Chapter 24

62 2 0
                                    

Chapter 24

Sophia Point of View

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik ng bahagya sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat at sumalubong agad sakin ang gwapong mukha ni Steve.

"Baby were here."

Nag-unat muna ako bago bumaba ng kotse. Inalalayan ako nito bumaba dahil medyo antok pa ko.

Sabay na kaming pumasok sa loob ng elevator at pinindot nya ang floor ng condo unit ko.

*TING!*

Lumabas na kami at tinungo ang condo unit. Naabutan namin na nag-uusap yung dalawang butler na nagbabantay sa labas ng condo.

"Goodevening sr. Steve and ms. Sophia. Okay lang po ba kayo?" Magalang na tanong nung butler.

"Oo, papasok na kami at kayo dyan lang kayo. Magbantay kayo ng maigi." Sabi ni Steve at hinila na ko papasok sa loob.

Pinaupo ako nito agad sa couch at pumunta sa kusina. Binuksan ko naman ang TV gamit ang remote.

Maya't-maya bumalik na si Steve at may dala na itong baso na naglalaman ng juice.

"Uminom ka muna love." Sabi nito ay inabot sakin ang baso.

Kinuha ko naman yun at ininom. Nang matapos kong inumin, nilapag ko sa center table.

Umupo sa tabi ko si Steve at kinuha yung remote sakin sabay patay ng TV.

"Bat pinatay mo?" Gulat kong tanong.

Tumayo ito at itatayo sana ako pero bigla ko itong tinaasan ng kilay. "Matutulog na tayo, tsaka bawal magpuyat. Bawas ganda."

Sabi nito at binuhat ako pa-bridal style. Hindi na ko nag-apila pa dahil tama naman sya, at isa pa pagod na ko.

Hiniga nito ako dahan-dahan sa kama at madiing hinalikan ang noo ko. "Goodnight."

Huling sabi nito bago lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang kumot ko at natulog na.




Steve Point of View

Nagising ako ng mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa side table at sinagot agad.

"Hi kuya Steve!" Si Brix pala.

"Oh Brix, bat napatawag ka kay Kuya?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Kasi kuya Steve uuwi kami ngayon ng philippines ni mommy. Papasundo sana kami kay ate kaso baka tulog pa yun kaya sayo ko na sinabi." Sabi ni Brix.

"Ngayon naba ang uwi nyo? What time namin kayo susunduin? Tsaka bat hindi kasama si tito?" Sunod-sunod kong tanong.

"Easy kuya, isa-isa lang. Hindi makakasama samin si daddy kasi walang mag-aasikaso ng business, and nandito na kami ngayon sa airport pasakay ng plane. Tas sabi nung F.A bago mag lunch nasa philippines na daw kami." Mahabang sabi nito.

"Okay. Cge sabihin ko nalang sa ate mo." Sabi ko.

"Okay kuya, salamat." Sabi nito at pinatay na ang tawag.

Binalik ko sa side table ang cellphone ko at umupo then nag-unat unat. Tumayo na ko at pumasok sa CR para makapag-hilamos.

Nang matapos ako, lumabas na ko nang kwarto at kinatok ang kwarto ni Sophia.

Wala akong naririnig na responce kaya dahan-dahan akong pumasok sa kwarto nya.

Nakita ko itong mahimbing na natutulog habang nakayakap sa unan. Napangiti naman ako dahil yung unan na yakap nya ay yun yung yakap ko kagabi.

"Hmmm." Ungol nito ng bahagya kong tapikin ang mukha nya.

"Love wake up." Bulong ko sa tenga nya.

"Hmm . . . Five minutes." Sabi nito habang nakapikit.

Sumulyap ako sa oras ko. Haluh? Nine thirty na pala, tas pupunta pa kami ng airport.

"Love gumising kana, please." Sabi ko at hinawi ang buhok nyang hunaharang sa mukha nya.

"Five minutes." Antok nitong wika.

"Fine, basta five minutes ah. Pag gising mo maligo kana tas lumabas na dahil kakain na tayo ng breakfast."

Hinalikan ko sya sa noo bago lumabas ng kwarto nya. Dumeretso ako sa kitchen at nagsimula magluto.



~End of Chapter~



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Where stories live. Discover now