Chapter 1: Meet the Heroine~

57 3 0
                                    

Chapter 1: Meet the Heroine~
(Timothy's POV)

Lukot ang mukhang binalingan ko si Caleb, "Are you sure about this?"

Parang babae na umirap naman ito, "Oo nga, may reliable source ako na ang isa sa mga bampira na syang nagwawala at pumapatay ng mga tao ay dito nag-aaral."

"Oo na! But why do we need to enroll? Seriously? Di ka pa ba–" napahawak ako sa ilong ko nang umihip ang hangin kasabay ang nakakahalinang bango ng dugo na ngayon ko lang naamoy sa tanang buhay ko.

Damn! What's with this smell?

"Naamoy mo yun?" wala sa sariling tanong ko, while sniffing in the air, sinundan ko ang pinanggagalingan ng mabangong dugo. In his mind, he cursed again and again as the strange smell of blood occupied his whole being.

Papalapit ako nang papalapit, at pabango ito nang pabango. Parang nanuyo ang lalamunan ko, para akong mababaliw sa amoy na ganito. Gusto ko iyong tikman, her blood. Please, I badly want this scent–

"Calm down, dumbass!! Namumula ang mata mo at lumalabas ang pangil– Damn!!"

Napakurap-kurap ako nang mapansin na hawak ko na sa leeg si Caleb.

"Kumalma ka, Timothy. Di ako mangingiming kaldkarin ka pabalik sa Mahou World kung ganito lang din ang iaakto mo. We have a mission, make your mind straight, dude."

I closed my eyes and took a deep sigh, "Sorry.." nahihiyang saad ko dito. Namulsa ako para kahit papanu ay may pipigil sa'kin. Because whoever owns that blood, di ko alam kung mapipigilan ko ang sarili ko na dambahin sya at kagatin ang leeg nya.

Damn! Ngayon lang ako nabaliw ng ganito dahil sa amoy ng dugo!

"Behave, Timothy." babala nito bago kumatok. Nung marinig na'min na nagsalita ang sino man sa loob, Caleb opened the door.

Damn!!

Sigaw ko sa isip ko! Nanunuot na naman sa ilong ko ang amoy na'yun. I greeted my teeth at tiim baga na pumasok na.

"You two must be the new students, I am Dr. Jose Guzman, your professor in Advanced Algebra. If you don't mind, please, do the honor of introducing yourselves in front of the class."

Magalang na ngumiti si Caleb dito sabay punta sa gitna, habang ako naman ay gustong-gusto ng tumakbo para lang mapalayo sa kung sino mang tao na may mabangong dugo.

"I am Caleb Millard Pitt, I'm twenty and a transferee, It's my pleasure meeting you all." sabi nito with a fake smile. Mahinang nagtilian ang mga kababaihan at ang iba naman ay nagsikuhan pa na parang kilig na kilig. Transferee kami kasi second semester na.

Nung bumaling si Caleb sa'kin, I sighed. Calm down! Calm down– "Timothy Bloodsucker."

And there, sitting in the corner, near the window. The girl with the sweetest blood I've ever smell, looked at me. Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko nung maghugpong ang mga mata na'min, ramdam ko na kumunot ang noo nito tsaka sya nag-iba ng tingin na parang wala lang ako, na parang wala itong paki.

I blinked with disbelief. Woow! She wasn't charmed by my looks? Just like Nicolett– Okay!

"Okay, you two can choose any seats you want." sagot ni Dr. Gurman.

Doon ako umupo sa kabilang side, lugar kung saan medyo malayo sa kanya. Pagkaupo ko, agad na iniyukyok ko ang mukha ko at pasimpleng tinakpan ang ilong. At ito na ata ang pinakamatagal na isa at kalahating oras ng buhay ko. Sa loob ng oras na iyon, para akong pinapatay ng paulit-ulit kakapigil ng sarili ko na di sya dakmain, lalo na kung may umiihip na hangin at umaabot sa sensetibong ilong ko.

A Bloodsucker's Undying LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant