Chapter 23

1.2K 43 1
                                    

Deira POV

"Infront of the world? Are you making us laugh" sarcastic na sabi ni Mr.Sanchez

Hindi ko naman siya pinansin at hinintay ang magiging sagot ni Ms.Tuastom

"The case is close we should not open it again" sabi ni Ms.Tuastom na ikinainis ko

"The case is close for those who don't want to know the truth. Don't you want to hear the truth Ms.Tuastom? or you are all afraid to know the truth" sabi ko

"We all know the truth na siya ang Queen bukod ba doon may ibang katotohanan pa? Hindi ba wala na .Pwede bang wag mong paikutin ang ulo namin Ms.Deira Stonera.Baka mamaya ay isa ka nga din sa mga traydor" sabi ni Mr.Sanchez

Napasmirk naman ako.Look who's talking akala niya ata ay hindi ko napapansin kung ano ang tunay na balak niya.

"Ako ba talaga ang nagpapaikot ng lahat?O baka may ikaw yon" sabi ko

"Watch your word Ms.Stonera baka nakakalimutan mong head ang kaharap mo" sabi ni Mr.Sanchez

"Maxima is innocent pero idiniin niyo siya sa isang bagay na wala siyang kinalaman.And you know what's more funny here?Your son is a traitor itinago niya si Zhavria na Reaper ng Black Ace what's more sarcastic?May relasyon pala sila .I wonder kung paano niya nakayanang ganunin si Maxima" sabi ko na hindi pinansin ang sinabi ni Mr.Sanchez

He was once a lover of Maxima .Naaalala ko pa dati kung paanong gustong gusto ni Tanner si Maxima kung paano niya ito protektahan at pasayahin ito pero kahit pala mahal mo ang isang tao kaya mo siyang ipagpalit at lokohin at worse isacrifice for yourself safety.

Napakagat ako sa labi ko ng maalala si Roger at Kim. I've been with roger for so long pero si Kim parin ang pinili niya.Kahit pala gawin mo ang best mo kung hindi ikaw ang mahal wala kang magagawa.I love him so much ...I love them both pero nasira na ang samahan naming tatlo dahil may isa talagang maiiwan.

"Do you have a strong evidence Ms.Stonera?" tanong ni Ms.Tuastom

"Yes " sagot ko

Sapat na ang mga nakalap kong impormasyon para linisin ang pangalan ni Maxima.Ang hindi ko lang mahanap ay ang nakaraan nila.Lalo na ang totoong pagkatao ni Greco Sanchez.

"Then no need to discuss it in front of the world .We will discuss it in front of the high officials" sabi ni Ms.Tuastom

"And about your problem Mr.Sanchez isabay natin sa darating na meeting" dagdag pa nito

"Bakit next time pa?I told you naglaho halos lahat ng ari arian ko ng dumating si Mr.Yamanaka.Kung hindi ngayon ay kailan pa?Nagkakaroon nako ng damage dito pati mga pera ko sa bangko ay nawala na" sabi ni Mr.Sanchez

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya

Nawala halos lahat ng ari arian niya? Impossible.Paanong mangyayari iyon

"Let's discuss it next meeting with Mr.Yamanaka.Dismiss" sabi ni Ms.Tuastom

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Mr.Sanchez at tumingin pa ito sakin ng masama.Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na ng office.

Third Person POV

Walang emosyon ang mukha ni Maxima na dahan dahang hinakbang ang paa patungo sa kinalalagyan ni Catalina.Agad naman na tumalon si Cola sa hagdan at nagmamadaling pumaroon sa kinaroroonan ni Catalina para protektahan ito.

"I won't let you touch her Bloody Queen" sabi ni Cola at mahigpit na hinawakan ang kutsilyong may lason.

"Cola!" madiin na sabi ni Catalina at hinawakan siya sa balikat at pinaatras ngunit matatag ang katayuan ng binata at nanatiling nasa harap niya

Nalipat ang tingin ni Maxima kay Cola.Ang mata nito ay parang isang walang buhay na punong puno ng pagiisa

"Then you'll die first" sabi nito sa malamig na tinig at iniunat pakanan ang kamay na may hawak ng may dugo niyang katana

Napalunok naman si Cola sa nakita ngunit naroon parin ang tapang para promotekta.

Walang sabi sabi ay mabilis na tumakbo paabante si Maxima.Tinalasan naman ni Cola ang paningin.Sa isang iglap ay nasa harap na agad nila si Catalina at nakahanda ang katana paamba kay Cola.

Isinangga ni Cola ang kutsilyo niya ngunit sa talim ng katana at lakas ng pagtira ay naputol ito.

Parang nangangarerang kabayo ang puso ni Catalina habang pinapanood ang dalawa na naglalaban habang sa kabilang banda ay nakakunot na ang noo ni Jaesuk at Shin sa nakikita.

Maski sila ay natatakot sa presensya ni Maxima.Tila kung makikielam sila ngayon ay pati sila ay papatayin nito.Nakakamangha ngunit nakakapangilabot sa harap nila ay inuubos nito ang miyembro ng Black Ace pati na ang assassins ng Shadow corp.

Napaatras si Cola ng madaplisan siya sa balikat ng katana ni Maxima.

"Taste your own venom" sabi ni Maxima at tumigil sa pagtira.

Agad na naramdaman ni Cola ang pagkaparalisa ng katawan.Kumapit pala sa katana nito ang lason sa kutsilyo niya.

"MAXIMA!" sigaw ni Catalina at tila hindi niya na alam ang gagawin.Nagugulo siya sa nakikita.Sinalo niya si Cola ng bumagsak ito dahil sa pagkakaparalisa.

"I have an antidote in my pocket" hirap na sabi ni cola at pawis na pawis

Agad naman kinapa ito ni Catalina ngunit napatigil siya ng maramdam ang malagkit ngunit malamig na bagay na nakatutok sa leeg niya.Ramdam niya ang talim nito at hindi niya magawang gumalaw.Tinatanong niya sa isipan kung dito narin ba magtatapos ang buhay niya.Kung ito na nga ba magtatapos ang lahat.Kung ito na nga ba ang huling alaala sa kanila.

"Go save him but the moment I saw you move this sword will separate your head from your neck" sabi nito.

Napaluha nalang si Catalina sa narinig at mahigpit na hinawakan ang antidote saka mabilis na tinurok kay Cola.

Mabilis namang itinaas ni Maxima ang katana para hiwain ang leeg ni Catalina ngunit may biglang humawak sa kabila niyang kamay at hinatak siya palayo sa lugar na iyon.

Isang hatak na malakas ang pwersa at mabilis ang hakbang.Napakunot ang noo ni Maxima at pilit na pinigilan ang taong humahatak sa kanya ngunit mas malakas ito sa kanya.

Balak na sana niyang putulin ang kamay nitong nakahawak sa kanya ngunit bigla itong tumigil at sinangga ng baril nito ang katana saka siya biglang niyakap ng mahigpit.

Isang yakap na tila pumawi sa kalungkutan niya at pagiisa.

"Stop now Maxima.I told you, I'll stop you when you start attacking your own piece" malungkot na sabi ni Damon

TIla nagising si Maxima sa pagkakakulong sa galit ng marinig ang boses ni Damon.

Nabitawan niya ang hawak niyang katana na sobrang higpit kanina kung kanya'y hawakan.

"Forgive me my Queen but I'll stop you here" sabi ni Damon at mas hinigpitan pa ang yakap niya kay Maxima.

Alam niya na nabubulag ito ngayon sa galit.

Ilang Segundo lang ay narinig na ang hikbi ni Maxima .Tumulo na ang luha na kanina ay hindi niya mailabas.Isang iyak ang namutawi sa madilim na parte sa labas ng underground.

"I'm sorry" sabi ni Maxima sa mahinang boses.

Unti unting pumatak ang malakas na ulan kasabay nito ang pagkagising ng nakulong na damdamin.

Revenge of the Queenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن