Chapter 23 : Babe

153 7 1
                                    

Kryshia's POV

[Kinabukasan]

"Kryshia! Kryshia!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Alex na tumatakbo sa akim. Nandito na kami sa school. Aga ko no?

"Bakit ka tumatakbo? May humahabol na sayo?" Nagtataka kong tanong. She sighed and looked down.

"H-hindi ko na kaya." Kumunot ang noo ko. Inangat nya ang tingin nya at nakita kong paiyak na sya. "Kinausap ako si Justin." She held my hands.

"Ano sabi?"

"Hinahayaan nya na daw ako. Hinahayaan nya na daw kami ni Matt." She looked down again. "Hindi ko na kaya kaya sinabi ko na sayo."

"Kailan pa nya yan sinabi?"

"Kahapon."

"Alam na ni Matthew?" Kinagat nya ang pang-ibaba nyang labi saka umiling. "Kailangang ipaalam mo sa kanya, Alex. Anong naramdaman mo nung sinabi yon ni Justin?"

"Kailangan pa ba yan?"

"Ano nga? Naramdaman mo bang masakit? Or baka naaawa ka lang sa kanya? You're just guilty or nanghihinayang dahil hindi naging kayo at ngayon mo lang nalaman na matagal ka na nyang gusto pero hindi nya sinabi sayo kaya ngayon, nanghihinayang ka talaga?" Mahabang sabi ko.

"Lahat yan. Lahat yan nararamdaman ko. P-pero alam ko na, Kryshia. M-mas gusto ko si Matt." Napangiti ako sa sinabi nya.

"Yes! Sa wakas! Problem solved!" Nagtatatalon talon pa ako bago humarap sa kanya. "Sama ka? Kakain kami ni Drake sa labas. Libre ko!"

"Nako, hindi na. Siguro hahanapin ko nalang si Matt." Ngumiti sya sa akin.

"Sige, Alex. Goodluck!" Sabi ko naman at umalis na. Ano kayang pakiramdam ngayon ni Justin? Malamang nagsisisi yon dahil hindi nya nasabi agad kay Alex ang nararamdaman nya. Ngayon, may umagaw na sa atensyon ni Alex sa kanya. Kaya ayan. Tsk.

***

"Hey, babe." Bungad sa akin ni Drake.

Really? Babe? Cute♥️

Pinagkunutan ko sya ng noo.

"What? Ayaw mo non? Yon yung unang pumasok sa isip ko, eh." Sabi nya saka pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse nya. Maaga pa at mamaya pa ang klase namin. Nag-attendance lang kami at mamaya pang 12:00pm ang klase. May teacher's conference daw kasi.

"Baka kasi yon ang tinatawag mo sa mga babae mo." Sabi ko nang makapasok sya. Ako na rin ang nagkabit ng seat belt ko. I felt his stare pero sa harap lang ako nakatingin. "Magmaneho ka na."

"Babe, hindi ko yon tinatawag sa mga babae ko----"

"So marami kang babae."

"Hindi sa ganon-----"

"Oh shut up and just drive."

Am I bipolar?

****

Nang nasa restaurant na kami, nauna akong lumabas at hindi sya hinintay. Pumasok na rin ako pero hindi nagtagal, may humawak sa braso ko saka ako tinabi sa kanya.

"Dito ka lang."

Inalalayan nya akong umupo nang mahanap kami ng table.

"Ayaw mo akong kausapin?" Bigla akong napatingin sa kanya at sumimangot.

"Mag-order ka na lang muna. Gutom na ako." Inirapan ko pa sya. Tumawa sya ng bahagya saka tinaas ang kamay.

Tumawag sya ng WAITRESS! Bakit babae?! Pwede namang lalaki!

Lumapit sa amin yung babae. Napaka pabebe maglakad putek. Una nyang inabot sa akin yung menu sunod kay Drake. Nakita ko pang hinawakan nya yung kamay ni Drake at namula rin yung pisngi nya.

Hindi napansin yon ni Drake dahil nakatingin lang sya sa menu.

"What's your best seller, miss?" Biglang tanong ni Drake pero nakatingin sya sa menu.

"Uhmm." Inayos ng babae yung sarili nyang buhok saka dahan-dahang tinuro yung best seller sa menu. At tagalang binababa nya yung damit nya dahilan para mas makita yung cleavage nya!

Anak ng tupa! Ang landi nya! Harot!


Bigla akong tumayo dahilan para mag-angat sila ng tingin.

"Babe?" Tawag sa akin ni Drake. Nakita ko naman na tinarayan ako nung waitress kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Hindi na kami kakain dito kaya pwede ka nang lumayas." Sabi ko pero hindi pa rin sya umaalis. "Kakausapin ko yung manager nyo para sisantehin ka, gusto mo?" Pinanlakihan ko sya ng mata.

Inirapan nya ako at saka sya umalis. Nang mawala na sya sa paningin ko, hindi ko tinignan si Drake at lumabas na ako ng restaurant na yon.

Nakakainbyerna.


Hindi nagtagal, sumunod din sa akin si Drake.


"Bakit nanaman? May nagawa ba akong ayaw mo? Bakit ayaw mo na kumain doon?" Tanong nya.

"Nakakainis yung waitress! Tignan mo nga kung paano sya makatingin sayo! Nakakairita! Ang landi nya. Tsaka bakit ba iyon ang tinawag mo? Bakit hindi lalaki?" Hinampas ko sya sa dibdib pero agad nyang hinuli ang dalawa kong kamay. "Type mo yung babae, ano? Type mo, ha? Type mo?"


"Wha-what? Hindi ano!" Sabi nya. "Hindi ko tinawag yung lalaking waiter dahil baka tignan ka nya. Iyon lang ang reason ko, babe. Wala nang iba." Ngumiti pa sya sa akin. Yung ngiting nakakatunaw.


"H'wag ka ngang ngumiti ng ganyan sa akin." Nag-iwas ako ng tingin. Narinig kong tumawa sya. "Bakit?"

"You're blushing, babe. I can make uou blush. And I like that. I mean, I love that." Bigla nya akong hinalikan sa pisngi.

"Tara na nga! Mag-drive thru nalang tayo." Sabi ko saka naglakad papunta sa kotse nya.

****

Nang maka-order kami, dumiretso kami sa school. Nag-park sya doon at doon sa kotse nya rin namin kinain ang mga binili namin. Libre ko to, ah!



"Babe." Tumingin ako sa kanya nang sabihin nya yon.



"Ano?"



"Tawagin mo rin akong babe. That's our endearment." Ngumisi sya sa akin.


"Paano kung ayaw ko?"



"Well, you can have my punishment." Mas lalong lumaki ang ngisi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.


"What's that punishment, huh?"





"Malalaman mo kapag tinawag mo akong Drake." Sabi nya saka kumindat.


"Drake." Sabi ko saka humalakhak. "Asan yung punishment mo, ha Drake?" Mas lalo kong diniin yung pangalan nya.



Ngumisi sya at lumapit kaya napa-atras ako. "This is your punishment, babe." Bigla nya akong hinalikan sa labi. Pero smack lang yon dahil lumayo sya kaagad.


"Gago!" Pinalo ko sya sa braso kaya humalakhak sya.


"I love you, babe." Bigla nyang sabi. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko. Should I tell him? Maybe not yet.


Yes, I admit I'm already in love with him too.


I love you too, babe. Pero sa akin muna yon ngayon.


*****

A/N: ATTENTION! Na-publish ko na ito kahapon pero hindi buo yung chapter. Hindi na-save yung bandang huli kaya in-unpublish ko muna at nagsulat. Pero ngayon, okay na sya! Happy reading❤️



Married to the Bad BoyWhere stories live. Discover now