°_Chapter 24_°

7.5K 173 20
                                    

[Vote kung nagustuhan, comment kung ano ang naging reaksyon. Enjoy!]

Merry Christmas everyone :)

.

°_Chapter 24_°

.

Rebecca's Point of View:

.

Magdadalawang linggo na ang nakalipas. Nailibing na ang katawan ni Leo. Hindi pa rin mahanap ang katawan ni Eunice.

.

Hindi yun naging madali para sa akin. Lalo na yung nangyari kay Eunice. Kahit na may hindi magandang nangyari sa amin ay mahal ko parin yun. Parang kapatid ko na yun eh.

.

Si Jane, halos ayaw ng pumasok dahil sa sinapit ni Eunice. Isang linggo din akong hindi makapagconcentrate. Isang linggo na akong umiiyak. Pero hindi naman sa punto na humahagolgol ako. Baka atakihin na naman ako ng asthma.

.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa locker room kasama si Jane.

.

Kukuha kami ng swim wear. Eh may swimming lesson kami ngayon. Pagbukas ko ng locker ko ay may nakita akong chocolates, flowers and letter?!

.

"Jane. Halika nga rito." utos ko kay Jane at pumunta naman rin siya agad.

.

"Oh my God! May nanliligaw na naman sayo Becca. Kyahh! Ang haba talaga ng hair mo." kinikilig sa sabi ni Jane. Halos mabingi pa ako sa kakatili niya. Kinuha ko lamang ang letter at binasa.

.

To my dearest crush,
    
     Ngayon lang ako nakapagbigay sayo nito kasi akala ko wala na akong karapatan na ligawan ka dahil may boyfriend ka noon. Pero ngayong wala na, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataong ipaalam sayo ang totoo kung nararamdaman. Mahal kita noon pa. Sana magustuhan mo ang binigay ko. I love you.

From your admirer.

.

Seriously? Uso pa pala ang admirer. Teka lang! Parang killer tong admirer ko ah! Baka siya ang pumatay kay Leo?! Pero imposible, isang aksidente ang nangyari, hindi sadya.

.

"Alam mo, kung sisimangot kalang ibigay mo nalang yan sa akin." kukunin na sana ni Jane kaso binawi ko rin agad.

.

"Ano ka ba. Improvement to noh. May iba pa palang nagkagusto sa akin kahit na medyo bobo ako." nakangiti kong saad. Binatukan naman ako ni Jane kaya napasimangot na naman ako.

.

"Ikaw huh, kakamatay lang ng ex mo tapos may fiancè ka pa. Papatulan mo pa yan. Aba matindi ka Becca. Pwede ka naman atang magshare." biro ni Jane. Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa kasunduang kasal. Akala ko pa naman mashoshock siya  kasi teacher namin ang fiancè ko pero kinilig lang siya. Eh pano daw eh ang swerte ko kasi gwapo ang fiancè ko.

.

"Manahimik ka nga dyan. Baka may makarinig sayo diyan. Mapatay pa ako ni Sir pagnalaman niyang may iba pang nakakaalam." pagkatapos naming magbangayan ay nagbihis na kami at pumunta sa swimming lesson namin. Medyo marunong na rin naman ako magswimming.

.

"Everyone, choose a partner na pwedeng i-check kung nakuha niyo na ang tinuro kong mga swimming techniques. Gusto ko babae at lalaki." napasimangot naman ako sa sinabi ng teacher naming babae. Si Jane na sana ang ipapares ko kaso kailangan babae at lalaki. Ang hirap pa namang maghanap.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now