Pinunasan ko ulit ang pisngi ko nang nagsituluan ulit ang mga luha ko. Pero wala, wala namang nangyayari. Kasi kahit ano pang pagpunas, hindi tumitigil.
Napamura ako, pero hindi naman mura ang nailabas ko.. Kundi hikbi, hikbi na naman..
Hindi ko alam kung ano ang nangyari.. Hindi ko alam 'yong buong pangyayari kagabi.. Ang alam ko lang.. Ang alam ko lang, galit si Lennon.. Umuwi siyang lasing at.. at may nangyari sa amin?
Ba't ko pa ba tinatanong 'yon? Halata naman. Hubad pa nga ako ngayon at mahapdi ang kahit anong parte ng katawan ko. At ang isa pang alam ko, hindi ko ginusto 'yon.. He forced me to do it. Hipokrita man kung sabihin pero hindi ko gusto 'yong ginawa niya. Oo, girlfriend niya ako pero sa ginawa niyang 'yon, parang hindi niya ako nirespeto..
Ayun lang ang alam ko ko pero parang hindi ko kayang alalahanin 'yong buong pangyayari.. Dahil siguro sa pag-iyak ko kaya parang naging barado 'yong alaala ko kagabi. At hanggang ngayong gising na ako, kahit ano pang pag-aalala ang gawin ko, wala, wala akong matandaan maliban sa mga sinabi ko.
Hindi ko akalain na magagawa niya 'yon. Ganito ba talaga 'yong galit niya sa akin? Nang dahil lang sa hindi ko nasunod 'yong gusto niyang huwag akong lalabas? At huwag kumausap ng iba? At ipinamukha niya sa akin na parang siya 'yong nagtatrabaho, siya 'yong nahihirapan, at ako, walang ginagawa, hindi ko siya tinutulungan.
Napahikbi na ulit ako at sumbsob sa unan na kayakap ko.
Ano'ng oras na? Ewan ko. Basta ang gusto ko lang, dito lang ako sa kama at huwag nang bumangon. Hindi ko rin gusto na bumangon dahil wala naman akong gagawin. Alam ko naman na nakaalis na siya dahil mukhang magtatanghali na. At wala akong ganang kumain dahil masakit ang buong katawan ko, ni kahit magsuot ng damit.
Bigla akong kinabahan nang marinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko na inabalang lumingon para makita kung sino. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at pumikit, nagpanggap na natutulog pa.
Nandito pa siya? Nandito pa siya. Bakit nandito pa siya? Bakit hindi pa siya pumapasok sa work niya?
Nanginginig ako, ramdam ko. Lalo na nang maramdaman kong tumabi siya sa akin dito sa kama at niyakap ako sa likod. Hinalikan niya ako sa balikat and he wrapped his arm around my waist. Pinipigilan kong humikbi ulit dahil sa takot ko.. Takot ko na pwersahin niya ulit ako..
"Love, gising ka na.. Tanghali na oh." Bulong niya sa tainga ko pero hindi ko binuksan ang mga mata ko.
Hinintay ko na bumitaw siya sa akin pero hindi nangyari. At hinihiling ko na sana makatulog na ulit talaga ako dahil ayaw ko siyang makita at maisip na nakayakap siya sa akin ngayon. Ayaw ko siyang katabi at ayaw ko siyang makita. Bigla akong hindi naging kumportable sa kanya, hindi ko alam. Pero bakit? Bakit parang umaayaw din ako sa naiisip ko? Hindi ko magawang itulak siya palayo at nagiging pabaya ang sarili ko na nakadikit sa kanya. Parang nahati sa dalawa 'yong utak at katawan ko, nagtatalo at hindi ko makontrol.
Parang may mali sa sarili ko..
"Antok ka pa, baby?" Tanong niya at gusto kong sampalin ang sarili ko dahil hinahayaan ko siyang halikan niya ulit ako sa leeg.
Humigpit ang hawak ko sa kumot na nakatakip sa akin at mas dumiin ang pagpikit ko.
Tumigil siya pero nakayakap pa rin siya sa akin. Pinatong niya pa ang baba niya sa balikat ko at mukhang sinisilip niya ako. Nang hindi ako makatiis, kinuha ko ang kumot at tinakip sa mukha ko, narinig ko siyang tumawa.
"Ang Bebecoh, gising na siya.. Tara na, baby, kain na tayo. Tamang-tama, lunch time na.. 'Di na kita ginising kanina dahil ang sarap pa ng tulog mo."
YOU ARE READING
A Night To Fall
General FictionIt is kind of romantic, but a little bit funny that Natalia thought she could experience love through books and novels, not until someone made her feel the love she's always been dreaming of. He made her feel that love, and she fell. But, is it wort...