×Magic Shop 5×

4 3 0
                                    

K ♪ I ♪ N ♪ A ♪ B ♪ U ♪ K ♪ A ♪ S ♪ A ♪ N

Rio's Point of view
Maaga akong gumising. Ginising ko na din sila Gaile. Kaylangan kong maitanong kung sasali nga kami sa Gang! Para hanggat maaari maligtas agad kami! Ayoko pang mamatay no! Sino ba naman gustong mamatay di ba? Yung mga depressed lang yon at hindi ako.

Madami pa kong ambisyon sa buhay ko. Mag tatapos pa ko nang pag aaral,mag lilibot ng iba't ibang bansa,at higit sa lahat mag hahanap--no! Hindi mag hahanap! Mag iintay! Oo! Mag iintay ako ng tamang oras para sa kalove team ko! Hihi.

“Y-yizhee? Sasali ba tayo sa Gang? Kaya ba nating pumatay?” tanong ko.

“H-hindi ko alam” natatakot nyang sagot.

“Pwede ba nating kausapin ang Master nila? Paki usapan nating sasali tayo pero hindi tayo papatay,baka naman pumayag sya?” sabi ni Josh.

“Parang pwede!” sigaw ni Gaile.

“Don't shout!” saway ni Josh.

“Stop it guys! Pwede bang kahit ngayon lang wag kayong mag away? Kaylangan nating mag kaisa!” naiinis na sabi ni Yizhee.

“S-sorry” sabay na sabi ni Josh at Gaile.

“Siguro nga tama si Josh? Kausapin na lang natin ang Master nila. Kung hindi tayo payagan edi ok,kung pumayag naman edi mas ok!” sabi ni LJ.

“Sige,tara” sabi ni Yizhee.

Lumabas na kami ng kwarto. Itinuro ko sakanila ang kwartong napasukan ko nung dinakip ako. Kumatok muna kami bago pumasok. Maya maya ay nag bukas ito,isang lalaki ang bumungad samin,sya! Sya yung sumikmura at nang upper cut saken! Pero di ko na lang pinansin.

“Anong kaylangan nyo?” nakakatakot na tanong nung lalaki.

“A-ah s-si...A-Alfonzo?” natatakot kong tanong.

“Master may bisita ka” sabi nito.

Pinatuloy naman nila kami. Sinenyasan ni Alfonzo yung mga lalaki na lumabas at sumunod naman ito.

“Rio Lyn Anderson,right” tanong ni Alfonzo.

“Y-yeah” natatakot kong sagot.

Naupo kami sa uouan sa harap ng lamesa nya at chaka kami nag usap usap.

“M-maaari bang sumali kami sa Gang ninyo na hindi kaylangang pumatay? H-hindi kasi n-namin kaya e...pakiusap l-lang A-Alfonzo” natatakot kong sabi.

“I don't know...sa tingin ko ay magiging unfair sa mga kasali sa Gang...kasi dati hindi din nila kaya...pero nag sanay sila para lang maligtas...tiniis nilang pumatay para maligtas ang mga sarili nila...tapos...sasali kayo at hindi gagawin yon?” sabi ni Alfonzo.

“P-pakiusap Alfonzo” nag mamakaawa kong sabi.

“S-sorry but...I can't” sabi ni Alfonzo.

“A-ano bang kaylangan naming gawin? Papatay ng mga taong inusente?” tanong ni Yizhee.

“Yeah! Kaylangan natin silang patayin...kinukuha ni Queen ang dugo nila” sagot ni Alfonzo.

“Dugo? Anong gagawin ng Queen sa dugo?” tanong ni LJ.

“Hindi namin alam...at hindi namin tinangkang alamin...dahil tanging ang nag iisang counter girl lamang ang nakapapasok sa kwarto o opisina nito” sabi ni Alfonzo.

“Wait! Itatanong na namin sayo ang mga tanong sa utak namin ah!? Ang sakit na kasi sa ulo e,from the name of this house Magic Shop may Magic? Akala ko ba ay may magic?” tanong ni Yizhee.

“Yeah! May sari-sarili kaming Magic” sagot ni Alfonzo.

“And what's yours?” tanong ni LJ.

“Mine? Pwedeng mag invisible...pwedeng makapag pagalaw ng gamit kahit malayo...at fire” sagot ni Alfonzo.

“That was lit!” namamanghang bulalas ni Josh.

“Magic!? Kami!? Pano kami!? Hindi ba kami mag kakaroon!?” tanong ni LJ.

“I don't know...si Queen...si Queen ang nag bibigay nito..and! Don't forget! Ang magic na ito ay tanging gagana sa kapwa kasama dito but! Hindi kasali si Queen! Hindi mo magagamit laban kay Queen ang magic na ito” paliwanag ni Alfonzo.

Syempre sya ang pumapatay. Baka eka gamitin natin o namin ito laban sakanya! Mautak! Magaling! Magaling! Magaling!

×××

Author's Note:
Short update! Please vote! Kamsahamnida! Saranghaeyo! ^,^

Magic Shopحيث تعيش القصص. اكتشف الآن