Chapter 41 : Past

99 7 9
                                    


Kryshia's  POV

Hinila nya ako hanggang sa elevator. His face looks so serious. Pinindot nya ang floor kung nasaan ang office ko.

Wait. How did he know that?

Paglabas ng elevator, hindi pa rin sya nagsasalita. Nagulat ako dahil dinala nya rin ako papasok sa office ko. Paano nya nalaman yon? Nakapunta na ba sya dito?

"Paano mo nalaman to?" I can't help but to ask. Sinarado nya ang pinto saka binitiwan ang kamay ko. Dumiretso sya sa upuan saka umupo doon. Kumunot ang noo ko. "Wow, what do you think you're doing? You're here for files, right? Kunin mo nalang doon--" tinuro ko yung drawer kung nasaan ang hinahanap nya. "--para makaalis ka na dito." Padabog akong umupo sa upuan ko saka tinignan ulit ang mga maga-apply as secretary ko.

Hindi naman nagtagal, umupo sya sa upuan sa harap ko pero hindi ako tumingin sa kanya.

"So, you want to play hot and cold now?" He leaned over kaya naman umatras ako. "Look at me, miss." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. His eyes we're giving me shivers down my spine.

"W-what are you doing?"

"Break up with him." Nagulat ako sa sinabi nya. That's not a freaking question or something. It's more like an order.

"What?" Is he crazy?

Tinaas nya ang kilay nya. "You're together again, right?" Walang emotion nyang sabi.

Nanliit ang mga mata ko. "Sinong tinutukoy mo?" Nanliit din ang mga mata nya.

"Sino pa ba?" Mas lalo nyang nilapit yung mukha nya kaya napasandal na ako sa upuan. "You are making me crazy, miss."

"Tumigil ka nga. Be professional okay? Kunin mo na ang kukunin mo nang makaalis ka na dito."

"You want me to go now?" Umayos sya ng tayo dahilan para makahinga na ako ng maluwag. "Para makapaglampungan na kayo ng boyfriend mo? No."

"Ano ba talaga ang sadya mo dito?" Tumaas bigla ang boses ko.

"Ikaw." aniya.

Pagkatapos ng hindi nya ako pinapansin magiging straight forward sya ngayon?

"Oh come on! We know you're just here for the goddamn files. Kunin mo na!" Tinuro ko yung drawer saka tumayo.

"Your mouth, please." Lumapit nanaman sya sa akin. "Did he kiss you already? Did he touch you?" Mariin nyang tanong.

"Oh please, why are you asking me that--"

"Just answer it." Humakbang pa sya ng ilang beses. "Honestly."

Napalunok ako. Is he talking about Ken?

He locked me on the wall. "Shit." Bulong ko. Alam kong narinig nya yon dahil ngumisi sya.

"Why can't you answer?" He looked at my lips kaya tinikom ko iyon. "I miss your lips....... so bad." Bulong nya saka lumayo sa akin.

"Why are you doing this?" Torturing me.

"Do what?"

"Pwede ba? Be professional. Don't you dare bring up the past." Umupo ulit ako sa swivel chair.

"Kung makapagsalita ka parang ako ang nangiwan, ah?" Napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Oh please---" Natigil ako sa pagsasalita nang padabog syang umupo sa harapan ko.

"Care to explain, miss?" Nararamdaman ko ang galit nya sa akin. I know he's mad. Alam ko yon.

"Stop talking about it."

Married to the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon