Nag-umpisa na ang practice for our play, magda-dalawang linggo na rin at sa mga linggo na 'to, excuse kami sa aming classes. We spend our time sa pagpa-practice at tuloy-tuloy na talaga. Pagkatapos na pagkatapos ng busy week para sa foundation, balik sa dati ang lahat para sa pag-aaral for finals. Lalo na 'yong mga graduating students sa university.
Pero kami, kami, hindi pa graduating kaya aral-aral lang at wala masyadong paghahabol sa requirements, pero halos wala na ngang klase dahil nga sa play na pinaghahandaan namin for contest. Parang ito ang requirements namin sa lahat na na-approve ng heads at ng dean namin. Kaya ito, walang paglalaro at siniseryoso namin. Dahil sa performance namin nakasalalay ang pagpasa namin.
Geez, nakakakaba nga. Mga three weeks na lang, contest na. Pero no worries dahil kasado na 'yong mga props and other materials na gagamitin namin, sagot naman ng school at hindi lang naman kami ang nagpe-prepare dito, kundi mga ibang officers din. Syempre, reputation ng school ang nakasalalay dito kaya tulong-tulong. Okay na rin naman 'yong practice, 'yong acting ng mga characters. Ang gagaling nga eh!
Ay, hindi pala. Dahil may isang tao na hindi ginagawa nang maayos 'yong pagde-deliever niya ng lines. Sino pa ba ang tinutukoy ko?
It's Lennon. Argh!!! Sino ba naman ang hindi maiinis sa kanya? Sa tuwing practice, binabalewala niya lang 'tong play. Laging late dumadating at wala siyang cooperation sa mga sinasabi namin. Ayaw niyang sundin 'yong sinasabi ni Andrei na siyang director at si Ms. Katy para sa gagawin niya. And take note, main character pa siya. Siya si Romeo!
Yeah, nagbabasa siya ng scripts pero literal na binabasa niya nga! Walang feelings at nakasimangot pa siya.
Siya si Romeo, at hindi ko alam kung paanong siya ang napili ng mga heads at ni Mr. Principal but I think it's about the sequence sa mga bagsak niya at pagiging basagulero niya. Pero hindi ba nila naiisip na basagulero nga siya at ayaw niya 'tong binigay sa kanya? Baka dahilan pa ng pagkasira ng play namin.
Gustuhin ko mang sabihin kay Ms. Katy na kung pwedeng hindi na lang si Lennon si Romeo pero nag-aalala rin siya dahil ayun ang utos sa kanya na huwag palitan ang role ni Lennon. Bahala sila riyan, sila ang pumili, huwag sana sila magalit kung hindi maganda ang kinalabasan.
Si Lennon ay si Romeo, at si Juliet, hindi si Yanna. There's no way na siya si Juliet dahil nag-disagree ang lahat na maging siya si Juliet, kaya isa na lang siya sa mga backup dancers dahil wala siyang alam sa acting. Umangal siya pero we have the right para pumili kung ano ang role niya sa play, kaya si Hazel, our best actress of all time, ay si Juliet.
Hindi ko alam kung paanong pati siya ay nakasama sa play namin. Well, siguro sinundan si Lennon. Asa pa siyang siya si Juliet. Pero kahit hindi siya si Juliet, lagi pa ring nakabuntot kay Lennon sa tuwing practice.
Pero nakakainis talaga! Si Lennon na lang 'yong hindi maayos! Tapos 'yong usapan namin nina Andrei na hahaluan namin ng music 'yong play namin na dapat kakanta si Romeo at Juliet, hindi na nangyari dahil kay Lennon na hindi namin mapakanta. Feeling ko, sinasadya niya. Bahala siya riyan, grades niya naman ang nakasalakay.
Well, hindi ko naman alam kung kumakanta si Lennon, pero nakakainis siya dahil nasira expectation ko.
"Hay, Talia. May 3 weeks pa. Keri pa siguro at keri pa ma-convince ang masungit na 'yon." Bulong ko sa sarili ko at natawa si Andrei na nasa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at pabirong binato siya ng crumpled paper.
"Aray, mapanakit ka na." Sabi niya at nag-peace sign ako.
"Joke." Tawa ko at inayos na ulit ang upo ko rito sa sala ng bahay nila at focus sa pagfa-finalize ng scripts namin for last two scenes. Mahirap, ito na 'yong tragic ending ng Romeo and Juliet.
YOU ARE READING
A Night To Fall
General FictionIt is kind of romantic, but a little bit funny that Natalia thought she could experience love through books and novels, not until someone made her feel the love she's always been dreaming of. He made her feel that love, and she fell. But, is it wort...