Chapter 8: Realization~

12 3 0
                                    

Chapter 8: Realization~
(Timothy's POV)

"You sure about this?" tanong ni Caleb, di ko na mabilang kung ilan.

"Oo nga. I'll accept whatever assistance dad can offer, I'll make this quick para makabalik ako agad dito. Basta ang sinabi ko sa inyo ah? Protect my Belle."

Corrine rolled her eyes, umismid naman si Caleb at bahagya lang akong nginitian ni Lexus. Mawawala na naman ako. Tss! Mga dalawang araw siguro akong mawawala depende pa sa gagawin na'ming pag-uusap ni Dad.

Sa huling pagkakataon ay nginisihan ko sila bago ko harapin ang portal na syang konektado sa bahay na'min sa Vampire Ville. We already asked for FandB's assistance pero gaya nga ng sabi ni Corrine, wala silang maitulong sa'min.

Napaismid lang ako sa alaalang 'yun.

Kinagat ko ang kamay ko at pinatakan ang pabilog na simbolo na matatagpuan sa secret room sa bahay na'min. Nung umilaw ito ay agad na tumapak ako dun, I closed my eyes when light welcomed me at nung muling idilat ko ang mata ko ay nasa Vampire Ville na ako, sa loob ng isang pribadong silid na tanging piling tao lamang ang pwedeng pumasok.

Agad na lumabas ako lumabas ako dun at hinanap si Dad.

"Maligayang pagbabalik, Young Master." bati ng isang naninilbihan na bampira sa'kin

"Salamat. Nakita mo ba si Daddy?"

"Kasalukuyan po syang nasa kanyang opisina at kausap ang ilang matataas na opisyales ng ating bayan."

Pagkatapos kong magpasalamat ay agad na tinungo ko ang sinasabi nito, akmang kakatok ako pero napigil nang maramdaman ko ang galit na sigaw nito mula sa loob.

"Paanong nangyari 'yun?!! At di nyo manlang napansin na dumarami na sila? Deploy all our trained men at hanapin ninyo sa pinakamabilis na paraan ang lugar kung saan nagmumula ang insanes!!"

My eyes widened. What?

"Masusunod po, Lord Draco."

Nung bumukas ang malaking pinto ay bahagya pa silang nagulat, agad na nagbigay galang at bigla nalang na nawala.

"Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Tsk! Wag ka ng magtago dyan, Timothy."

Nakangiwing pumasok ako sa opisina nito, "Mukang wrong timing ata ako, Dad?"

"Insanes showed up after two freaking years. Great! Pero maiba ako, ano pala ang sadya mo at bumalik ka rito? Ayun sa huling balita ko ay di pa tapos ang misyon mo dun."

Huminga muna ako ng malalim bago sabihin sa kanya ang problema ko, "Last night, we were attacked by insanes. Around fifty of insanes showed up, dad. At nangangamba ako sa kaligtasan ng mga tao dun."

"How about the FandB? Did you ask for their assistance?"

"Yes! Unfortunately, vampires who can fight under the organization is in the middle of mission. Di daw pwedeng iurong since mahalaga ang mga misyon nila."

Napahilot si dad sa sintido nito, "Insanes attacked us last night, marami ang nasugatan sa kalahi na'tin buti nalang at walang namatay. Pero hindi sapat ang bampirang natira dito para ipadala ko sa mundo ng mga tao, at isa pa, we can't risk the fact na iba ang amoy ng dugo ng mga tao."

Natahimik ako sa sinabi ni dad, kahit kami ni Caleb ay natagalan bago na'min tuluyang macontrol ang aming sarili. But the image of my Belle flashed in my mind. Kapag ito ang kinanti ng bampirang isasama nya doon ay baka makapatay sya, her scent is so addicting.

Natahimik kami ni Dad, kita ko na wala pa itong pahinga at bakas ang pagod.

"Prepare your things, Timothy. You need to travel and ask for the help of Headmistress G, headmistress of Mahou de Academia."

A Bloodsucker's Undying LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora