°_Chapter 18_°

9.2K 184 20
                                    

Author's note: Sorry matagal ang update. And pagpasensiyahan in advance kong may maraming wrong grammar at typo.

Vote kung nagustuhan ang chapter, comment kung ano ang naging reaksyon niyo. Enjoy!

°_Chapter 18_°

.

Rebecca's Point of View:

.

Nakaparada na ang sasakyan dito sa labas ng mansion ng nag-iisa kong fiancè.

.

Lintek! Bumubuhos na naman ang mga luha ko sa mata ko. Hindi ko na gustong bumalik dito. Para na akong tinapon ng mga magulang ko sa impyerno. He's waiting for me? Ano daw? Yun? Maghihintay sa akin? Imposible.

.

"Salamat po sa paghatid manong Edgar." pasasalamat ko sa driver na humatid sa akin dito.

.

"Walang anuman maam. Sana po maging maayos na kayo." sabi niya nung bumaba na ako. Tanging isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa aking labi.

.

I am walking towards his mansion when I saw Sir Ace standing infront of me. How come?

.

"If your curious why I am infront of you, kanina pa akong andito sa labas ng mansion. Medyo mukha ka lang tangang naglalakad kaya hindi mo napansin na andito lang ako." sabi niya sa akin. Watdapak!

.

Wala paring pinagbago ang halimaw na ito. Masungit parin. Sinabihan pa akong mukhang tangang naglalakad. Sapakin ko kaya siya ng masira yang pagmumukha niya. Tch!

.

"Hindi kaya ako mukhang tanga. Mukha akong tao, bwisit! Ikaw nga tung mukhang halimaw na kulang nalang pinaglihi na sa tae ng baboy yang pagmumukha mo." pagtataray ko sa kanya. Hindi na ata mawawala ang pagiging mataray ko sa kanya.

.

"Pinagsasabi mong mukhang tae ng baboy ang mukha ko? Kulang na nga lang, amuyin na ng mga babae tong tae ko sa kahuhumaling sa akin. Baka ikaw ang mukhang baboy. Para kang nakakain ng feeds dahil diyan sa mukha mo." Ugh! Kailan ba niya ako tatantanan sa mga pambibwisit niya sa akin? Kasi parang kahit bilangin ko pa lahat ng buhok ko ay hindi parin magbabago ang ugali niya.

.

"Huwag mo nga akong ginaganyan." inis kong sabi.

.

"Anong ganyan?"

.

"Wag na wag mo muna akong binibwisit. Heartbroken ako, okay? Kung gusto mo, makiramay ka nalang sa akin."

.

"Heartbroken? Pwede mo naman akong masandalan." seryoso niyang sabi.

.

Parang napasukan ng kung ano ang ispirito ng halimaw na ito at biglang bumait. Ughh! Ayaw ko mang aminin pero it sounds so sweet kapag siya ang may sabi niyan.

.

Unti-unti ng namumuo ang luha sa mata ko ng bigla siyang magsalita.

.

"O---oops! Bawal,umiyak! Kumain ka muna sa loob. Pinaghanda kita. Tinawagan ako ni Tita kanina na paparating ka. Magkwento ka sa akin kapag tapos ka ng kumain. May pupuntahan lang ako saglit." at tuluyan na siyang umalis. Hindi man lang niya ako hinintay na sumagot. Tch. How rude of him.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now