Ikalimang Kabanata

532 7 0
                                    

Will you marry me


Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Nananatili pa ring masaya ang dalawa sa isa't-isa. Habang tumatagal ay mas lalo lamang tumatatag ang kanilang relasyon.

Sa nagdaang mga buwan ay unti-unti nang nakikilala ng dalawa ang isa't-isa.

Nabanggit ni Mikko na adopted lang siya. Inampon siya ng isang mayamang mag-asawa ngunit namatay rin ang mga ito at dahil wala ng ibang kamag-anak sa bansa ay sa kanya na ipinamana ang lahat ng mga ari-arian ng mga ito. At tulad niya ay maaga ring pumanaw ang mga magulang ni Christina.

Bukod dito ay nalaman rin nilang marami silang mga pagkakatulad gaya ng allergy sa orange, mahilig sa kape, mahilig sa aso, at marami pang iba.

Ngunit hindi pa rin nasasabi ni Christina ang kanyang madilim na nakaraan. At hindi niya alam kung kailan o kung magkakaroon pa nga ba siya ng lakas ng loob na sabihin ito kay Mikko.

Sa susunod na tatlong buwan ay mag-iisang taon na ang kanilang relasyon.

"Hon, bukas punta tayo ng opisina." Pag-aaya ni Mikko kay Christina habang pauwi galing sa panonood ng sine.

"Bakit, Hon? Anong meron?" Takang tanong ng dalaga.

"Papakilala kita kay Gibo, yung best friend ko." Masayang sabi ni Mikko.

"Okay, sige Hon. Paghahandaan ko yan." Nakangiti namang sagot ni Christina.

***

"Bro, punta ka dito sa office sandali. May papakita ko sayo." Sabi ni Mikko kay Gibo sa telepono.

"Ano, bro? Pwede bang mamaya na lang yan? Ang dami ko pang ginagawa dito e."

"Saglit lang, bilis na." Sabi nito saka binaba ang telepono.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Gibo.

"Ano ba kasi yon, Br— Woah. Bro, sino 'to? Kapatid mo? Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid?" nagtatakang tanong ni Gibo. Halata sa mukha nito ang pagkagulat. Natawa naman ang dalawa.

"Sira! Bro, si Christina, girlfriend ko. Siya yung sinasabi ko sayo." Masayang sabi ni Mikko sabay kindat.

"Hello!" Bati naman ni Christina.

"Diyos ko naman, Bro. Di mo naman sinabi saking napakabata pala nitong kinukwento mo. Eh 16 years old lang yata 'to eh. Trouble yan, Bro. Child abuse." Kinakabahang bulong ni Gibo kay Mikko na ikinatawa nito.

"Bro, mukha lang siyang 16 pero hindi." Natatawang sagot ni Mikko. "Ang cute niya diba." Pagmamayabang ni Mikko.

"Grabe, hanep sa pagkababy face Miss. Dinaig mo pa si Tinay. Naloko mo ko dun ah! Gilbert nga pala, but you can call me Gibo. At your service, Ma'am!" Nakangiting sabi nito at sumaludo pa.

"Nakakatawa pala 'tong kaibigan mo, Hon. Nako, wag mo na kong tawaging Ma'am, Christina na lang Gibo."

"Ah." Natatawa habang napapakamot sa ulong tugon ni Gibo. "Okay, Christina. Ganda nga niya, Bro. Swerte mo."

"Swerte talaga." Sabi naman ni Mikko.

"Ako ang swerte." Nakangiting sabi ni Christina kay Mikko.

"Oh sige, swerte na kayo pareho." Natatawa namang sabi ni Gibo.

"Sige na, Bro. Tuloy mo na yung ginagawa mo sa baba. Mamaya magdidinner kami ni Christina, sama ka."

"Sige ba! Pwede ko bang isama si Je.. Jenny? Jessy? Jelly? Teka ano nga ulit pangalan non?" Tanong nito sarili.

"Kita mo na, sa dami mong babae hindi mo na malaman kung sinong isasama mo! Baka naman pagdating natin doon lampas sampu yang kasama mo." Sabay na nagtawanan sina Christina at Mikko.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now