap niya.

Kaagad akong dumiretso sa parte kung saan nakahilera ang mga libro sa accounting para kunin ang lahat ng aklat na may kinalaman sa accounting na pupuwedeng kong magamit.

"Tulungan na kita," pagprisinta niya at tinangka pang agawin sa 'kin ang mga aklat na hawak-hawak ko.

"Kaya ko na," tipid kong sagot.

Humanap ako ng puwesto at nang makahanap ako ay agad kong inilapag sa mahabang mesa ang mga librong dala ko saka ako umupo.

"Ang dami naman yata niyan," pagpuna niya sa mga aklat na nakalapag sa harapan ko.

Naupo siya sa kaharap kong upuan habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa mga librong nasa ibabaw ng mesang napapagitnaan namin.

"Mas maraming sources, mas maraming information ang makukuha at mas reliable," sagot ko nang hindi man lang inaabala ang sarili kong tapunan siya ng tingin.

Nagsimula na akong mangalap ng impormasyon na agad ko namang sinusulat habang siya ay panay lang ang tanong ng kung ano-ano na sinasagot ko naman paminsan-minsan para wala siyang masabing masama sa 'kin.

"Teka. Tapos ka na agad?" hindi makapaniwala at gulat niyang tanong nang simulan ko nang iligpit ang mga gamit ko pati ang mga aklat na ginamit ko makalipas lamang ang ilang minuto.

"Obviously, yes," bagot kong sagot.

Inagaw niya sa akin ang mga librong ginamit ko at nagprisinta siyang siya na ang magbabalik nito sa pinagkuhanan ko kanina. Habang abala siya sa pagbabalik ng mga aklat sa lalagyan nito ay kinuha ko na ang pagkakataong iyon para lumabas ng library at makalayo sa kaniya.

Nagmamadali akong umalis ng library pero hindi pa man ako nakalalayo ay muli ko na namang narinig ang nakakairita niyang boses.

"Hey! Wait!" sigaw niya mula sa aking likuran.

"Hatid na kita," alok niya nang maabutan niya ako at magpantay na kami sa paglalakad.

"No need. I have my own car," iritang sagot ko at inirapan siya.

"Hatid na lang kita hanggang parking lot," muling alok niya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.

Hinayaan ko na lang siyang sundan ako at hindi na ako nakipagtalo pa. Nakahinga naman ako nang maluwag nang matiwasay kong marating ang parking lot kung saan nakaabang na sa akin ang personal driver ko.

"Ma'am, nandito na po pala kayo," salubong sa akin ng driver ko at agad akong pinagbuksan ng pinto sa backseat.

"Ingat." Rinig ko pang sabi ni Christopher bago pa man ako makasakay ng kotse.

"Thanks," tanging sagot ko at tuluyan na akong pumasok ng kotse na agad namang isinarado ng driver ko.

The Revenge of a NerdOnde histórias criam vida. Descubra agora