Chapter 06

113 4 0
                                    

Chapter 06

Sophia Point of View

Habang kumakain kami, pansin kong pa-simpleng nagpapalinga-linga si Steve kaya tinanong ko ito.

"Love bat kanina kapa palinga-linga?"

"W-wala love, feeling ko lang kasi may nakamasid satin."

"Ano kaba? syempre sikat tayo kaya maraming titingin satin tsaka you know. Kayo ang may-ari ng school na'to."

"Heheheh, oo nga noh."

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Maya't-maya natapos nadin akong kumain at ganun din si Steve kaya naman ay niyaya ko muna sya sa garden.

Maya-maya pa naman kasi ang simula ng class namin. Naupo kami sa damo at sumandal sya sa puno, sumandal naman ako sa balikat nya.

Hinawakan nya yung kamay ko. "I love you."

"I love you too."

"Nga pala love, mamaya sama ka sakin sa mansion. Sabi kasi sakin ni manang gusto ka daw nya makita."

"Cge, tas movie marathon narin tayo."

"Oo naman, pero bago yun, kakain muna tayo ng luto ni manang."

*KRING!!*

"Tara na."

Tumayo sya at inalalayan nya naman ako tumayo. "Hatid na kita."

Tumango lang ako, magka-holding hands kaming naglakad patungo sa classroom ko.

Nang makarating ako, binitawan nya narin ang kamay ko. "Love sunduin kita mamaya dito ah, i love you."

Hinalikan ako nito sa noo. "I love you too, Steve."

Naglakad na ito paalis. Hinintay ko munang mawala ito sa paningin ko bago ako pumasok loob nang classroom.

Naabutan ko si Nami na nagbabasa ng libro. Tsk! Addict talaga si Nami sa wattpad books.

Umupo ako sa tabi nito. Maya't-maya biglang tumili ang mga babaeng kaklase ko kaya naman napatingin ako sa pinto.

Nakita kong papalapit sakin ang isang babae at may hawak itong boquet flower.

"Hi."

Umupo ito sa tabi ko. "Hello."

"Para pala sayo."

Tinuro ko ang sarili ko. "Para sakin?"

"Oo."

Nung una nagda-dalawang isip pa kong kunin, pero kalaunan ay kinuha ko narin.

"S-salamat."

Biglang pumasok yung professor namin kaya naman nagpaalam na si Violet na lalabas na.

Tahimik lang akong nakikinig sa professor kong nagtuturo sa harap. Habang nakikinig ako ay hawak ko yung flower na binigay sakin ni Violet.





Steve Point of View

Nang maihatid ko si Sophia sa kanyang classroom, agad akong naglakad patungo sa garden.

Habang naglalakad ako, nakikita ko yung anino nang taong sumusunod sakin.

Nang makarating ako sa garden, huminto ako sa harap ng puno at biglang binato ang shuriken sa kinaroroonan nung taong sumusunod sakin.

"A-aray!"

Agad kong hinablot yung lalaki at dinala ko sa lugar kung saan ko pinatay si Lim at JC.

Sinandal ko ito sa pader at hinawakan ko ito ng madiin sa leeg. "Anong kailangan mo sakin?"

"N-napag-utusan . . . . l-lang a-ako."

"Sinong nag-utos sayo?!"

"H-hindi . . . . k-ko . . s-sasabihin."

"Ah ganun huh?!"

Kinuha ko sa bulsa ko yung isang shuriken at sinaksak aa noo nito. Napangisi nalang ako. Tsk! Inayos ko muna ang katawan nito bago naglakad papunta sa classroom ko.

Papasok na sana ako sa classroom pero biglang humarang ang isang lalaki sa harap ko.

"Ikaw si Steve Montero diba?"

"Oo, bakit?"

"Girlfriend mo si Sophia diba?"

"Oo."

"May nabalitaan ako tungkol sa girlfriend mo."

Hinawakan ko ito sa kwelyo. "Ano yun?"

Kita ko sa mata nito ang takot. "N-nakita k-kong b-binigyan s-sya k-kanina n-ni V-violet n-ng b-boquet f-flower."

Pabalang kong binitawan ang kwelyo nito. Arghhh! Nakaka-badtrip! Padabog akong pumasok ng classroom kaya naman napatingin sakin yung professor na nagtuturo.

"What?!"

Mukha naman natakot ito. "W-wala po."

Umupo ako sa pinaka-likod at nakakunot ang aking noo habang nakatingin sa professor na nagtuturo.





Sophia Point of View

"Nami una na ko ah."

Ngumiti lang ito at pinagpatuloy na ang pag-aayos sa bag nya. Lumabas na ko nang classroom at hawak ko parin yung boquet flower na binigay sakin ni Violet.

Naglakad na ko patungo sa parking lot, nag text kasi sakin kanina si Steve na sa parking lot nalang daw kami magkita.

Pag dating ko dun, nakita ko si Steve na may kausap na babae kaya naman automatic na tumaas ang kilay ko.

Nagcross arms ako at naglakad patungo sa dalawa. Huminto ako sa gilid nila pero mukhang hindi nila ako napansin, dahil mukhang sarap na sarap sila sa kwentuhan nilang dalawa.

"Ehem!"

Napatingin sakin silang dalawa. Nakangiti silang dalawa nung lumingon sila sakin. Pero nung makita ni Steve na may hawak akong flower, parang biglang sumama yung mood nya.

Ang sama ng tingin nya. Sobra, pero hindi sakin. Kundi sa flower na hawak ko. Pero wala akong pake.

"Nakakaistorbo ba ko sa inyo?" Taas kilay kong tanong.

"Hi, Sophia right?" Bat kilala ako nang babaeng 'toh?

"Yeah." Tipid kong sagot.

"Hi, i'm Maricar Montero. Pinsan ni Steve." Pakilala nito at nilahad pa ang kamay.

Automatic naman na bumaba ang kilay ko. Bigla akong nahiya kaya naman hindi ko agad nakamayan ito.

"Nice to meet you." Sabi ko at nakipag-shake hands sa kanya.

"Nice to meet you too, and see you again. Madami pa kasi akong meeting eh, bye." Sabi nito at agad sumakay sa isang kotse at pinaandar ng mabilis.

Tumingin naman ako kay Steve. "Bat masama ang tingin mo sa flowers?"

Hindi ito sumagot, bagkus binuksan nito ang pinto ng shotgun seat. Sumakay nalang ako at sinara nya na.

Sumakay din sya sa driver seat at tahimik na pinaandar ang kotse. Mukhang bad mood sya ah. Makapag-music na nga lang.



♥End of Chapter 6♥



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon