ANTF 19

1.9K 43 18
                                    

"So paano ba 'yan? Bakasyon na." Natawa ako sa sinabi ni Andrei kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin lang rin siya sa akin habang nakangiti.

"Kaya nga." Sabi ko lang.

"Hindi na tayo magkikita. May family trip kami."

"Talaga? Saan?"

"Sa Singapore daw, sabi ni Mama." Sagot niya.

Rich kid talaga 'tong si Andrei eh. Singapore? Wow, kunwari hindi pa kami nakakapunta. Haha. But speaking of bakasyon, yes, bakasyon na nga.

Actually, bakasyon na pero nagpupunta-punta pa rin ako, kami, dito sa school para sa kailangang i-pass na requirements para sa final marks. Pero hindi naman naging mahirap para gawin, natapos naman namin nang maaga mga pinapa-pass ng bawat teachers. Hindi naman habulan ng mga professors ngayon, haha. Puro compilation sa mga minors ang kailangan at sa dalawang major namin, wala naman. Kasi ayun nga, parang malaking requirement na sa amin 'yong pagsama sa play, partida pa't champion ang school.

"Mami-miss kita." Sabi pa ni Andrei kaya natawa ulit ako. Baliw nito.

"Weh? Talaga? Edi mami-miss din kita!" Sagot ko at nag-cling sa kanya, pero agad rin akong bumitaw dahil.. baka si Lennon, makita niya kami.

Alam niyo na, nasa tabi-tabi lang 'yon. Parang mafia, hindi mo alam na nandiyan lang pala siya sa tabi-tabi at binabantayan ka.

Tumingin-tingin ako sa paligid para tignan kung nasaan man siya. Nasaan na ba siya? Nagpa-pass din ba ng requirements niya sa mga subjects niya? Tapos na ba siya mag-take ng special exams?

Kanina, sabay kaming nagpunta rito sa school. Siya, pupuntahan din mga professors niya roon sa department nila. Tapos sabi niya sa akin kanina bago ako maghiwalay, i-text ko siya kapag tapos na ako dahil sabay kami uuwi. As usual, parang lagi na nangyayari kaya minsan.. Nagtataka na si Mommy kung bakit parang sa isang iglap, lagi na kaming magkasama ni Lennon. Magugulat na lang sila na uuwi ako sa bahay na kasama siya. At sana.. hindi siya makahalata sa amin.

Pwede naman siguro nila maisip ni Daddy na.. close na kaming dalawa? Aish, ewan.

And 'yong tungkol sa nangyari, 'yong tungkol sa nagabihan kami ni Lennon at hindi nakapagpaalam kung saan nagpunta, medyo naging issue nga 'yon sa amin ni Daddy Chris. Kay Daddy, parang halos dalawang araw niya ako hindi pinansin dahil doon.

And in the morning non, maaga akong nagising para salubungin si Mommy. 'Yung iniisip ko na magagalit siya sa akin, hindi naman nangyari, kundi niyakap niya at umiyak siya. Sinabi niya na natakot siya at hanap siya nang hanap sa akin habang umiiyak siya at pati na rin ako. At ang nasasabi ko lang sa kanya, sorry.

Dalawang klase ng sorry. Sorry dahil hindi ako nakapagpaalam at pinag-alala ko siya.. At sorry dahil kay Lennon.

Pero ngayon, okay na, four days have passed, balik na sa normal. At si Daddy, okay na rin kami. Buti naman at naging effective 'yong pag-bake ko ng cake para sa kanya, at tulad ni Mommy, sinabi niya na nag-alala siya sa akin at sa susunod, mag-text daw ako kung saan ako pupunta. Kaya ito, sinisigurado kung full charge ang phone ko bago umalis ng bahay, at may dala na rin akong power bank.

Pero 'yong isa pang issue, 'yong pagtataka nila Daddy at Mommy kung bakit kami magkasama that night. At hanggang ngayon, 'yong tungkol sa kung bakit lagi na kaming magkasabay. Tinanong ako ni Mommy tungkol dito at ang sagot ko, nagpasama lang siya sa akin at.. close na kami. At napangiti si Mommy doon, hindi ko alam kung bakit.

"Oh, lapit na rin mag-12. Tara, lunch tayo, treat ko." Sabi niya at tumango ako, pero agad rin akong umiling. "Oh, bakit? Treat ko nga." Sabi niya.

A Night To FallWhere stories live. Discover now