Chapter 55 : Sent

94 4 0
                                    


Kryshia's POV

"We all gathered here para pag-usapan ang hinihinging kasal ng mga bata." Panimula ni Daddy. Nandito kami sa isang restaurant. Kumpleto kami. Si Mommy, Daddy, ako, si Drake, Tita Gem, Tito Davis.

"Alam naman naming kapag nagpakasal ang mga bata, babawiin nyo ang ibinigay nyo sa amin. Huwag po kayong mag-alala, hindi po seryoso si Drake sa hinihingi nya--" Sabi ni Tita Gem pero pinutol sya ni Mommy.

"Biro? Biro ba yung tinaya nya yung buhay nya para maligtas ang anak namin? You should be proud." Napayuko naman si Tita Gem sa sinabi ni Mommy.

"I have a question. Pabor ba kayo sa kasal nilang dalawa?" Tanong ni Daddy. Naramdaman kong hinawakan ni Drake ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. He's smiling. "Gusto nyo ba ang anak ko na mapangasawa ng anak nyo?"

"Gusto namin si Kryshia. She's a good, honest, loving and caring girl. I like her for my son, but---" Sabi ni Tita.

"But what? Mawawala ang pera nyo?" Sabat naman ni Drake. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya kaya tumigil na sya.

"Fine. The company is forever yours. Pero hindi ibig sabihin non na nagmamakaawa kaming magpakasal ang anak nyo sa anak namin. Iyon ang ikakasaya ng anak namin kaya namin ito ginagawa. Take it as a gift dahil sa ginawa ng anak nyo na pagligtas sa anak namin." Mahabang sambit ni Daddy. Hindi ko akalaing ibibigay nya iyon ng ganon kadali. Dati kasi, sobrang higpit nya.

"Talaga?"

"Mom!" Suway ni Drake sa Mommy nya. "Don't say that na para bang uhaw na uhaw kayo sa pera---"

"It's okay, Drake. Kapakanan mo rin ang iniisip nila kaya ayaw nilang makuha sa kanila ang kumpanya." Sabi naman ni Mommy.

***

Alexandra's POV

Yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit bumalik lahat. Alam ko wala na ito. Bakit bumalik?

Nag-iwas ako ng tingin saka tumayo. "Tanungin mo nalang sila Mommy sa number ko. Magpapahinga na ako." Sinukbit ko ang bag ko saka naglakad papunta sa hagdan nang magsalita sya.

"Goodnight. I love you."

Natigilan ako pero hindi ako lumingon sa kanya. I gulped and took my steps upstairs.

What's wrong with you, heart?! I don't like this so please stop. Masasaktan ka lang ulit. Huwag na huwag ka nang magpapaniwala sa mga ganyan.

Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bag ko.

1 message received

From: +639*********

I got ur number. Sleep tight. I love you.

Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko at humiga sa kama. Is it good or bad?

***

"Alex, girl! What are you thinking again? Are you hiding something from me again?" Sunod-sunod na tanong ni Kelly sa akin. We're in school, obviously.

"Nothing. I just didn't eat breakfast earlier." Palusot ko saka ngumiti. Ngumiwi naman sya saka may kinuha sa bag nya.

"Take this. It's just a biscuit but it helps, really." Ngumiti sya saka inabot sa akin iyon. "Eat that, now."

"Hmm K."

Habang kinakain ko iyon, nagvibrate ang phone ko. I checked it and it was Brent.

1 message received

From: Brentyyy~

    I can't go to school right now, Alex. I think I have a flu. But don't worry, I'll be taking care of myself. But too sad, I can't see you today: <

Married to the Bad BoyWhere stories live. Discover now