×PROLOGUE×

12 4 0
                                    

"Prologue"
~C♪H♪A♪R♪M♪I♪E~

Nag gagala kami ng mga kaibigan ko sa bundok ng may napansin kaming malaking bahay. Kinalabit ko si Rio na abalang abala sa pag seselfie. Tumingin naman sya sakin,tinuro ko naman yung nakita kong malaking bahay.

"Nakikita mo ba iyon?" tanong ko habang nakaturo.

"Wow? Ang ganda!" namamanghang sabi nya.

"Puntahan natin!" singit na sabi ni Gaile. Hindi ko alam na nakatingin din sya.

"Tara!" aya ni Rio.

"Tara guys! Puntahan natin yung malaki at magandang bahay na yon!" aya ni Gaile sa dalawa pa naming kasama.

"Let's go!" sigaw nila.

Nang makarating kami sa harap ng bahay ay may napansin kaming box. Lumapit ako roon. Nakita kong may laman itong papel at may nakasulat.

Magic Shop :
° Masaya dito! Kaya kung ako sayo pumasok ka na! Do you want to explore? Come in! Join us!
° Lahat ng kaylangan mo ay nandito!
° Isama mo na pati ang pamilya mo! Sisiguraduhin kong mag eenjoy kayo dito!
° Bibigyan namin kayo ng Magic!
° Pahahabain namin ang buhay nyo!
° Hindi mo na kakaylanganing mag trabaho sa loob nito!
° Maganda dito! Kaya pasok na!
° And don't worry! It's ALL free!

-×MagicShop×

"Guys! Basahin nyo to!" sabi ko sa mga kasama ko. Lumapit sila sakin chaka binasa ang papel.

"Wow! Tara pumasok na tayo!" excited na sabi ni Rio.

"Woy! Baka hindi na tayo makabalik! Tara na nga at umuwi na tayo!" sabi ni LJ.

"Kahit kelan talaga LJ,KJ ka!" inis na sabi ni Gaile.

"Tch! Bahala kayo! Basta ako dito lang ako sa labas at never na papasok jan!" sabi ni LJ.

"Oo nga! Baka hindi na tayo makalabas jan!" sabi ni Josh.

"Ano? Nababakla ka na ba Josh?" sabi ni Gaile.

"Tch! Tigilan mo ko Gaile!" singhal ni Josh.

"Ano ba!? Mag babangayan na lang ba kayo!? Tara na! Pumasok na tayo!" sabi ni Rio.

Napilitan naman kaming pumasok lahat. Nag doorbell kami,maya maya ay kusang bumukas ang pinto. Ang ganda ganda ng bahay na ito! Iba ibang kulay ang lahat.

Habang papasok kami may napansin kaming parang may counter sa gilid, kaya lumapit kami roon. May tao ding nakabantay doon. Nakasoot ito ng...ewan! Rainbow ang kulay ng damit at pantalon nya. Parang uniform ata nila ito?

"Makulay na araw! Mam and sir! Eto ang papel,paki pirmahan na lang!" masayang sambit nya.

"Uy! Ano?" bulong samin ni Gaile.

"Tara na,pirmahan na natin. Nandito na tayo e" sabi ni Rio.

Pinirmahan na namin yung papel nang hindi man lang binabasa ang laman.

"Yatamam! Eto! Sootin nyo ito! Nandon ang CR" masayang sambit uli nung babae sabay abot ng tig-i-tig-isang box samin.

"S-salamat po" nahihiyang sabi ni Rio.

"No! Hindi salamat! Kapag may ginawang mabuti sainyo ang iba dito,ang sasabihin nyo ay yatamam" suway nito.

"Yatamam" sabi ni Rio.

"Sige na. Sootin nyo na iyan tapos ibibigay ko ang susi ng inyong kwarto" sabi uli nito.

"Yatamam" sabi namin.

Nag tungo kami sa mga cubicle. Nang makapag palit kami ay nag tungo uli kami sa counter kanina.

"Gusto nyo bang mag tig-i-tig-isang kwarto? O mag sasama sama kayo?" tanong nung babaeng nag babantay.

"Baka delikado kung mag hihiwalay pa tayo?" sabi ni Josh.

"Oo,tama. Mag sama sama na lang tayo" sabi ni Gaile.

"Sama sama na lang po" sabi ko.

"Ok,this is your key" sabi nya.

"Yatamam" sabi namin.

"It's ok,enjoy your stay" sabi nung babae.

Hindi na kami sumagot at nag lakad na lang papasok. Nang makarating kami sa kwarto namin ay pumasok na kami. Ang ganda ganda talaga! Iba iba ang mga kulay. Mukang masaya nga talaga!

×××

Author's Note:
Please vote guys! Kamsahamnida! Saranghaeyo! (^^)

Magic ShopWhere stories live. Discover now