°_Chapter 25_°

7.8K 174 10
                                    

[Vote kung nagustuhan, comment kung ano ang naging reaksyon. Enjoy!]

Isang pangit na update po ito. :3

°_Chapter 25_°

.

Ace's Point of View:

.

"Bakit mo naman sinabi yun?!" inis kong tanong sa babaeng katabi ko ngayon. Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon pero hindi ko maiwasang mainis sa sinabi Nathalie kay Rebecca.

.

"Eh hindi ko kilala yung babaeng yun  noh. Sino ba yun huh? Hindi mo nga  pinakilala sa akin." napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. I forgot to introduce her. Damn!

.

"She's Rebecca Mendoza. My fiancè." sabi ko. Narinig ko ang pagsinghap niya.

.

"Ano 'to?! Dalawa ang fiancè mo?! Ano ka, dual sim?" ito ang dahilan kong bakit ayaw kong pumupunta siya rito sa Pilipinas eh. Ang ingay ingay.

.

Siya si Nathalie Milliam. Ang nag-aalaga kay Mommy sa Korea. Adopted siya ni Mommy pero hindi kailan man pinabago niya ang apelyido niya. Mayaman yan. Pero wala ng nag-aalaga sa kanya. Her parents died 5 years ago.

.

"Arranged marriage lang ang sa amin ni Rebecca ." kilala ni Nath ang isa ko pang fiancè. Siya ang saksi sa pagpoprose ko nun.

.

"Tss. Bakit 'di mo sinabi samin ni Tita ang tungkol diyan hah. Nakakatampo ka!" sabi niya at tumingin sa ibang direksyon.

.

"Sasabihin ko naman sa inyo. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin ko sa kanya."

.

Nakarating kami sa mansion namin. Agad siyang bumaba sa sasakyan at kinuha ang dalawang maleta niya.

.

"Tito!" sigaw niya ng makita niya si Papa sa labas ng mansion. She hugged him and my Dad responded.

.

"You surprised me Iha. Hindi mo man lang kami tinawagan na pupunta ka rito edi sana ay nakapagpahanda ako ng welcome party." sabi ni Papa. Mahal talaga yang si Nathalie ng pamilya ko. Parang prinsesa na yan sa pamilya namin.

.

"No need na Tito. Ikaw tito hah, may hindi ka sinasabi sakin. " ayan na naman siya. Hindi na makapaghintay na makapasok sa loob.

.

"Pumasok muna tayo at dun na mag-usap." seryoso kong sabi at ako na ang naunang pumasok sa loob.

.

Sumunod naman sila at tinawag nila ang ibang katulong para ilagay ang mga maleta ni Nathalie sa kwarto niya rito sa mansyon.

.

"Bakit hindi niyo po sinabi sa amin ni Tita na na-arrange marriage si Ace?" mas matanda ako kay Nathalie ng anim taon pero hindi man lang marunong rumespeto kahit pagtawag lang ng kuya sa akin ay hindi magawa.

.

Tinignan ko si Papa at nakita ko ang pagkagulat niya. Tinignan niya ako na parang tinatanong kung bakit alam na ni Nathalie.

.

"Kasama ko si Rebecca patungong airport. May susunduin rin daw kasi siya kaya lang nagkita sila ni Nathalie." eksplinasyon ko.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now