Ikatlong Kabanata

527 5 0
                                    

Bisita

"Tao po. Tao po." saktong oras ng tanghalian ng makarating si Mikko sa bahay na pinagtitirahan nung babaeng hinatid niya nung gabing makita niya itong umiiyak. "Tao po..."

Bumukas ang pinto, ngunit ibang babae ang lumabas rito.

"Sino ho 'yon?" Sabi nung babae na halatang nagpapacute sa binata.

"A-ahh.. Andyan po ba si..."

Ano ba kasing pangalan niya? Bwisit! inis siyang sabi sa sarili.

"Sino?" Takang tanong ng babae.

"Yung.. yung ano. Yung isang babaeng nakatira diyan? Yung... sorry di ko kasi alam-"

"Ahh! Si Yna ba? Kala ko ako.." Sabi nito at parang nagpapacute pa. "Joke! Teka lang pogi ha!" Sabi nito sa maharot na boses. napangiti na lang si Mikko sa tinawag nito sa kanya.

"Christina girl! May poging fafa dito sa labas! Hinahanap ka!" Sigaw nito habang papasok ng bahay.

Christina.. ang ganda ng pangalan niya. sabi niya ulit sa sarili.

Maya-maya pa ay lumabas na ito kasama pa rin yung isang babae.

"Uy!" Gulat na sabi ni Christina. "Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti nitong tanong.

"H-ha? Ahh. Eh.."

Teka bakit nga ba ako nandito? Alangan namang sabihin kong, 'Na-love at first sight ako sayo, kaya nandito ko para ligawan ka.' Ang tanga ko naman kung sasabihin ko yon. Bakit ba kasi di ako nag-isip ng alibi bago ko pumunta dito? Tsk! Isip.. isip.. Ah! Alam ko na! Pakikipagtalo pa ni Mikko sa kanyang isip.

"A-ahm.. A-ano.. Ano kasi. M-may bisita sana akong dadating kaya nagluto ako, kaya lang hindi sila natuloy. E sayang naman kung itatatapon ko lang, wala rin naman akong pagbibigyan. K-kaya dinala ko na lang dito." Sana umubra.. Sana. Sana...

"Ahh!" Biglang napangiti ang dalaga. "Nako, salamat. Halika pasok ka.."

Yes! Pagdidiwang ni Mikko sa kanyang isip.

"Teka, ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ni Christina habang papasok sila ng bahay.

"M-mikko."

"Ay! Ang hot naman ng name mo Fafa Mikko!" Maharot na sabi nung isang babae sabay tawa.

"Nako, ikaw talaga Jelly. Halika na pumasok na tayo. Sakto kakasaing ko lang." Tumatawang sabi ni Christina at pumasok na sila sa loob.

"Nako, nako, nako, Fafa Mikko. Baka naman matunaw na niyan si Christina girl ah! Aba, marami pang pangarap yan sa buhay. Gusto mo ako na lang titigan mo, handa akong magpatunaw para lang sayo." Pabirong sabi ni Jelly sabay kindat na ikinagulat naman ng dalawa.

"Ay oh, namumula si Christina girl!" Tumatawang sabi ulit ni Jelly.

"Tumigil ka nga Jelly. At wag mo kong tawagin ng ganyan, para kang sira. Yna na lang!" Nahihiyang sabi ni Christina.

"E bakit ba, maganda naman ah. Diba Fafa Mikko?"

"H-ha? A-ah, oo." gulat na sagot ni Mikko.

"Oh diba!" Pang-aasar pa rin ni Jelly.

"Ewan ko sa inyong dalawa." Natatawang sabi ni Christina at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Mikko para umalis.

***

Naging madalas na ang pagpunta ni Mikko kila Christina. Mabuti na lang at lagi siyang nakakaisip ng palusot kung bakit siya pumupunta doon na sa awa ng Diyos ay lumulusot din naman.

Habang tumatagal ay palalim na nang palalim ang nararamdaman niya para kay Christina ngunit hindi pa rin siya nagkakaroon ng lakas ng loob na sabihin yun sa dalaga.

Hindi niya alam ay unti-unti na ring nahuhulog ang loob ni Christina sa kanya.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon