ANTF 9

1.7K 46 7
                                    

Tonight is the night, birthday party ni Claire ngayon, at para akong baliw dito sa room ko na hindi mapakali sa pag-iisip sa isusuot ko. Hindi ko alam kung magdi-dress ba ako o casual attire lang. You know, jeans and blouse? Hay, ewan.

Ang problemado ko, para namang ako ang may party ngayon. Kagabi ko pa 'to piniproblema pero hanggang ngayon pa rin dahil wala pa akong naiisip. Pero okay lang, mamroblema sa isusuot, basta hindi na sa birthday gift ko kay Claire. Three days before, may regalo na ako kay Claire, a watch and explosion box. Kinda common pero I'll make sure na sobra siyang magiging happy sa effort na ginawa ko sa explosion box. Talagang pinagpuyatan ko pa 'yon para sa kanya.

Si Claire, siya 'yong type ng babae na hindi mahilig sa things, hindi siya materialistic, nakwento niya na sa akin 'to. 'Yung mga nakaraang birthday niya kaya, puro surprise ang ginawa ko. Kunwari, nakalimutan ko pero may surprise ako sa house nila, ayun, balloons and cake, ganoon. Pero ngayon, walang surprise ngayon dahil medyo naging hectic ang schedule at pati rin ang utak ko sa role play at paggawa ng script.
And speaking of that, 'yong para sa theatrical play, yes, nagawa ko na ang script for scene 1 ng Romeo and Juliet which is sa akin ang part na 'yon. Inuumpisahan na namin kahit wala pang update sa students na ipapasok sa org namin. Wala pa talaga, kaya habang wala pa, scripts, props, music and choreography muna ang pinaplano namin. Ayun nga, we are planning to mix our play with music, so parang magiging musical play siya. 'Yung parang Les Misérables. Nai-imagine ko 'yong kakanta si Romeo at Juliet, at sana nga hindi masira ang pagiging demanding ko sa casts.

Thursday night, ang bilis ng araw. Thursday na agad, tapos baka isang araw, play na namin?! Tapos bakasyon na? Hay, ayoko pa dahil mami-miss ko ang school. Nakakatawa ba? Hehe, pero seryoso ako. Mas gusto ko pa kasi ng maraming ginagawa kaysa sa nasa kwarto lang, nakahiga at phone ang hawak. Kaya siguro kapag bakasyon, I'm planning to write stories online, kapag walang trip ang family ko this summer vacation.

This week, parang typical na nga 'yong pagsulpot at laging paglapit ni Jared sa akin. Kahapon nga, kasabay namin siyang nag-lunch nina Claire at Andre. Nililigawan niya na yata ako? Seryoso na? What the.. Manliligaw ko na siya? Ngayon lang nag-sink in sa akin at mas nauna pa ang lahat makaalam kaysa sa akin.

Gusto kong umayaw at kausapin siya pero bakit kapag magkaharap na kami, parang ayaw ko siyang pigilan? Ayoko siyang i-let down kapag pinigilan ko siya, na alam kong mangyayari 'yon dahil kita ko ang efforts niya sa pagbibigay sa akin ng flowers at pakikipagsabay sa akin, pero mas male-let down ko pa siya kapag pinatagal ko pa ito at pinaasa ko lang siya sa wala.

Kaya this Saturday, kakausapin ko siya. At tamang-tama dahil magiging lugar namin ang house nila ni Andre para sa paggawa ng scripts with our team members. Kaya sana, nandoon siya sa bahay.

And at last, may nahalungkat na ako rito sa cabinet ko na nagustuhan ko. Kinuha ko na ang sinuot na, buti at naplantsa na ni Manang. As far as I remember, ito 'yong binili namin ni Mommy sa Forever 21. Silk na tank na color white and brownish slacks, and naka-3-inch sandals ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa mirror at napangiti ako dahil bagay naman sa light makeup ko 'yong napili kong outfit for Claire's party. Now, gotta go.

 Now, gotta go

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
A Night To FallWhere stories live. Discover now