Ikaanim na Kabanata

513 6 0
                                    

Revelation


Maagang nagising si Christina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit pero hindi na niya ito pinansin. Sobrang saya niya nang nagdaang gabi.

Buong buhay ni Christina, inakala niyang wala nang magmamahal sa kanya ng totoo sa kabila ng nakaraan niya pero mali pala siya ng akala. Dahil ito siya ngayon, masayang-masaya sa piling ng kaisa-isang lalaking pinag-alayan niya ng puso niya.

Hindi mapigiling mapangiti ni Christina habang tinitingnan ang singsing na ibinigay sa kanya ni Mikko kagabi nang magproposed ito.

"I love you so much, Hon." Bulong niya sa natutulog na si Mikko at hinalikan ito sa noo.

Mamaya ko na lang gigisingin si Mikko pag nakapaghanda na ko ng breakfast. Sabi niya sa sarili, at bumangon na siya.

Dumiretso muna siya sa closet ni Mikko para humanap ng masusuot.

Habang naghahanap ay nagulat siya sa nakita.

"N-no.."

***

Nagising si Mikko nang wala na sa tabi niya si Christina kaya naman bumaba na agad siya dahil alam niyang nasa kusina na ito at naghahanda na ng breakfast.

Nagpapractice na siyang maging Mrs. Dela Rosa. Masayang sabi nito sa sarili.

"Hon! Good Morning!" Masayang salubong niya pagkarating sa kusina ngunit wala ito doon. Kahit isang plato o kutsara man lang ay walang nakahanda sa mesa.

Ah! Baka nasa sala. naisip niya, ngunit wala rin doon ang dalaga.

Nalibot na niya ang buong bahay ngunit ni isang bakas ni Christina ay wala siyang nakita kaya naman kinabahan na siya.

Pumanhik siya ulit sa kwarto at nagbakasakaling may iniwang sulat doon ang dalaga ngunit mas lalo siyang kinabahan dahil hindi sulat kundi ang binigay niyang singsing ang nakita niya sa side table ng kama.

Agad siyang nagbihis at pumunta sa bahay nina Christina. Kumatok siya agad pero si Jelly ang bumungad dito.

"Si Christina?" Halos sabay nilang tanong.

"Ha? Eh diba kasama mo? Hindi pa umuuwi e. Nasaan na 'yon?" Pagpapatuloy ni Jelly pero imbis na sagutin ay mabilis na sumakay ng kotse si Mikko at pinaharurot ito.

"Wala na ba?" Tanong ni Christina.

"Oo, wala na. Girl, ano ba kasing nangyari? Kagabi lang ang saya-saya niyong umalis dito ha? Bago ngayon pinagtataguan mo na siya? Pinagsinungaling mo pa ko." nakaismid na sabi ni Jelly.

"Sorry, Jelly. Kailangan ko lang talagang gawin ito. Sorry nadamay ka pa." Maluha-luhang sabi naman ni Christina.

"Ano ba kasing nangyari, Christina girl? Sabihin mo sakin. Mapagkakatiwalaan mo ako promise." pamimilit pa ni Jelly.

"J-jelly.. S-si M-mikko... S-siya yung.. yung sinasabi ko sayo... S-siya yung a-"

"OH MY GOD." gulat na gulat na sabi ni Jelly.

***

"Please, Christina. Answer the fucking phone!" Halos maibato na ni Mikko ang cellphone niya sa sobrang inis.

Gulung-gulo na siya. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari.

"Ano bang problema, Christina?! Bakit bigla na lang ganito?!" Sigaw pa ni Mikko, tulo na ng tulo ang luha niya sa sobrang pagkalito.

Iyak pa rin ng iyak si Christina, nagmumukmok sa kwarto niya. Sobrang sakit na ng dibdib niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now