CHAPTER 19: Dilemma

3.1K 71 0
                                    

MARY'S POV

Isang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin ako tinatantanan ni Christopher kahit na palagi siyang hinaharang ni Peter sa hindi malamang dahilan. Samantalang si She naman ay mukhang tuwang-tuwa pa at kinikilig sa pinaggagagawa ng lalaking 'yon.

Sa isang buwang lumipas ay araw-araw akong nakatatanggap ng tsokolate at bulaklak mula sa kaniya na hindi ko magawang itapon dahil kay She at sa mga kaklase ko. Iyong mga bulaklak ay hinihingi ng mga kaklase kong may gusto sa kaniya na agad ko namang ibinibigay dahil nanghihinayang ako sa bulaklak. Ang tsokolate naman ay palaging tinatanggap ni She kahit anong saway ko sa kaniya at siya ang umuubos nito.

Palagi ring sumasabay sa aming kumain si Christopher at palagi niya akong nililibre na hindi ko na matanggihan pa dahil nauunahan niya ako parating umorder. Kapag naman uwian ay sinasabayan niya ako hanggang parking lot na siyang umuubos ng pasensiya ko dahil hanggang pauwi ay nakabuntot pa rin siya sa 'kin.

Tuwing pumupunta naman ako ng library ay bigla-bigla na lang siyang sumusulpot at umuupo sa katapat kong upuan. Ang nakakatuwa lang na nangyari sa isang buwang lumipas ay ang unti-unti niyang pagkahilig sa pagbabasa at pag-aaral tuwing sinasamahan niya ako sa library.

What annoys me the most is his pertinacity. He keeps on insisting to be my date for the acquaintance party tonight. But what really sucks is the fact that I have to attend the party whether I like it or not because of She and my parents' conspiracy. She convinced mom to send me to the party. If I refuse to attend the said event, I'll be grounded for a month—no books, no gadgets to be able to communicate with kuya, and no car which means that I have to commute. I'm just really glad that the party will end before midnight.

Kahit na labag sa loob ko na pumunta sa party ay nagbihis pa rin ako ng isang light pink wrap around dress na tanging damit na hindi kinulang sa tela sa lahat ng ipinakitang damit sa akin ni mommy. Balak din sana nila akong pagsuutin ng mahabang hikaw na may malaking diyamante pero mahigpit akong tumutol. I chose to wear a simple and plain white pearl earrings. Dikit na dikit ito sa tainga ko. I'm also wearing a pearl necklace and a pearl bracelet. I love pearl because it's simple yet elegant.

About my shoes, I am wearing a white ballet flats where I am comfortable.

"Ang ganda-ganda naman ng prinsesa namin," tuwang-tuwang sabi ni mommy at mahigpit akong niyakap.

Dahil sa higpit ng yakap ni mommy ay ako na mismo ang kumalas sa yakap at yamot akong humalik sa kaniyang pisngi. I gave her a peck on her cheek without saying anything nor giving her a smile like what I always do. I'm not in the mood. I hate wearing this kind of stuffs.

"But why are you still wearing this thick eyeglasses?" nakangiwing tanong ni mommy.

Tinangka pang alisin ni mommy ang salaming suot ko pero agad akong dumistansiya para hindi niya ito maabot.

"Mom, have you forgotten that I have a blurred vision?" mariing tanong ko kay mommy para maalala niya dahil mukhang napasok na ng masamang hangin na dulot ng kabaliwan ni She ang utak niya.

"And what's with your face? No makeup or anything?" dismayadong tanong ni mommy.

Salubong na ang kilay ni mommy at hindi na rin maipinta ng mukha niya dahil wala akong nilagay na kahit anong kaartehan sa mukha ko.

"I didn't apply anything. It irritates me," parang batang sagot ko at ngumuso ako sa harapan ni mommy para hindi na siya magpumilit pa.

"Hay naku! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa 'yong bata ka." Napahilot si mommy sa sentido niya at mariin na rin siyang napapapikit na siyang ikinangiwi ko.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon