×Magic Shop 1×

6 3 2
                                    

K ♪ I ♪ N ♪ A ♪ B ♪ U ♪ K ♪ A ♪ S ♪ A ♪ N

Yizhee's Point of View
Nang magising ako ay tulog na tulog pa ang mga kaibigan ko. Tumayo ako para lumabas at mag tungo sa CR nang may marinig akong nag uusap mula sa labas. Lumapit ako sa pinto at idinikit ang tainga don.

"May mga bago nanaman po tayong bihag Queen" boses ng isang babae. Boses ito nung nasa counter kahapon.

"Mabuti,ilan sila?" boses ng isa pang babae.

"Lima po sila" sagot nung counter girl.

"Mabuti! Maganda! Nasan na sila?" natutuwang sabi nung Queen kuno.

"Ito po ang room nila,ngunit mukang nahimbing pa sila sa pag tulog" sabi nung counter girl.

"Osige! Hayaan muna natin sila! Meron silang dalawang buwan para mabuhay!" natutuwang sabi nung Queen kuno.

At unti unti na silang lumayo. Totoo ba yung mga narinig ko? 2 buwan para mabuhay? Bakit? Mamamatay ba kami dito? Like,what the hell! Mukang hell nga itong napuntahan namin!

"King ina!" sigaw ko nang gulatin ako ni Josh mula sa likod.

"HAHAHA,ano ba kasing ginagawa mo diyan?" natatawang tanong nya.

"Leche ka naman e no?! Bwiset! Muntik na kong atakihin sa puso! King ina ka!" inis na sabi ko.

"HAHAHA,ano ngang ginagawa mo diyan?" nanatawa muling tanong nya.

"Tigilan mo ko Josh! Leche ka! Peste! Hmmmp!" inis na sigaw ko.

"Woy! Ang iingay nyo!" sigaw ni Rio.

"Gumising na kasi kayo!" sigaw ko.

Tumayo naman sila. Sasabihin ko ba ang mga narinig ko? O baka naman guni guni ko lamang ang mga iyon? Oo! Tama! Baka nga,kasi kakagising ko lang nung time na yun e! Oo! Tama! Guni guni lang yun!

"Woy Zhee! Kinakausap kita!" sigaw sakin ni Rio.

"Huh? A-ah s-sorry,may iniisip lang" sabi ko nang bumalik sa reyalidad.

"Tss. Ano nanaman?" inis na tanong nya.

"Wala! Ano ba ang sinasabi mo?" sabi ko.

"Tch! Nevermind!" sabi nya.

"Saan ba ang kainan dito? Nagugutom na ko!" sabi ni Gaile.

"Tara sa labas!" aya ko.

Sumunod naman sila sakin sa pag labas. Nag tungo kami sa counter kuno at hinanap ang babaeng nandito kahapon.

"Hello! Hello guys! Kamusta ang tulog?" sabi nung counter girl,nang bigla syang sumulpot na parang fairy. Ngunit kulay itim ang usok imbis na makulay.

"A-ah nasan po ang mga pagkain?" tanong ni Gaile.

"Pagkain! Ah! Nandon! Dun!" turo nya sa isang kwarto.

"Ah sige,yatamam" sabi ni Rio.

Tumango lang ang babae. Ngayon ko lang napansin na may name plate pala sa dib dib nya. At ang nakasulat ay...

Racey
×Counter Girl×

Racey! Racey ang ngalan nya! Pero bakit laging may ekis na kulay pula? Mula sa sulat kahapon sa labas ay mayroon din,tapos pati ito. Anong meron sa pulang ekis? Tch! Napaparanoid lang siguro ko dahil sa narinig ko kanina!

Pumasok na kami sa kwartong itinuro nya at bumungad naman samin ang long table. May ibang tao bukod saamin,kumakain din sila. Medyo madami dami,pero hindi masikip dahil maluwag ang lugar. Kaya siguro madami ay dahil sa libre nga ang pag punta dito.

Hindi na lang namin pinansin ang mga tao ron at kumuha na lang ng makakain. May nakita kaming malaking ref kaya nag tungo kami don. Kumuha kami ng maraming pagkain. Para hindi na kami mag balik balik.

"Dalin nyo na yan sa kwarto,iihi lang ako" sabi ko sa mga kaibigan ko.

Tumango lang sila at umalis na. Nang makalabas ako ng kwartong iyon ay napaigtad ako ng may humawak sa braso ko. Pag tingin ko ay matandang babae.

"Iha,bakit kayo nag tungo rito?" tanong nito.

"A-ah eh Manang--" naputol ang sasabihin ko.

"Hindi dapat kayo nag tungo dito,lahat ng nag punta dito ay hindi na nakauwi. Tingnan mo ako,dalaga ako nang mapunta ako dito pero matanda na ko ngayon at hanggang ngayon ay nandito parin ako,mali iha. Maling mali" sabi nito saka umalis.

Natulala ako sa mga sinabi nya at pilit na inintindi. Hindi nakalabas? Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na kami makakalabas?

×××

Author's Note:
Please vote! Kamsahamnida! Saranghaeyo! ^_^

Magic ShopWhere stories live. Discover now