Chapter 9: Assistance~

18 3 0
                                    

Chapter 9: Assistance~
(Timothy's POV)

"Tito!! I'm soooo excited to walk with you! I'm sure Mama and the rest of my Titos and Titas will be glad to see you again." ang makulit na bata na kanina pa gising.

"Nabili mo na ba kagabi lahat ng kakailanganin mo pagkabalik mo ng Mortal World?" tanong sa'kin ni Lolo Leandro

"Opo! Maraming salamat po at pinatuloy nyo ako dito."

"Sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo tayo lang din na mga gwapo. Oh sya sige, hali na kayo at sasamahan ko kayo sa sakayan ng griffin. Jarren, ano ang sabi ni Lolo?"

"Behave!"

"Okay! Good. Where is Lolo Leandro's kiss?"

Agad naman na nagflying kiss ang bata tsaka umaktong sinalo ni Lolo yan at inilagay sa pisnge nito.

"Mag-iingat kayo!!" sigaw ng matanda nung nagsimula na kaming lumipad, bali sa harapan ko si Jarren na tuwang-tuwa habang lumilipad ang griffin. Di nagtagal ay ibinaba na kami nito, bago kami maghiwalay ni Jarren ay hinalikan na muna nya ako sa pisnge. Ako naman ay deretso sa Headmistress Office kung saan naghihintay si Headmistress G.

"Have a seat, Timothy." saad nito, "I've heard it from your father, he already explained the situation. So, here's the volunteers to help you and your mission."

Nung bumukas ang pintuan ay isa-isang iniluwa ang mga pamilyar na mukha.

"Yow, Tim!!" Cyrex Gio Alstair, earth holder. Anak sya ni Headmistress G.

"How's life, Tim? Eh ang kapogian?" ang sunod na pumasok ay si Tyler Jedrick Collins, his mahou is Air. That really suits him.

"It's good to see you again, Tim." this time ay si Xander Jacobs naman, his mahou is water.

Sumunod ay si Zoey at ang nakabusangot na si Niknik at panghuli ay si Jarred na mukang masama ang timplada ng mukha.

"Just don't mind the last two, mukang nagtatalo pa'rin silang dalawa eh." paliwanag ni Zoey sa nagtataka kong mukha.

"Waaah! Tiiiim, ayaw akong payagan ni Jarred na sumama." mahaba ang ngusong reklamo nito.

Akmang guguluhin ko ang buhok ni Niknik nang tumalim ang mga mata ni Jarred, I gave him a smile tsaka ko binalingan si Niknik, "It's okay. Medyo malapit na'rin ang kasal ninyong dalawa at ikaw ang prinsesa ng Mahou World, Nik, you also have Jarren to worry about."

"Well, it was Jarren who told me na sumama sa mundo na kung saan ay naging parte ng buhay ko na'rin. Si Jarred lang itong epal na di ako payagan at isa pa I wanna meet this Bell--"

My eyes suddenly widened, mukhang napansin naman nito kaya itinikom na ang bibig pero hindi iyon nakalampas sa pandinig ng iba pa sa kanila. Naulan tuloy ako ng tanong.

"Jarred, please? Sige na, pumayag naman na ang lahat eh, ikaw nalang ang kulang. Please?"

"Tss! Umasta basi sa edad Nicolette." si Zoey na inirapan si Niknik.

"Tseh! Please? Jarred..."

"Tssssss! Fine, but I am coming with you. I won't allow this guy near you, princess."

Confusion coated her eyes, "Huh? Wala namang ginagawa si Timothy na masama ah." saad nito.

"Yeah! Yeah." sabi nalang ng lalaki at pasimpleng niyakap si Niknik. Natatawa nga ako sa isipan ko, siguro kapag noon 'to ay masasaktan ako pero ngayon ay kasiyahan ang nararamdaman ko.

I am genuinely happy for the both of them.

"So, okay na? I am assigning Jarred, Niknik, Xander, Zoey, Tyler and Gio to be in this mission. Details was explained yesterday, go and save the Mortal World, students."

A Bloodsucker's Undying LoveWhere stories live. Discover now