Chapter 07

107 1 0
                                    

Chapter 07

Steve Point of View

Shit! Hindi ba titigil si Violet?! Kailangan ko paba syang patayin para tigilan nya lang ang girlfriend ko?

Dahil sa frustation, bigla ko nalang nahampas ang manibela ng kotse. "Hey! What are you doing?"

"Nothing."

Maya't-maya muli itong nagsalita. "Uhmm . . . Steve nagseselos kaba?"

Automatic na humarap ang mukha ko kay Sophia. "May dapat bang ikaselos?"

"Wala . . . . per--"

"Wala naman pala eh."

Nag-green light na kaya pinaandar ko na ang kotse. Hindi na ito muling nagsalita, hanggang sa nakarating kami sa tapat ng mansion.

Pagkababa ko nang kotse, agad akong umikot para pagbuksan si Sophia.

Nang makalabas ito, sinara ko na yung pinto ng kotse at binigay yung susi dun sa guard namin.

Pagkaharap ko kay Sophia, nabigla ako ng makita kong tinapon nya sa trush can yung flower na bigay ni Violet.

"Hey! Bat mo tinapon?" Nagtataka kong tanong.

"Hindi ko naman kailangan yun." Sabi nya at nauna na pumasok sa loob. Sumunod naman ako, naabutan ko itong nagmamano kay Manang.

"Hi manang." Lumapit ako kay manang at binigyan ko ito ng halik sa pisngi.

Tumayo si Manang. "Buti naman nakarating kayo, nakahanda na ang dinner. Kumain na tayo."

"Mauna na kayo manang, susunod nalang ako. Magbibihis pa ko eh."

"Oh sya cge, bilisan mo ah. Hihintayin ka namin."

Ngumiti at tumango lang ako. Umakyat na ko at pumasok sa kwarto ko. Agad akong nagpunta ng closet at kumuha ako ng t-shirt at short ko.

Huhubarin ko na sana yung polo shirt ko kaso biglang bumukas ang pinto. "Sorry."

Tumingin ako sa nagbukas, nakita ko si Sophia na nasa pinto. Binutones ko yung polo ko ulit at lumapit kay Sophia.

"Bat andito ka love? May kailangan kaba?"

"W-wala."

"Umupo ka muna sa kama, magbibihis lang ako."

Pumasok na ko sa CR at nagbihis na. Nang matapos kong magbihis, agad akong lumabas at nadatnan ko si Sophia na iniikot ang paningin sa loob ng kwarto ko.

"Love tara na." Nilahad ko ang kamay ko.

Tinanggap nya yun at magka-holding hands kaming bumaba, dumeretso kami sa dining area.

Pinaghila ko muna sya ng upuan bago naupo sa tabi nya. "Let's eat."

Nagsimula na kaming kumain. "Kamusta kana hija? Ang tagal mong hindi bumisita rito ah."

"Medyo busy po kasi tsaka marami pong gawain sa school."

"Ahh Deans lister ka diba?"

"Opo."

"Ipagpatuloy mo lang yan hija, mag-aral ka ng mabuti para maging maganda ang future mo."

"Opo."

Habang kumakain ay tahimik lang ako, samantalang si manang at Sophia ay nagkwe-kwentuhan.






Sophia Point of View

Nang matapos kaming kumain, niyaya ako ni Steve umakyat sa kwarto nya kaya naman nasa kwarto nya kami ngayon.

"Anong gusto mong panoorin?" Tanong nya habang tumitingin ng CD.

"Kahit ano, basta love story." Nakangiti kong sabi.

"Okay." Sabi nya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Maya't-maya may ipinakita ito sakin na CD. "Cge yan nalang."

Tumango lang ito at sinaksak na yung CD sa DVD. Kinuha nito yung remote at tumabi na sakin. Sinandal ko naman yung ulo ko sa balikat nya at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"I love you." Malambing kong wika.

Tumingin ito sakin at ngumiti. "I love you too."

Hinalikan ako nito sa noo at muling tumingin sa TV. Nanood nalang din ako, habang nanonood ako, nilalaro ko yung kamay nya.






Steve Point of View

Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang makarinig akong munting hilik. Tumingin ako kay Sophia. Nakatulog na pala.

Dahan-dahan ko syang hiniga sa king size bed ko at kinumutan. Hinalikan ko ito sa noo at pinatay na ang DVD gamit ang remote.

Kinuha ko yung towel ko sa gilid at pumasok na sa loob ng CR para makapaghilamos.

Nang matapos ako, lumabas na ko ng CR at sumulyap muna ako kay Sophia bago lumabas ng kwarto.

Pumasok ako sa isang kwarto kung saan ang office ko. May office kasi ako dito sa bahay, nagsisimula na kasi akong tumulong sa business ng aking magulang.

Umupo ako sa swivel chair, kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang personal bodyguard ko.

"Hello Sr."

"Pumunta ka ngayon sa office ko." Pinindot ko na yung end call.

Maya't-maya may kumatok. "Come in!"

Pumasok ang personal bodyguard ko at nag bow ito sakin. Sinenyasan ko itong umupo sa harap ko.

"May ipapagawa po ba kayo?" Magalang nitong tanong.

"Meron." Nakangisi kong sagot.

"Ano po yun?" Tanong nito.

"Gusto kong itapon mo si Violet Lee sa lugar kung saan maraming hayop na delikado. Gusto ko malinis at dapat walang makaalam na iba kundi ikaw at ako lamang." Tumango ito.

"Wala na poba?" Nakangiti nitong tanong.

Umiling ako. "Makakalabas kana."

Nagbow muna ito sa harap ko bago lumabas. Chineck ko naman yung mga papers na nakalapag sa table ko.

Maya't-maya natapos ko nadin icheck lahat, kaya naman lumabas na ko nang office ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko.

Dahan-dahan akong nahiga sa tabi ni Sophia at nagkumot rin. Bago ako natulog, nag alarm muna ako. Niyakap ko si Sophia at pumikit na.

I love you Sophia De Leon.



♠End of Chapter 07♠



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter













My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Where stories live. Discover now