CHAPTER 2 : COMEBACK?

285 12 0
                                    

KRYSHIA'S POV

Nang marating ko ang bahay, pumasok agad ako saka ako umupo sa sofa sa sala.

Pumunta akong kusina pero wala don sila Mommy at Daddy. Yeah, as always, pumasok sila sa office. Ang nakita ko lang don ay si Kyle.

"Oh, Noona your back!" Sigaw nya saka lumapit sa akin.

"Bakit wala kang pasok?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako pumasok pero may pasok ako." Sagot naman nya.

"Eh bakit hindi ka pumasok!?"

"Eh sa tinatamad ako, eh." Nakangiti nyang sambit. Sinamaan ko naman sya mg tingin.

"Masama yan, Kyle ah. Tigilan mo yan. Pumasok ka na bukas, understand!?" Sigaw ko sa kanya. Ngumuso naman sya sa akin kaya nginiwian ko sya.

"Pero Noona, what if tinamad ulit ako?" Sagot nya pa. Sinamaan ko ulit sya ng tingin. "Okay, okay! Sige, papasok na ako bukas." Sabi nya saka umupo sa dining area.

"Bakit ka nandyan?"

"I'm waiting for food, actually." Sabi nya saka nilabas ang phone nya saka nagpindot don. "I'll call for a pizza delivery." Sabi nya pa saka nilagay sa tainga nya ang phone nya.

"Okay." Sabi ko saka lumabas ng dining area. Kinuha ko ang bag ko saka ako pumunta sa taas.

Nagpahinga ako saglit saka ako pumuntang banyo para makapag-shower. Pagkalabas ko ng bathroom, umuulan na sa labas. Tch, may bagyo yata.

Umupo ako sa kama saka pinunasan ang buhok ko.

Phone rings...

Tinignan ko naman ang screen ng phone ko.

+639***********  Calling...

"Hindi ba titigil to?" Naiinis na sambit ko saka inis na sinagot ang tawag. "Hello!?"

"H-hon..."

(・_・)

Para akong nabingi sa sinabi nya. Tinignan ko ulit ang screen saka ko nilagay ulit sa tainga ko.

"S-sino to?" Tanong ko pa. Ayaw kong umasa. Naniniguro lang ako.

"H-hon, ako to..." Napapikit ako nang marinig kong nanginginig ang boses nya.

"Bakit ka tumawag?" Malamig na tanong ko sa kanya.

"Hon, I want to see you..."

"Don't call me like that." Matigas na utos ko sa kanya.

"H-hon, please..."

"Tumigil ka na, Ken. Ayoko na. Pwede ba? Doon ka nalang sa babae mo!"

"P-puntahan mo ako dito, please. H-hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nakikita."

"Sira na ba ang ulo mo!? Umuulan! Umalis ka na dyan!"

"H-hindi. Ayoko pa. Hindi pa kita n-nakikita..."

Married to the Bad BoyWhere stories live. Discover now