×Magic Shop 2×

7 3 0
                                    

Rio's Point of View
Nang makarating kami sa kwarto ay ibinaba namin sa sari-sariling side table ang kanya-kanyang pagkain. Binuksan namin ang maliit na TV na meron kami sa kwarto at nanood. Habang nanonood ay napaisip ako,napapansin kong simula nung pumunta kami dito sa Magic Shop ay laging lutang si Yizhee.

Laging may iniisip,laging wala sa sarili. Anong nangyayari sa babaeng yon?

“Guys? Napapansin nyo ba si Yizhee?” tanong ko.

“Anong napapansin?” takang tanong ni Josh.

“Napapansin,para kasing lagi syang lutang?” patanong na sabi ko.

“Ah yeah! Napapansin ko!” sigaw ni Gaile.

“Wag ka ngang maingay Gaile!” saway ni Josh.

“Oh! Tama na nga! Manood na lang tayo!” awat ko.

“Woy! Manonood lang! Walang tayo!” sigaw uli ni Gaile.

Hindi ko na lang pinansin. Tch! Baliw!

Yizhee's Point of view
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nung matandang babae at pumunta na sa kwarto. Pag bukas ko ng pinto ay nanonood ng TV sila Gaile. Naupo lang ako sa kama ko,habang sila nasa kani-kanilang kama.

“Guys? Alam nyo ba kung sinong may ari ng bahay na to? O kung tindahan man to? What I mean is bakit lagi na lang mga cook at counter girl ang tao? Nasan yung owner?” mahabang tanong ni Rio.

“Oo nga no? Baka naman busy lang?” patanong na sagot ni Gaile.

“Busy? Busy saan?” takang tanong ni Josh.

“Ewan! Bat ako tinatanong mo? Ano ko? Hanapan ng nawawalang busy'ng tao?” sarkastikong sabi ni Gaile.

“Tch! Tigilan nyo na nga yan! Nabibingaw na ko sa bunganga nyong dalawa!” saway ko.

“Oo nga? Bakit lagi kayong nag aaway? Bagay naman kayo ah?” sabi ni LJ.

“WHAT?” gulat na sigaw ni Gaile at Josh.

“Tss. Ganyan talaga sa una,kunyari aso't pusa pero mag kakaron ng spark” sabi ko.

“Spark? Ano ko? Kuryente?” tanong ni Gaile.

“Tch! Manahimik ka na nga Gaile! Apaka ingay mo!” saway ni Josh.

Tumahimik naman ang lahat. Pinag patuloy lang namin ang panonoodin ng TV,nang biglang may narinig akong umiiyak sa labas kaya pinakinggan kong mabuti.

“Queen! Maawa ka naman samin! Wag mo kaming patayin! Yung pamilya namin iniintay pa kami! Nag mamakaawa ako Queen!” umiiyak na sabi ng isang babae.

“Manahimik ka! Mag tigil ka! Isarado mo ang bibig mo kundi tatahiin ko yan!” rinig kong sigaw nung Queen kuno.

Narinig kong medyo lumalayo layo na sila. Naririnig kong parang hinahatak yung babaeng nag mamakaawa mula sa lapag. Nang makaalis ang mga yabag ng paa nila ay hinarap ko ang mga kaibigan kong abal sa TV.

“Wala ba kayong narinig?” tanong ko.

“Nothing” inusenteng sagot ni Rio at Gaile.

Nanatiling nakatingin lang sakin si LJ at Josh. Parang alam nila yung sinasabi ko. May idea kaya sila?

“Josh? LJ?” tanong ko.

“M-meron! M-meron akong narinig!” natatakot na sigaw ni LJ.

“Ako din!” sabi ni Josh.

“Woah? So OP kami dito ni Rio?” tanong ni Gaile.

“I'm serious Gaile!” sigaw ko.

“Me too naman ah!” sigaw din nya.

Kinwento namin kila Gaile at Rio ang narinig namin. Habang nag kekwentuhan sila ay may napansin akong nag lagay ng papel sa ilalim ng pinto. Nilusot ito doon. Kaya lumapit ako at kinuha iyon. Binasa ko ang laman nito.

Magic Shop Gangs:
Black God Warriors Gang - sila ang mga taong naka suot ng kulay itim,lahat ng suot nila ay itim. Pumapatay sila gamit ang kutsilyo. Lumalabas sila tuwing 1am. At natatapos ang pag patay nila pag patak ng 3am.
Bloody Gang - sila ang gang na nakakulay pula,lahat ng suot nila ay kulay pula. Pumapatay sila gamit ang kamay,kaya ka nilang pasukahin ng dugo gamit ang kanilang kamay. Lumalabas sila sa tuwing 3am. At natatapos ito ng 5am.

Sila ang dalawang Gang na nabuo dito sa loob. Maari kayong gumawa ng sariling Gang ninyo kung ayaw nyong mamatay. Dahil kapag hindi kayo kasali sa isang grupo ay papatayin kayo. At kung may grupo naman ay mananatiling buhay,ngunit hindi parin makakalabas.

Welcome to the hell! Mayroon na lamang kayong dalawang buwan para mabuhay! Yatamam!

-×MagicShop×

Sh*t! What the heck! Ano nanaman tong pinasok namin!? Hindi makalalabas? Mangiyak ngiyak ako sa binasa ko. Panong hindi makalalabas? Totoo ba yung sinabi nung matanda? Hindi na nga ba kami makalalabas?

×××

Author's Note:
Please vote! Kamsahamnida! Saranghaeyo! ^_^

Magic ShopWhere stories live. Discover now