Chapter 7: Insanes~

17 3 0
                                    

Chapter 7: Insanes~
(Timothy's POV)

"Stop being a dog, Mr. Bloodsucker." saad ni Belle ko.

Well, ihahatid ko lang naman sya sa bahay nya para masiguradong ligtas syang makakauwi.

"It's Timothy, Belle, not Mr. Bloodsucker." pagtatama nya na halos mapangiwi sa huling sinabi. "And I am your boyfriend, Belle, this is just natural for couples. Yah know, hinahatid ni guy si girl para masiguradong ligtas itong makakauwi."

Tumigil ito sa paglalakad tsaka ako binalingan, I smiled widely, "Mr. Bloodsucker, I agreed to this setup because you told me that you'll stop bothering me. Don't tell me wala kang isang salita?"

Tiningnan ko sya, hindi makapaniwala, "Wala ka talagang kareareaksyon no? Well, my Belle, just let me do it. Promise! Hanggang bahay mo lang talaga, after nun ay aalis na ako."

Di ito nagsalita at tumalikod lang ulit, she continued walking na syang nagpangiti sa'kin. Napakunot-noo ako nung makita ko ang dala nito, mukang dala nya ang laptop nya. Nilapitan ko nga at akmang ako na ang magdadala nang di nya ako pinayagan.

"Look Belle, hayaan mo akong tulungan ka dito. Kahit dito lang, please?"

Luckily, di na sya nakipagtalo pa at hinayaan nalang ako. Nagtaka pa nga ako nung bigla syang lumiko at akmang papasok sa isang parang bahay nang pigilan ko.

"Let my arm go, Mr. Bloodsucker."

"It's Timothy, my Belle. At anong gagawin mo sa isang computer shop? You have your laptop, at papagabi na. You should be at home resting already."

"Nasira ang laptop ko kanina nung masagi ng kaklase na'tin, nalaglag at di na ata maayos. Now, if you don't mind, let me go para may maumpisahan na ako."

"Go home and I'll lend you mine. Heck! I can even bought you hundreds of laptop, just go home para di na ako mag-aalala sa'yo."

"Let me go.."

"No!" madiin kong saad tsaka ako nakipagtitigan sa mga mata nitong walang buhay.

Una! Ayaw ko syang tumagal sa lugar na'to dahil masama ang pakiramdam ko, at papagabi na, masyado ng delikado sa kagaya nyang babae ang maglalakad ng mag-isa. She's way safer in her home compare to this creepy street na kung saan patay sindi pa ang ilaw.

Pilit pa'rin nyang kinukuha ang kamay nya sa'kin, and I left no choice. Agad na binuhat ko sya at nagmartsa ako paalis sa lugar na'yun.

"Put me down, Timothy." mahinang bulong nito na medyo malapit sa tenga ko.

I cursed lalo na at ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko at malapit sa ilong ko ang leeg nito. I cursed again and again lalo na at ramdam ko ang pag-iiba ng kulay ng mga mata ko at ang paghaba ng pangil ko.

God! I want to taste her! Damn! I want to bury my fangs to her delectable nec-- Damn!!

"Belle, close your eyes." mahina kong bulong, "Just close your eyes, my Belle baka di ko mapigilan ang sarili ko at masakmal kita."

"Okay."

Yun lang ang hinihintay ko at gamit ang bilis ko bilang isang bampira, nakarating kami agad sa tapat ng bahay nito. Wala na akong pakialam kung magtaka sya o may makakita sa'min. All I want to do is to lay her on her bed at ng mabigyan kami ng distansya.

"Asan ang Tiya mo?" puna ko nung maibaba ko na sya.

"Ahh. Umalis na sya ng bansa pagkatapos ng libing ni Femy, para daw makalimot. Salamat sa paghahatid, Mr. Bloodsucker." tsaka na sya tumalikod.

A Bloodsucker's Undying LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu