Chapter 21

1.2K 44 1
                                    


Gian POV

Kaharap ko ngayon ang taong namatayan ng pamilya at isa ako sa mga gumawa non.Isa ako sa mga nautusan na patayin ang pamilyang Reed.Akala ko ay patay na rin siya pero heto siya ngayon at naghihiganti.Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.Sobrang cold samahan mo pa ng ngiti niyang nakakatakot kanina.Ngiting nagpanginig sa laman ko.Isang tao lang ang kinatatakutan ko ng ganito.Ang King pero ngayon ay may nararamdaman akong takot.Ibang iba ang Maxima na kaharap namin ngayon.Tinanggal ko ang bala sa dibdib ko at saka tumalikod.

Tatapusin ko na dito ang ugnayan ko sa kanila.Hindi ko kayang pati ang anak ng pinatay namin ay patayin ko din.Minsan na akong nagkamali.Pagkakamali na dulot ng isang makapangyarihang tao na inutusan ako na gumawa ng pang demonyong Gawain dahil lang sa kapangyarihan.

Napatigil ako ng maalala si Catalina.

"Tatakbo kaba?" cold na tanong sakin ni Maxima.

Nagpapataas ng balahibo ko ang napakalamig niyang boses.Bago pa ako humarap ay bumaon na sa akin ang isang matalim na bagay na hindi ko man lang naramdaman ang paparating na panganib.Muli ay tumulo ang dugo mula sa aking bibig kasabay ng isang gumagaralgal na sigaw.

"MAXIMA!!!!" sigaw ng isang babae na puno ng gulat.

Naramdaman ko ang paghugot niya ng katana niya bago ako tuluyang bumagsak sa sahig.Pagbagsak ko ay hindi ko na nakita si Maxima.Diretso lang ang tingin ko at puno ng kadiliman ang paligid.Naririnig ko ang mga yabag na papunta sa akin habang unti unti ng pumipikit ang mata ko.

Sorry Catalina pero... mukhang hanggang dito na lang ako

Nakita ko pa si Catalina bago tuluyang pumikit ang mata ko.

"kuyaa!" rinig kong sabi niya bago tuluyang huminto ang pagtibok ng puso ko.

Cola protect my precious sister...I trust you.

Maxima POV

Tumalikod na ako saka hinanap ng mata ang kinalalagyan ni Kim at Roger.Pigil ko ang mga luhang nagbabadya sa mata ko at pilit kinokontrol ang aking paghinga.Hindi ko akalaing bigla na lang sasabog sakin ang lahat ng galit na nakatago sa puso ko.Kahit ano palang pigil kong alalahanin ang mga nakaraan ay pilit itong nagsusumiksik ngayon sa isipan ko.Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa galit at hindi ko napigilang patayin si Gian.Kusang umaksyon ang kamay ko at tila nagdilim ang isipan ko.Nauuhaw ako sa dugo ngayon.Gusto kong Makita sila na wala nang buhay.Gusto kong pagbayaran nila ang ginawa nila sakin.Sa pagsira sa buhay ko mula umpisa hanggang ngayon.

Isa lang ang alam ko ngayon wala akong pakielam kung may madamay o mamatay man ako sa laban na ito.Maghihiganti kahit ano pa man ang mangyari.

Hinawakan ko ng mahigpit ang katana ko ng Makita si Kim na hawak hawak si Roger.Tama yan magsama sila hanggang sa impyerno.Pareho naman silang traydor at manloloko.Mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila.Agad namang tumayo si Kim at humarang sa harap ni Roger.Naiinis ako sa nakikita ko ngayon.Mahigpit niya ring hawak ang baril niya at nakatutok ito sakin ngayon pero hindi siya ang pakay ko.Nagulat siya ng nilagpasan ko siya saka malakas na sinipa sa tagiliran.Napaatras si Kim pero sinunggaban niya agad ako sa mabilis na pagbwelo .Pareho kaming napatumba sa sahig .Agad ko namang hinamapas siya ng katana pero sinuntok niya ko dahil siya ang nasa taas ko ngayon.Hahampasin ko uli sana siya ng pigilan niya ang kamay ko at iitsa ang katana palayo.

"I will kill you MAXIMA" madiin niyang sabi

"In your dreams" sabi ko saka malakas na inuntog siya.Napahiga siya at tumayo naman ako agad saka kinuha ang kamay niya at ipinaikot sa likuran niya.

"ARRGGGHHH!!!" inda niya sa sakit.

"Maxima stop please" sabi ni Roger sa garalgal na boses kaya napatingin ako sa kanya.

Puno ng dugo ang dibdib niya at kita sa mukha ang hirap.Hindi siya dapat nandito .Hindi narin dapat siya nakielam.Kung hindi siya nagtraydor ay hindi sana siya kasamang mamatay sa lugar na ito.Ngumisi ako at mas diniinan ang palipit sa kamay ni Kim kaya mas lalong napadaing ito.

"I wonder why they call you a Queen when you're just a dirt." bulong ko kay Kim .

"Shut up !!" sigaw niya

Kinuha ko ang maliit kong kutsilyo sa may bulsa sa bandang hita ko saka itinutok ito sa leeg ni Kim.Diniin ko ito sa leeg niya para lumikha ng isang sugat.Napangiti ako ng makitang tumulo ang dugo niya.Kitang kita ito sa maputi niyang balat.

"MAXIMA!!NO !!WAG PLEASEE!!" sigaw uli ni Roger.

Kahit anong sigaw niya o pagmamakaawa niya ay hindi niya ko mapipigilan.Unti unti kong iginalaw ang kutsilyo.Gumagawa na ito ng malalim na sugat sa leeg ni Kim.

"Maxima !! Maawa ka!" sabi ni Roger na ikinatigil ko.

Maawa?Kahit umiyak pa ang lahat hindi ako maaawa.Wala na akong pakiramdam.Hindi ko maramdaman ang kahit konting awa.Gusto kong makapaghiganti.Papatayin ko sila.

"Ano ba ang mas masakit?Makita mo siyang mamatay o Makita ka niyang mamatay?" tanong ko kay Kim.

Pilit siyang kumakawala pero mas lalo kolang hinihigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

Third Person POV

Biglang sinaksak ni Maxima sa tiyan si Kim sa magkabilang tagiliran.Napasuka naman ng dugo si Kim .

Tila nawalan na ng pag asa si roger na patigilin si Maxima.Hindi na siya ang Maxima na kilala nila.Ibang iba ito.Sobrang hindi na niya makilala.Hindi niya magawang tumayo sa kinalalagyan dahil sobrang hinang hina nadin siya.Ano mang oras ay nararamdaman niyang mamatay nadin siya.Hindi niya alam na ganto ang mangyayari.

"CATALINA !Shoot Roger now" sabi ni Maxima na ikinagulat ni Roger at Kim.

"DAMN YOU!" madiin na sabi ni Kim at pilit na kumakawala ngunit tila naubos narin ang lakas niya .Napakahigpit ng pagkakahawak sa kanya ni Maxima

Napatingin naman sila kay Catalina may hawak itong baril at tila isang robot na nakatayo.Tila sinisipat nito ang tatlong nakatayo hindi sa kalayuan sa kanya sa gitna ng kadiliman.

Itinutok ni Catalina ang baril kay Roger ngunit ikinagulat nila ni Kim ang sunod na aksyon ni Catalina.Ang baril nito ay nakatutok na ngayon kay Maxima.

Ang emosyon ni Maxima ay mas dumilim sa ginawang pagbago ng direksyon ng baril ni Catalina.

" Bakit kailangan mong patayin ang taong nagiisang natira sakin" mahinang sabi ni Catalina at biglang napaiyak

"Ang taong sobrang tagal kong hinahanap" dagdag pa nito

Napakunot ang noo ni Kim sa sinasabi ni Catalina.

"I feel betrayed ...Hindi kita mapapatawad" Sabi ni Catalina at pinaputok ang baril.

Hindi umilag si Maxima at tinamaan ito sa balikat.

Sinamantala iyon ni Kim at sinubukan makawala ngunit tila hindi man lang nabawasan ang pwersa ni Maxima at mas madiin pa ang pagkakahawak sa kanya.

"No.I should be the one who should feel it Ms. Catalina Santivanez .Dahil sinabi mong kahit anong mangyari ay nandyan kalang para sakin pero isa lang pala yong salita" malamig na sabi ni Maxima

Tila nagising si Catalina ng sabihin iyon ni Maxima.Alam niyang posibleng mamatay ang kuya niya bago paman ang lahat dahil kalaban nila ito.

"It was a mistake that I trust you.Hindi ko akalain na ang mismong kaliwang kamay ko ang babaril sa akin" dagdag pa ni Maxima sabay mabilis na kinuha ang baril ni Kim sa tagiliran nito at binaril malapit sa puso si Kim.

"You're next" sabi ni Maxima kay Catalina saka itinulak palayo ni Maxima ang katawan ni Kim.

Revenge of the QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora