Chapter 8

17 8 0
                                    



Ilang araw na akong nandito sa kwarto na to. Walang pagkain, walang kausap, walang ilaw. Wala lahat, parang nakalimutan nilang may tao pa rito. Sa mga nag daang araw gustong gusto ko ng sumuko dahil sa sakit ng tyan ko. Simula pa nung dinala nila ako dito ni pag inom ng tubig ay hindi nila ako pinag bibigyan, unti unti talagang pinaparamdam ni Andrea ang sakit na naranasan niya noon na hindi ko naman alam na ganun na pala ang nangyari sakanya.

Sa ilang araw na rin na nakalipas ay baka nag aalala na sila lola, jomar, james at baka alam na rin nila daddy at tita Eliza ang nangyari saakin. Ayoko pa man ding mag alala sila kaya lang ni kamustahin ko lang sila hindi nila ako pinayagan dahil utos daw yun ng boss nila.

Sa pagmumuni muni ko hindi ko napansing nasa harapan ko si Andrea at may katabi siya lalaking may hawak ng tray puno ng pagkain.

"Oh kumain kana, may pag uusapan tayo pagkatapos" sabi niya saka walk out

"A-ahmm paano ako makakakain kung nakatali ang mga kamay ko?" tanong ko sa lalaking kasama niya. Buti nalang at nag paiwan to kundi baka tititigan ko nalang yung pagkain hanggang mabusog ako.

"Susubuan kita, kung ayaw mo bahala ka kumain ng mag isa" pananakot niya.

"Gusto" yun nalang ang nasabi ko sakanya baka iwan pa ako nito hindi na ako makakakain niyan.

Makalipas ang ilang sandali tapos na rin akong kumain at ang masasabi ko masarap naman yung pagkain at busog na busog ako. Parang nawala sa isip ko na nakidnap ako dahil sa pagkain.

Saktong pag kalabas nung lalaki ay siyang pag pasok naman ni Andrea na may hawak na papel, parang letter.

"Oh" binigay niya saakin yung letter pero hindi ko kinuha kasi naka tali yung mga kamay ko. Napansin niya ata kaya tinanggal niya yung tali. Hindi ata siya nababahala na baka ay tumakas ako pero alam ko namang sa sarili ko ay hindi ko kaya.

Inabot ko ang letter na binibigay niya saakin. Naka sulat sa papel ang buo kong pangalan, at ng buksan ko ito dito ko napag tantong galing kay hanz ang sulat.

Dear Liza,

Umalis kaman pagkatapos mong sabihin saaking mahal mo ako pero hindi mo hinintay ang sagot ko sa sinabi mo pero iniwan mo ako. Pakiramdam ko hinayaan ko lang na iwan ako ng taong pinakamamahal ko, hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko para lang makita kita araw-araw sa school. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng naging slave kita dahil kahit papaano mapalapit ako sayo.

Oo Liza mahal din kita pero hindi mo ako hinayaang mag salita at umalis ka nalang basta-basta, alam mo bang hintay kita sa school? Palagi akong nasa labas ng bahay niyo kung sakaling makita kita kaya lang nalaman ko nalang sa mga schoolmates natin na nagtransfer kana. Umasa ako Liza na pwede pang maging tayo, na may pag-asa pa ako sayo pero hindi eh. Kung nasaktan man kita sa hindi ko malamang kadahilanan sorry, pero sinaktan mo din ako mula ng iniwan mo ako.

Just The Way You Are (ON GOING)Where stories live. Discover now