Chapter 12 : He's Back

1.4K 42 5
                                    



Cola POV

Pinatay ko na ang phone ko.Ano namang pakielam ko sa Red Vindicta.Sabagay kahit kung ako ang nasa kalagayan ni Devil ay hindi rin ako papayag na hindi makabawi.Napahiya ako sa harap ng maraming tao at nagkalamat din ang titulo ko.Sobrang nakakahiya pero hindi ko parin mapigilan ang matawa.Siya ang unang naghamon pero siya pa ang natalo tsk.

Ano naman kaya ang masasabi ni Demon sa War na idinedeklara ni Devil?Sasama ba siya o manonood lang?Isang buwan ng hindi nagpaparamdam si Demon ano nabang nangyari doon?

Itinago ko ang phone ko ng Makita si Catalina na papalapit sa kinauupuan ko.Isa siyang assassin kaya kailangan kong magingat sa kanya.Lagi niya kong pilit na hinuhuli sa mga salita ko kaya dapat ko na ding limitahan ang mga sinasabi ko.I wonder kung ano ang pipiliin niya pag dumating ang araw na kailangan na niyang mamili.Black Ace din si Gian.Ang kuya niya.Kaya niya bang ipagkanulo ito pag nalaman niyang isang Black Ace si Gian.Siguradong nakakahalata nadin siya sa mga kilos ko pero hindi ko alam kung alam niya ba ang totoo sa pagkatao ko.

"Kamusta si Devil?" tanong niya pagkaupo sa harapan ko

"Devil?Paano ko naman malalaman ang tungkol sa kanya" sabi ko at uminom ng juice na dala niya.

Kami nga pero parang hindi kami.Parehas lang namin pinaglalaruan ang isat isa , yun ang pilit na sinasabi ko sa isip ko.

Ngumiti naman siya.Isang ngiti na laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"Kung isa ako sa Black Ace anong gagawin mo?" Tanong ko at tumitig ng diretso sa mga mata niya.

Matang puno ng misteryo

"Bakit isa ka ba sa kanila?" tanong niya

"oo" sagot ko at tinignan ang reaksyon niya

Naglabas naman siya ng isang baril at itinutok sa akin.Tinignan ko ang mga tao sa paligid.Ang lakas ng loob niyang ilabas ito at itutok sakin sa harap ng maraming tao.

"Then it's settle.Mamatay ka na ngayon" sabi niya at ikinasa ito.

Ngumiti naman ako at mabilis na inagaw ang baril sa kanya saka itinago dahil malaking balita ito kapag napansin ng mga tao sa paligid ang ginagawa niya.

"Bakit sino kaba para patayin ako?Pulis kaba o isa ka sa mga shadow corp na may layunin na patayin ang mga Black Ace?Ikukulong ka nila kung papatayin mo ako at isa pa wala ka namang ebidensya" sabi ko

Nagulat ako ng hawakan niya ang baso at itapon sakin ang laman nito

"I hate you" cold na sabi nito at tumayo.

Tumayo naman ako at pinigilan siya

"Hindi ko alam na seseryosohin mo ang sinasabi ko" sabi ko

"Wala namang biro sa mga sinabi mo" sabi niya at pilit na tinanggal ang pagkakahawak ko sa wrist niya

"Tigilan na natin ang laro Mr.Cola Monteverde.Hindi na ako natutuwa.Wala ng dahilan para magkita pa tayo" sabi niya at buong lakas na hinatak ang kamay niya pabalik.

Hinabol ko naman siya hanggang labas ng restaurant at pinigilan ulit

"Sorry" ang salitang bigla nalang lumabas sa bibig ko

"Sa susunod na pagkikita natin ay magkaaway na tayo.Alam ko ang totoo Cola.Isa ka sa kanila.Nung araw na nagkita tayo malapit sa underground ay may kutob na ako sayo.Alam mo ba kung bakit pa ako nakipaglaro sayo?Para kumuha ng impormasyon.Sapat na impormasyon na ang meron ako" Sabi niya na ikinagulat ko

Alam niya pala ang lahat hindi ko man lang napansin.

"Tayo pa naman" sabi ko

"Wala ng tayo" cold na sabi niya

"Hindi pa tapos ang laro " sabi ko.Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Alam niya na ang lahat pero wala man lang akong naramdaman na pagpapanic

"Bakit?Gusto mo bang matalo ako at mahulog sayo?Hindi yon mangyayari Mr.Monteverde.Hindi kita bibigyan ng kasiyahan.Pinaikot lang kita.Hindi ko alam na ganon ka lang pala kadaling mauto.Tama nga sila mabait sa babae ang Venom ng Black Ace.Hindi ko alam kung bakit pero wala narin naman akong balak pang alamin" sabi niya.Mukhang naging matalim ang dila niya ngayong araw na ito

"Alam ko na ikaw si Silent Shadow pero hindi naman ako nagsalita" sabi ko at tumingin sa kanya.

Napatahimik naman siya.

"Kapag kasama kita ay nasa tabi ko ang panganib pero wala akong ginagawa.Masyado nga ata akong mabait sa babae" sabi ko at naalala na naman ang nakaraan

"Pinakaayaw ko sa mga pulis na mga hinahangaan mo.Sige tapusin na natin ang laro natin dito.Bago mo nga pala ako tutukan ng baril ay isipin mo munang mabuti.Black Ace ang kinakalaban mo hindi lang basta ordinaryong tao" sabi ko at tumalikod na.Nakakaramdam ako ng lungkot

Catalina Santivanez nanalo ka sa larong ito.

Maxima POV

Tatlong araw na din ang lumipas at nakapasok na si Shin sa HQ.Nasa kanya na ang isa sa pinakamakapangyarihang posisyon ngayon.Kayang kaya ko nang manipulahin ang Shadow Corp sa isang galaw lang ng daliri ko.Napatingin ako sa taong biglang nag abot sakin ng rosas.Si Shin

"Kung gusto mo pang mabuhay ay lumayo ka sakin at tigilan mo ang pag aabot ng rosas" cold na sabi ko at tinabig ang kamay niya.

Araw araw siyang may dalang rosas para sakin at lagi niyang sinasabi na gusto niya ko

"Magsisi ako kung hindi ko gagawin to bago ako mamatay.Kapag gusto mo ang isang tao sabihin mo sa kanya bago mahuli ang lahat" sabi niya at ini angat muli ang rosas

"You're quite brave" sabi ko.

Napatingin naman ako sa rosas.He's right kung gusto mo ang isang tao ay dapat sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat at magsisi ka.

"Take it.Wala namang masama.Malungkot ang buhay ng mag isa ." sabi niya at winawagayway ang rosas.

Nagulat naman siya ng may pumutok na baril at sa isang iglap ay nawala ang petals ng rosas at tangkay na lang ang natira.

"Who told you that she's alone" sabi ng lalaking may hawak na baril na naglalakad papunta samin.Mas gumuhit sa mukha ni Shin ang gulat at takot.

Napangiti naman ako

"Stay away from her or else you're next to Jane and I'll send you to hell" sabi nito

Hanggang ngayon ay bumibilis parin ang tibok ng puso ko pag nakikita ko siya.Walang pinagbago mas bumilis lang kumpara noon.

"K-king" mahina pero nauutal na sabi ni Shin at ibinaba ang kamay na may hawak na tangkay ng Rosas

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now