CHAPTER 21: Friends

2.7K 83 0
                                    

MARY'S POV

Nagising ako na nananakit ang katawan ko lalong-lalo na ang sikmura ko. Maingat akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at naupo sa ibabaw ng kama. Mas lalo namang sumakit ang katawan ko dahil sa ginawa kong pagkilos.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi na maaaring dahilan ng pananakit ng katawan ko. Unti-unting nanariwa sa alaala ko ang hindi magandang naging karanasan ko kagabi. Kasabay nito ay ang muling pagkabuhay ng takot sa puso ko kaya napasiksik ako sa headboard ng kama at napayakap sa makapal na kumot.

Binalingan ko ng tingin ang nanginginig kong braso, binti at paa. May mga pasa pa rin ito pero hindi na gaanong kapansin-pansin ang kulay nito. Natatakpan na ng benda ang sugat sa paa at tuhod ko na natamo ko mula sa pagkakadapa ko.

Sinubukan kong hawakan ang pasa ko sa kaliwang braso ko at halos maiyak ako sa sakit na dulot nito.

Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit nasa labas pa ako nang mga oras na iyon. Hindi dumating ang sundo ko kaya nagtataka ako kung paano ako nakauwi at nakaligtas mula sa mga taong nagtangkang gahasain ako.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari matapos tumilapon sa kung saan ang sana'y susunggab sa aking lalaki. Noong una ay malabo ang mga imahe sa isipan ko hanggang sa unti-unti itong luminaw. Malinaw ko ring naalala ang mga narinig ko noong makilala ko na kung sino ang nagligtas sa akin na walang iba kundi si Christopher.

"You're now safe. You have nothing to worry about. I'll protect you."

"You're now safe. You have nothing to worry about. I'll protect you."

"You're now safe. You have nothing to worry about. I'll protect you."

Biglang natunaw ang takot sa puso ko at lihim na lamang akong napangiti nang maalala ko ang ginawang pagligtas at pang-aalo sa akin ni Christopher kagabi.

I can't explain why I feel safe when he embraced me that night. I never felt this before. His hug was really comforting which made me forget all my worries during that night.

Naputol ang paglalakbay ng isip ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto kung saan iniluwa nito si mommy.

"Princess, gising ka na pala," nakangiting wika ni mommy nang magtama ang aming tingin.

May dalang bed table si mommy na may mga nakapatong na pagkain at gatas. Maingat niya itong inilapag sa side table. Tinangka kong bumangon pero pinigilan niya ako.

"Hindi ka pa masyadong magaling. Maupo ka lang diyan. Susubuan ka na lang ni mommy, okay?" pag-baby talk sa akin ni mommy at bahagya pang ginulo ang buhok ko.

"But mom, I still have to go to school," nakangusong sagot ko.

Lumalabas ang pagkaisip-bata ko tuwing kailangan kong mapapayag sa isang bagay sina mommy. It's their weakness.

"Hay, nakung bata ka! Masyado ka talagang subsob sa pag-aaral. Napahamak ka na nga't lahat, pag-aaral mo pa rin ang inaalala mo," dismayadong sabi ni mommy na napapahilot na sa kaniyang sentido.

"You know me, mom. I value my education that much. Kaya sige na, payagan na ninyo ako. Please?" paglalambing ko kay mommy para lang mapapayag siya.

Malakas na bumuntong-hininga si mommy saka nagsalita.

"O siya, sige. Basta kumain ka muna. Saka huwag kang maglililikot masyado. Hindi pa gaanong magaling ang mga pasa at sugat mo," mahabang bilin ni mommy.

Lumapad naman ang ngiti ko dahil sa pagpayag ni mommy. Marahan na lamang akong tumango habang hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko.

"Doon na muna ako sa baba. Bumaba ka na rin pagkatapos mong mag-ayos nang maipahatid na kita sa daddy mo," wika ni mommy nang maubos na ang pagkaing dala niya at bago siya lumabas ng kwarto ko bitbit ang mga pinagkainan ko.

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now