Ikapitong Kabanata

540 5 0
                                    

Katapusan


"Mikko!" Pagtawag ni Jelly kay Mikko pero hindi siya pinansin nito at mabilis na lumabas at pinaharurot ang sasakyan.

Hindi makapaniwala si Mikko sa nalaman. Parang panaginip lang. Hindi niya akalaing hindi lang sa teleserye nangyayari ang ganito, sa totoong buhay rin pala. At sa kanya pa.

Hindi siya makapaniwalang ang kaisa-isang babaeng minahal niya ng sobra ay ang mismong ina niya pala. Gusto niyang magwala, gusto niya sumigaw.

"Bakit ako pa?! Bakit kami pa?! Ano bang klaseng biro 'to? Sabagay, nakakatuwa nga naman! Nagpropose ako sa babaeng hindi ko alam, nanay ko pala! I even had a sex with my own mother?! The fuck!" sigaw niya sa sarili. Punung-puno na ng luha ang mga mata niya.

Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho nang hindi alam ang pupuntahan ng biglang..

"Mahal na mahal kita, Christina. Mahal na mahal kita, Mama.."

***

"Opo, ito nga po. Ano? Nabangga?! Teka, pa- Saan? Okay, okay. Pupunta na kami diyan." sabi ni Christina at binaba na ang telepono at dali-daling umalis.

"Doc, nasaan po si Mikko? Si Mikko dela Rosa po, nasaan?!" Nagpapanic na sabi ni Christina.

"Kumalma po kayo, Ma'am. Kaano-ano po ba ninyo ang pasyente?"

"Ako ang Mam- G-girlfriend. Girlfriend niya ako. K-kamusta na po siya?"

"Under observation pa po ang pasyente, malala po ang tinamo niya sa aksidente kaya hindi pa po natin masasabi ang kalagayan niya sa ngayon."

"Doc! Doc!" sigaw nung nurse sa operating room at tumakbo papasok yung Doctor.

"Doc, anong nangyayari?! Doc!" paghabol ni Christina pero hindi siya pinayagang pumasok sa loob.

Ilang sandali pa, tanging tunog na lamang ng makina ng hospital ang maririnig sa loob ng kwarto kung saan naroroon si Mikko. Nakaririnding tunog na tila ba walang katapusan.

"Time of death, 11:34 pm." -Doctor

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now