Chapter 20

1.2K 39 1
                                    


Catalina POV

HInaharang ko si Cola ngayon.

"Are you playing with me?" inis na tanong niya sakin ngunit hindi naman ako sumagot.

Hindi ko magawang kalabanin siya bakit ganon?

Tumingin naman ako kay Maxima na hinahampas ni Kuya ng katana.

Bakit kailangan sila pa ang nandito?Bakit kailangan magkalaban kami.

Napayuko ako ng biglang may sumipa sa tiyan ko.

"Sorry .Hindi na ako ang Venom na mabait sa babae" sabi niya at sinipa pa ulit ako.

Ramdam ko ang pigil na pwersa sa bawat pagsipa niya at pagsuntok sa akin.

"F*ck this fist!" inis na sabi niya at tumingin sakin

"Hindi nakikisama ang katawan ko ngayon.Hindi ko alam kung bakit pinipigilan nila ako sa pag atake kaya pagbibigyan ko na ikaw naman ang umatake bago kita patayin" sabi nito at tumayo lang sa sa tabi ko

Nanatili akong nakaupo at nakatingin sa kanya.Diretso rin siyang nakatingin sa akin.Inilag niya ang mga tingin.

"Wala kang kwentang kalaban" sabi niya at akmang pupunta kila Maxima ng agad akong tumayo at hinatak siya mula sa likod sa ka malakas na sinuntok siya sa noo.Napailing naman siya sa ginawa kong iyon at parang nahilo.Binigay ko talaga ang lahat ng lakas ko wag lang siyang pumunta sa kinaroroonan nila kuya.

Akmang susuntukin ko uli siya ngunit pinigilan niya ang kamay ko at gulat na tumingin sakin.Nagkakatitigan nanaman kami.Nakita ko ang paglunok niya.

"Catalina" sabi niya kaya agad akong lumayo sa kanya

"Isang babae lang ang kilala kong ganon sumuntok " sabi niya at lumapit sakin.Umatras naman ako.

"Who's Catalina?" sabi ko sa makapal na boses

Tinanggal niya naman ang maskara niya at nakita ko na dumudugo ang noo niya.May tapal pa ito dahil siguro ay may sugat at nabuksan ng suntukin ko.

Naglakad siya papalapit sakin.Papalapit ng papalapit.

*BANG*

Napatingin ako sa malakas na echo ng baril sa 1st floor at nakita ko na napatalsik si Maxima.

MAXIMA!

Agad kong tinulak si Cola at tumakbo.Napatigil ako ng hatakin ni Cola ang kamay ko.

"Stop.The way I stop when you stop me a while ago" sabi niya.

Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa kamay ko.I miss him so much.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.Gusto kong bumalik sa dati kung saan kami pa.Gustong gusto kita Cola pero...

"We're enemy" sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sakin at mabilis na pinuntahan si Maxima.

Nakahiga ito sa lapag kasama ang mga nabasag na bote ng alak ng madaganan niya ang isang lamesa.

Kitang kita ang dugo sa mga basag na bote at baso.

Napatigil ako sa pagbaba ng Makita na dahan dahang umupo si Maxima bago tuluyang tumayo habang hawak ang maskara.

MAXIMA POV

*BANG*

Agad kong binitawan si Gian at tumalon pailag.

Napatigil ako ng hawakan naman ako sa paa ni Gian at pinipigilan akong maigalaw ito.

Agad kong hinampas sakanya ang katana ko ng paulit ulit ngunit nanatiling mahigpit ang pagkakahawak niya sakin.Mabilis kong binaliktad ang katana at itinutok sa leeg niya ang patalim nito.

"Release me or you'll die" cold na sabi ko na automatic na lumuwag ang pagkakahawak niya sakin.Tumingin ako sa kinalalagyan ni Roger.Kasama niya si Kim at si Kim na ang may hawak ng shotgun at nakatutok sakin.

"Die " sabi nito at mabilis na pinaputok ang Shotgun

*BANG*
Napatilapon ako sa lakas ng pagkakatama nito sakin.

Tumama ako sa mga lamesa na parang punong puno ng mga bote at nabasag ito ng madaganan ko.Naramdaman ko ang pagbaon ng mga bubog sakin.Ilang Segundo din akong nakahiga at saka hinawakan ang maskara ko at dahan dahan umupo dahil medyo nahilo ako saka ako tuluyang tumayo.Nakatingin sila sakin.

Ramdam ko na may dalawang pares ng mga mata na tahimik lang na nanonood samin at alam ko na sila Shin iyon.Tinanggal kona ang pagkakahawak ko sa maskara ko at kasabay non ay ang pagbagsak nito sa sahig dahil nagkahiwahiwalay na ito sa ibat ibang bahagi dahil narin sa dito tumama ang bala ng shotgun kanina.

Ngayon ay Malaya na nilang nakikita ang mukha ko na may bahid ng dugo galing sakin.

Third Person POV

Pawang nagulat ang lahat sa nakita kung sino ang nasa loob ng maskara ng BloodyQueen.Ang babaeng akala nila ay matagal ng patay.kahit si Kim na hinihinalang si Maxima ang nasa loob non ay gulat na gulat parin siya .hindi niya akalaing si Maxima nga talaga ito.Ang taong pinagbintangan niya at hiniya nila sa harap ng maraming tao.Ang taong inosente na minsan na nilang pinatay ngayon ay nasa harap nila at leader ng pinakamalakas nilang kalaban.

"maxima" mahinang sabi ni Roger na hindi makapaniwala.

Isang ngiting nakakatakot ang ibinigay ni Maxima habang diretsong nakatingin kay Kim.Isang ngiting tila nasa kanya ang alas at kapangyarihan na paglaruan ka.

Sa isang iglap ay binaril ni maxima ng sunod sunod ang mga ilaw sa underground at mas lalong nagdilim ang paligid .Hindi nila agad napansin ang pagbunot nito ng baril dahil lahat sila ay mga kapwa gulat.

Mabilis na ifinocus ni Kim ang tingin kay Maxima ngunit tuluyan na itong kinain ng kadiliman.Kahit sanay siya sa dilim ay tila nabubulag siya nito ngayon at sa dami ng galaw sa paligid ay hindi niya mapakiramdaman ang paligid.

"Let me show you the difference between our powers" sabi ni Maxima at malakas na sinipa si Kim at hinablot dito ang shotgun.

Mabilis niya itong ikinasa at ipinaputok ng dalawang beses sa magkabilang lugar.

"Ganito umasinta " sabi ni maxima si Kim. Narinig nalang nila ang pagubo ng dalawang lalaki na tila may iniinda.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Kim sa narinig at mabilis na kinuha ang phone at inopen ang torch dito.Walang Maxima sa harap niya na kaharap niya lang kanina.Naglaho nanaman ito sa dilim.Itinutok niya sa kinalalagyan ni roger ang flashlight at nakita itong may tama sa dibdib.Agad niya itong nilapitan ngunit isang sipa nanaman ang natamo niya.

Sa mukha siya tinamaan kaya napaatras siya saka sinipa uli siya ni Maxima sa tiyan at hinampas ng kung ano ang kamay niya kaya nabitawan niya ang phone niya at tumalsik sa isang tabi...Sa tabi ni Gian.

Nabuka ng kaunti ang bibig ni Catalina ng Makita si Gian na may tama rin sa dibdib.Nakatayo ito at tumutulo sa sahig ang dugo.Napalunok siya.Si Maxima ang may gawa non sa kuya niya na matagal niyang hindi nakasama.Sa kuya niyang lagi niyang hinahanap at minsan niya lang Makita.Biglang nagflash sa isipan niya ang magandang imahe ni Gian habang tumatawa kasama siya at tinap pa siya nito sa ulo.

"k-kuya" mahinang bulong niya at napaluha.

Sanay ang mata ni Gian sa dilim dahil doon naman siya lumaki kaya kitang kita niya ang babaeng nakatayo sa may hagdan at alam niyang sa kanya ito nakatingin.Kung si Maxima ang BloodyQueen sigurado siyang si catalina nga iyong babae.Naramdaman niya ang dugo na tumulo mula sa bibig niya.Hindi niya akalaing tinamaan siya ng bala kahit madilim ang paligid.Masyadong asintado at magaling.Dinukot niya ang bala sa dibdib at napapikit sa sakit.Pagkatapos ay tumalikod at naglakad paalis.

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now