Ikalawang Kabanata

675 5 0
                                    

Love at first sight.


Iniisip pa rin ni Mikko ang babaeng nakita niya sa parking lot nung isang gabi. Napapangiti na lang siya sa tuwing maaalala ang magandang nitong mukha.

"Good Morning Mr. CEO!" pasigaw na bati ni Gilbert, Assistant at siya ring best friend ni Mikko.

Kaibigan na niya ito mula pa noong sila ay high school at hanggang ngayon na nagtatrabaho na sila.

"Grabe, Bro. Ang ganda pala ng office ni Sir William (Tatay ni Mikko) 'no? Ay siya nga pala, ito na yung hinihingi mong report ng mga shares ng stockholders natin. Ito na rin yung...." patuloy pa rin sa pagsasalita si Gilbert pero si Mikko ay nakatulala pa rin habang nakangiti na parang hindi napapansin ang dumating.

"HOY!" Sigaw nito na nagpagulat kay Mikko.

"H-ha? Ano? Bakit ba 'yon Gibo?!" Gulat na sabi nito.

"Kanina ka pa kaya tulala diyan! Saka teka, bakit ba ngiting-ngiti ka? Ano bang iniisip mo? Siguro naka-one night stand mo na yung-"

"Tumigil ka nga! Ano bang one night stand, one night stand pinagsasabi mo?! Bakit ka ba nandito?"

"Dala ko ho ko kasi itong hinihingi niyong report papers, SIR!" he said, emphasizing the word 'Sir'. "Porke CEO na, ganyan na." Bulong pa nito sa sarili.

"Oy tigil-tigilan mo nga 'yang kadramahan mo. May pa-one night, one night stand ka pa kasing nalalaman. Akin na nga yan." Sabi ni Mikko sabay kuha ng mga papel na hawak ni Gibo.

"Ano ba kasing iniisip mo, Bro?" Tanong ni Gibo.

"W-wala.. Wala yun."

"Ganyan e. Sabi daw walang taguan e 'no. Sige ganyan ka na, Bro."

"Kahit kailan napakadrama mo talaga, Gibo! Oh sige sige, sasabihin ko. Basta ipangako mo saking hindi mo ko pagtatawanan?" Paninigurado nito.

"Oo na, sige na. Ano ba kasi yon?" Pangungulit naman ni Gibo.

"T-tingin ko kasi.. N-nalove at first sight ako, Bro." seryosong sabi ni Mikko.

Imbis na sumagot ay isang hagalpak na tawa lamang ang itinugon ni Gibo sa seryosong-seryosong sinabi ni Mikko.

"Sabi mo di mo ko pagtatawanan?!" Inis na sabi nito.

"Bro naman kasi, hindi mo naman sinabing magjojoke ka pala. Kailan ka pa nanood ng mga teleserye ha?" Sabi ni Gibo sabay tawa.

"HINDI AKO NAGBIBIRO." Seryosong sagot ni Mikko.

"Okay, okay. Hindi na." Sabi nito na itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko at halatang nagpipigil pa ng tawa. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo at naisip mong na-love at first sight ka?" sabi pa nito habang impit pa rin ang pagtawa.

"Ewan ko. Hindi ko alam. Basta naramdaman ko na lang.." naguguluhang sabi ni Mikko.

"Akalain mo nga naman oh. Tinamaan ka na, Bro! And who's this leading lady of yours, huh?"

"She's...."

Teka ano nga bang pangalan niya? Shit! Hindi ko pala natanong! inis na sabi ni Mikko sa sarili.

"She's who?" Tanong pa ni Gibo.

"H-hindi ko alam. Nakalimutan kong tanungin.."

"Kita mo na!" Natatawang sagot ni Gibo. "Sabi ko na nga ba eh. Believe me, panaginip lang yan, Bro." Tumatawang sabi ni Gibo.

"Bro, hindi 'to panaginip. Totoo 'to at seryoso ako. Nakita ko siya nung isang gabi dun sa parking lot, umiiyak. Hinatid ko pa nga siya sa bahay niya eh."

"Teka, nakama mo na ba?" biglang tanong ni Gibo.

"Tumigil ka nga, Gibo! Kahit kailan talaga napakabastos ng isip mo. Syempre hindi!" Inis na sagot ni Mikko.

"Nagtatanong lang e, malay ba natin kung-nevermind." Natatawa na naman ito. "Oh eh ano nang balak mo?"

"H-hindi ko alam.. G-gusto ko siyang ligawan.."

"Ligawan?" Bigla na namang natawa ang kanyang kaibigan. "Nagpapatawa ka ba, Bro? Eh sa tinatagal-tagal na nating magkasama, ni isa wala ka pang pinakilala sakin eh. Tapos ngayon sasabihin mong liligawan mo ang isang babaeng ni pangalan hindi mo alam?"

"Aalamin ko. At this time, I'll make sure na mapapakilala ko na siya sayo." Pagyayabang ni Mikko.

"Eh kung gusto mo talaga, then do it Bro."

***

"Kung gusto mo talaga, then do it Bro."

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Gibo sa kanya.

Pero paano? Anong gagawin ko? Tanong niya sa sarili.

Maya-maya pa..

"Alam ko na!" Mabilis na bumangon sa kama si Mikko at tumakbo palabas ng kanyang kwarto.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now